Karlos:
"Hindi na ako ang mahal ni Annabelle at sa tuwing iniisip ko yun ay naninikip ang dibdib ko. Bakit ba palagi na lang akong nahuhuli sa kanya?"
"Wag mong sabihin nababakla ka na ngayon kaya dinadaan mo sa paglalasing hanggang sa masaktan ka na naman? Andito pa naman ako ah. (Umupo ito sa tabi ko.) Akala ko tuloy best friend mo akong gago ka."
Who else... it's Knight.
"Hindi kita kailangan ngayon."
Kumuha ito ng serbesa at tinungga yun...
"Ayaw na sayo ni Anna Pero may Rohi ka pa bro buti ka pa nga eh. Pabayaan mo na yang babaeng yan makakahanap ka pa ng ibang mas matangkad pa sa kanya."
"Thanks for cheering me on pero hindi ko pa matanggap na ganito kami nauwi. May anak na kami sana man lang inisip niya na hindi magulo ang mga magulang ni Rohi. Hindi nalilito ang bata kung bakit hiwalay ang mga magulang niya."
"Hindi ako magaling sa mga payo, at hindi ko rin maintindihan ang mga iniisip ng mga babae. Iisang University lang yata sila nag-aaral. Bakit ba ang hilig nilang mang-iwan kapag nabubuntis na sila?. Ano bang meron sa ating mga lalaki At ano bang akala nila sa ating mga lalaki? Kapag nagloko tayo, lapit sila ng lapit, enjoy na enjoy pa habang hindi natin siniseryoso kapag nagseryoso naman umaalis, sila yata ang mga playgirl."
Napangiti ako sa sinasabi ni Knight. May pinaghuhugutan ang loko.
"Paano mo nasabi? Hindi naman si Kayla ang tinutukoy mo ano?"
"Aish hindi ah. Ano namang kinalaman ni Kayla dito. Tsk tingnan mo nga yang sarili mo. Nung ayaw mo kay Anabelle dahil may mga chikababe ka lapit siya ng lapit sayo. Ngayon namang seryoso ka na, siya naman ang nagpapahabol. Tigilan mo na yan hindi bagay sayo ang naghahabol sa isang babae. Let her chase you."
"Can I blame her? I hurt her several times."
"...at ngayon naman, pinagtatanggol mo. Pre, ayokong makikita kang naglalasing dahil sa kanya at ayokong mawalan ng best friend. Sapat na yung isang beses. Promise, pagdating kay Rohi hindi kita iiwan, magiging best friend din sila ng future baby ko. Kung lalaki, hmm pwede ring magkumpare tayo." Sabi nito na tuwang-tuwa sa iniisip nito.
Tinitigan ko siya ng nakakainis na titig at tumahimik naman ito.
"Ito naman hindi mabiro. Hindi naman ako nagseseryoso nuh."
"Call ako diyan." Sagot ko at nagtawanan na lang kami and clink our bottles.
"Hindi ko talaga inaakala na may silbi ka pa pala. Tama, kung ayaw sa akin ni Anabelle, meron pa akong dapat pagkaabalahan, ang anak ko." At nagtawanan kami.
Maybe, I really have to give up on Anabelle.
"Parang kang hindi malaking lalaki sa ganyan. Aalagaan daw si Rohi pero yang sarili mo hindi mo man lang naalagan sa lagay na yan." Tinignan ko ang sugat ko na may benda.
"Paano mo nalaman?"
"Tumawag sa akin si Bobby at nakita niya kanina na may bahid ng dugo ang damit mo kanina pero hindi siya makalapit dahil pinalayas mo daw silang lahat. Tsk saan mo na naman nakuha yan?"
"Sa likod. I was about to throw my tantrums pero may galit din yata yung bubog at naunahan ako."
Bigla ay humagalpak ng tawa ang katabi ko.. for sure iniisip na naman nito ang mga walang kwentang bagay.
"I'm just wondering--"
"Stop. Wag ka ng mag.wonder. alam ko na ang iniisip mo."
"Ok fine. Ok fine. Natatawa talaga ako baka kasi nag-emote din yung bote at pinukpok ang sarili sa pader."
BINABASA MO ANG
Desperate Plea (Complete)
General FictionKarlos, a womanizer, fuckboy, club owner, bank owner, hate the word "love". he never feel in love ever since. for him, women are just his toys in bed, and he never believe in love like his friends who looks so pathetic and lunatics who fell in love...