19

7.3K 232 25
                                    

"Karlos..." Bungad ko sa kanya nang pinagbuksan ko siya ng pintuan.

"Daddy." Tuwang-tuwa si Rohi at kaagad itong nagpakarga sa ama nito na halos walang mapaglalagyan ng saya ng makita ang ama kaya kinuha naman ito ng binata.

Binata.

Ilang beses ko bang iniisip yan na ayokong isipin na binata pa siya na walang anak na inaalala Dahil talagang napaka.unfair na mukha na akong losyang habang siya ay para siyang si Brad Pitt noong kapanahunan nito na sobrang hot at sikat.

"Anna, Any problem?" Pukaw nito sa akin at nasa sala na ito na dahan-dahang isinayaw-sayaw si Rohi sabay sa mahinang kanta na pinatugtog kanina ni yaya na Greatest Songhits ni Tom Jones at kasalukuyan namang naka.play ang Green, Green Grass of Home.  Malamig ang mga titig nito sa akin at alam ko ang rason ng titig na yan, I hurt his ego. Gusto kong kausapin siya at humingi ng sorry sa sinasabi ko noong isang araw.

"Noth----what the? Karlos, are you okay? What happened?" Literal na nanlaki ang mga mata ko dahil may mantsa ng dugo ang suot nitong Levi's shorts. Nilapitan ko siya at aabutin ko na sana ang mantsa ng dugo but he refrained me from doing so.

"Stop there. It's nothing to worry, Anna. Nadulas lang ako kanina. Just go upstairs and get some rest. Isusunod ko lang si Rohi kapag tulog na talaga ito." Matabang na sabi nito at hindi ko mapigilan ang luha na lumabas sa mga mata ko. I am helplessly hurt sa hindi ko alam na dahilan kung saan ako nasaktan. Sa kalamigan ba nito o sa sugat nito.

"Anna, what's wrong?" Tanong nito kaagad.

"No please. Kahit ngayon lang, make my heart at ease to clean that wound Karlos. Please, ayokong ma.infect yan. Sino na lang ang kakarga kay Rohi kung matetano ka?" Sabi ko at sapat na alibi na yun para malinis ko ang sugat nito.

He just heaved a sigh and another long silence.

"Kapag tulog na si Rohi." Sabi nito at dali-dali akong pumunta sa kusina at naghanap ng pampalinis ng sugat and my medical kit.

Hinintay ko pang makatulog si Rohi at hinatid na nito sa silid ko. Dahan-dahan pa nitong nilagay sa kuna ang bata and seeing this is such a wonderful scene pero huli na para magsisisi pa ako. Nasabi ko na ang masasakit na salita sa kanya na hindi ko na naman pinakinggan ang sasabihin nito.

"Dito na lang sa natin lilinisin ang sugat mo. Baka magising ang bata at iiyak na naman siya na wala ka." Sabi ko sa kanya at hindi na naman ito sumagot. Hindi ko alam kung anong laman ng utak nito at nag-isip pa ito bago tumango.

Lumapit ako sa kanya at tinignan ang sugat na nasa gilid ng katawan nito.

"Karlos naman eh. Ano bang nangyari at hinayaan mo lang ang sugat mo?" Inis na tanong ko sa kanya pagkatapos kong tingnan ang sugat nito. Bumalik na naman kasi sa isip ko ang panahon na muntik na itong mawala dahil lang sa kagagahan ko noon and this time hindi ko alam kung anong dahilan ng sugat nito. Kaya kaagad kong nilinis ang sugat at lalo akong nainis sa sarili ko dahil lalo akong napaiyak dahil may bubog pa na nakabaon sa sugat at alam kung medyo malalim ito.. Masasabi kong hindi na ito presko dahil natuyo na ang dugo sa paligid ng sugat.

Narinig kong mahina itong tumawa.

"You're a doctor bakit ka umiyak na makakita ng sugat? Pretty sure hindi ka lang ngayon nakakita ng ganito kalaki ang sugat."

"Karlos naman eh. Malaki ka na at alam mo ang daan papuntang ospital para ipagamot ito at matahi yan."

"I'll give you the honor."

"Walang anesthesia."

Hindi ito sumagot. Yeah I am a doctor  pero hindi ako sanay na kilala ko ang gagamutin ko lalo na't si Karlos nawawala ang focus ko.

Desperate Plea (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon