"Please, marry me." Sa dinami-dami ng sinabi ng boyfriend niya ay yun lang ang narinig nito.
Hindi niya mapigilan ang saya na nararamdaman niya habang nakaluhod ang boyfriend niya sa harapan niya habang naka-video ang mga kaibigan niya sa kanila....
Malapit na akong matapos sa binabasa kong love story sa wattpad sa cellphone ko at hindi ko na mapigilan ang sarili ko na kiligin at mainlove sa bidang lalaki na naglalaro sa utak ko. Sarap naman talagang mainlove. Iniimagine ko ang sarili at si Nic.
"Annabelle."
Hindi ko pinansin si Kevin na bumalabog sa opisina ko dito sa ospital at nagpatuloy ako sa pagbabasa.
"Woman, listen here."
"Shut up." Sabi ko habang nakatutok pa rin sa cellphone ko.
"Sasama ka ba mamaya sa Ballroom?"
"Nope. Pangmatanda lang yan. Ikaw na lang, total wala ka namang ibang ginagawa kundi magtrabaho dito sa ospital." He changed a lot. Mula ng iwanan yan ng asawa how many years ago. Gago kasi kaya hindi na bumalik si Ate Minerva.
"Sure?"
"Unless pupunta doon ni Nicolas."
"Pupunta siya."
Nagliwanag ang mukha ko sa sinabi niya. Matagal ko ng crush si Nicolas na head nurse dito sa Hospital ni Kevin.
"Joke lang. Pupunta naman kasi talaga ako. May nakahanda na ngang isusuot ko mamaya."
Umiling ito.
"Stop that nonsense, Anna. May ka-live in na yang si Nic."
Aish ayan na naman ang pangaral nito.
"For how many times ko bang sasabihin sayo na wala kang mapapala sa pangaral mo. Gusto ko si Nic. Hindi pa sila kasal at mali ka ng information. Hindi sila nag-live-in."
"Whatever. Wag kang iiyak kapag nasaktan ka. Hindi ka talaga nagtanda."
"I'm not like you, moron."
"..."
See wala siyang masagot. Ito pa ang may ganang magalit kay Minerva. Sos, kung ako ang papipiliin hindi na yan babalikan ang lalaking ito.
Lumabas ito ng walang pasabi. Affected. Mabuti na rin ang minsan na saktan ang ego ng lalaking yan.Pagkatapos ng roving namin sa mga ward ay pabalik na ako sa office ko para mag-aral. Practicing doctor pa lang ako at laki ng pasasalamat ko dahil tinulungan ako ni Kevin na matuto dito sa hospital nila.
At dito ko na nakita si Nicolas.
Masama bang magustuhan ko si Nic? Hindi siya mahirap mahalin dahil mabait siya, gwapo, hotest nurse nga siya dito kaya ang swerte ko. As days, passed by, lumalamin ang paghanga ko sa kanya.
"Nic!" Tawag ko sa kanya nang makita ko sa may hallway. Lumingon ito at ngumiti sa akin.
"Ann."
"Pupunta ka ba mamaya?" Kaagad na tanong ko sa kanya.
"Ah siguro. Pero hahabol ako. May aasikasuhin pa kasi ako."
Para pa akong teenager na kinikilig dahil kaharap ang major crush ko. At last, magkasama kami mamaya.
"Sige, see you there na lang?" Sabi ko at kunwari pang kumaway.
Yes maaga talaga akong uuwi ngayon dahil may ka-date na ako mamaya. Alas kuwatro pa lang ay ready to go home na ako.
BINABASA MO ANG
Desperate Plea (Complete)
General FictionKarlos, a womanizer, fuckboy, club owner, bank owner, hate the word "love". he never feel in love ever since. for him, women are just his toys in bed, and he never believe in love like his friends who looks so pathetic and lunatics who fell in love...