12

7.8K 221 10
                                    

Bago ako uuwi ng bahay ay dadaanan ko muna sa bahay ang mag-ina ko este ang baby ko.. Hindi naman ako pinapatulog ni Annabelle sa bahay nito tiyak na magagalit ito sa akin kung hindi ako uuwi sa bahay ko. Kaya ngayon excited ako dahil pupunta ako sa anak ko.

Pagdating ko sa labas ng bahay ay may isang Black Ford Mustang Range...


who's her visitor?


Pinagbuksan ako ng pintuan ng kasambahay nito at walang tao sa sala  kaya nagbakasakali akong may tao sa kusina... And my blood suddenly boiled up. Naiinis ako sa nakikita ko ngayon.


Nagluluto si Annabelle habang karga-karga ng isang pokemon ang anak ko at nagtatawanan pa sila sa ginagawa nila. Nakakalamang na ng marami tong si JAke na to. Ang dami nilang nilutong pagkain. As if today is their special day.


"good evening.." pukaw ko sa dalawang pares na hindi naman bagay... Paano ko ba mapatalsik tong si Jake na hindi natatakot o nagagalit sa akin si Annabelle..??

Sabay pang lumingon ang dalawa at tanging si baby Rohi ang parang natuwa na andito ako at panay ang abot ng kamay nito para kunin ko. Kinuha ko naman. Daddy's princess eh.


"Pare, ikaw pala. Napunta ka?" late reaction ni Jake.


ang angas nito.


"bakit bawal ba?"  tanong ko din sa kanya.


tumahimik lang ito at umupo... walang imik si Annabelle sa tabi habang busy ito sa pagluluto.. Paalis na ako ng kusina ng masipatan ko ang suot nito. Maikling shorts, white backless ang upper nito at naka  tsinelas pambahay. habang maayos na nakapusod ang buhok nito.. Kulang na lang magkasim-puti ito sa suot nitong damit... Nagpapa-cute ba siya kay Pokemon? Tinignan ko si Jake na nakatingin sa akin.


"staring is rude." sabi nito at para akong nainsulto sa sinasabi niyang yun.


"sana ikaw din. Pasensyahan tayo kung lalampas ka." banta ko sa kanya at umalis para pumunta sa sala.


"I may be selfish but... can you tell mommy not to wear that kind of outfit kung si Pokemon lang ang kasama nito?? Nagagalit ang daddy mo kung may ibang titingin sa kanya." kausap ko sa bata at bumungisngis lang ito. As if naman naintindihan niya ako at parang pinagtawanan ako sa selos ko ngayon.


Maya-maya pa ay tinawag ako para sa hapunan, siyempre hindi na ako nagpapa-cute. Kinuha ng yaya si Jed para pakainin na din nito. Ang overreacting lang kasi ni Jake dahil talagang nagpapakitang gilas kay Annabele nilalagyan pa ng pagkain ang pinggan nito.


"ako na Jake... Kaya ko naman." sabi ni Annabelle...


"wag na, ikaw nagluto eh."


Sobra nilang sweet at naiinis ako kay Annabelle dahil ngumiti lang ito at hinayaan si Jake na yun. Nilagyan pa ng tubig ang baso nito. Tumayo ako. Ayokong magalit sa akin si Annabelle kapag hindi ko ma-control ang sarili ko.


"Busog pa pala ako. Thanks for inviting." sabi ko at pinuntahan ko ang anak ko at ako na ang nagpakain kay Jed...

Desperate Plea (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon