Tulin na lumipas ang mga araw at karamihan nagsasabi na ang pagsasama daw namin ni Karlos ay talo pa ang nasa honeymoon stage dahil talagang bumabawi si Karlos at makikita ko naman yan lalo na pagdating sa unica hija namin na si Rohi. Wala na akong mahihiling pa sa kanya bilang ama ni Rohi, he's great dad and best partner, makasama ko lang silang dalawa sa buhay ko ay talagang napaka.sapat na sa akin. Si Kevin at Minerva, mukhang ok naman yata ang dalawa dahil hindi na nagsusumbong si Kevin kay Karlos tungkol kay Blast. Gwapo din naman kasi ang kumag na yun ng makita ko at ayun si Karlos, binabantayan na rin ako baka raw maglandi yung intern. Naku hindi naman ako mahilig sa mas bata pa sa akin baka ma.child abuse pa ako.
So with April, masaya ako na masaya siya habang regular naman naming chini-check-up ang pagbubuntis nito kahit hanggang ngayon ay wala pa ring alam ang ama ng anak nito. Sana ganito lang palagi, masaya at kung may problema man ay masolusyonan kaagad...
Tok.tok.
Napaangat ang tingin ko sa Assistant nurse ko at para itong kinabahan.
"Yes?"
"Kasi dok, may nagpadala po sa inyo ng bulaklak."
Ngumiti ako ng biglang pumasok si Karlos sa isip ko. Who else would like to give me some cute things para lang kiligin ako.
"Come on. Dinala mo na lang sana dito."
Pumasok si Joyce at kahit ako ay nangunot ang noo ko sa nakita kong bulaklak. Patay na chrysanthemum flower ang naka-basket.
"Parang galing po sa sementeryo po yan, dok. Itatapon na lang natin." Binasa ko ang nakasulat pa rin sa ribbon na 'Rest In Peace' . Napalunok ako at napaupo ulit sa upuan ko. Nanlamig ang buo kong katawan dahil ngayon lang ako nakatanggap ng ganitong bulaklak. This is already a sign of death and someone's threatening my life right??. Ipapaalam ko ba kay Karlos??? No, marami pang problema si Karlos para dadagdag ako.
"Iwan mo na lang yan."
"Hindi niyo po ba ipapa.check sa CCTV dok?"
"Wag na baka nagkataon lang siguro na nagkamali ang nagpadala niyan. Wala naman ang pangalan ko diyan. Calm down Joyce. If may matanggap ka ulit, ilagay mo na lang dyan sa sulok. Baka may nagkamali lang talaga ng padala niyan at inabot na lang hanggang sa mamatay ang halaman."
"Sige po dok." Sabi nito at lumabas na ng silid.
Kinuha ko ang basket at nilagay sa sulok ng opisina ko at nagpatuloy ako sa trabaho ko. Busy ako para isipin ang mga bagay na posible din namang nagkamali talaga ng padala ang tao na yan.
***** ***** *****
Karlos' POV
"Babe, ok lang ba sayo na mawala muna ako saglit? May branch opening lang sa Mindanao babe. Don't worry, si Vlad naman ang kasama ko papunta dun."
"Babe, that's your call as the President and CEO of the company. So it's fine. Wag mo kaming alalahanin ni Rohi. Kailan ba yan?"
"Tomorrow afternoon babe. Remember this last Saturday of the month babe, pupunta tayo sa branch anniversary sa Europe babe." Paalala ko sa kanya baka kasi makalimutan niya. Ito na ang pinaka.una namin na bakasyon kasama na ang anak namin.
"Ah yeah. Sasabihan ko nga pala si Kevin regarding dyan." Sabi nito at sobra ko ng excited sa araw na yan. Masasapak ko si Kevin kapag bitter na naman ang loko.
"You seemed tired babe."
"Yes. Masyado lang kasing maraming dumating na pasyente ngayon and I have to entertain all of them dahil absent yung isang OB-gynecologist babe. Kaya sorry talaga kung hindi ako masyadong malambing ngayon."
BINABASA MO ANG
Desperate Plea (Complete)
General FictionKarlos, a womanizer, fuckboy, club owner, bank owner, hate the word "love". he never feel in love ever since. for him, women are just his toys in bed, and he never believe in love like his friends who looks so pathetic and lunatics who fell in love...