28

6K 167 7
                                    

A/N: hello happy new year everyone. Pasensya na po dahil hindi naupload itong part ng DP. Nagka-busy din kasi ang linya so I just wanted to say na sobrang tagal ng story na to na talagang lumampas ng two years kaya sorry na sa mga sumukong magbasa at sumukong maghintay. Marami kasing iniisip at minsan nawawalan ng gana. Heto na. Hahabaan ko na to dahil magwawakas na rin sa wakas ang storya ni Karlos at ni Annabelle awh este may last part (epilogue) na hindi kahabaan Happy New Year ulit. Sana masaya po kayong lahat. God bless.

Anna's POV

"Oo minahal din kita.... Masaya ako dahil nakilala kita, nakasama dun at nakilala ko ang pagkatao mo at nagpapasalamat ako dahil mahal mo rin si Rohi.. At hanggang ngayon ay mahal pa rin kita, Jake. Kahit hanggang ngayon ay ayokong magbabago tayo." Sabi ko sa kanya. Malapit na talaga akong mauubusan ng pasensya nito kay Jake.

"See? Bakit ka pa magpapahirap pakisamahan si Karlos? Di ba sabi mo saglit mo lang pakikisamahan si Karlos? Di ba naka-plano mo na yan? Ano bang kinatatakutan mo ngayon Anna?"

"Pero bilang isang kaibigan lang  ang kaya kong ibigay sayo Jake. Hindi ko kayang ibigay sayo ang bagay na gusto mo dahil mahal na mahal ko si Karlos, Jake.." I honestly told him at para itong nanlumo sa sagot ko. Tumingin ako sa pintuan hoping na hindi pa babalik si Karlos at para maliwanagan itong si Jake.

"Stop it, Annabelle. Gagawa pa rin ako ng paraan para makuha kita kay Karlos. Hindi ako papayag na sa kanya ka mapupunta kung hindi ka naman inaalagaan ng maayos. Look at you, you're in this bed while Vida is in your brother's house. Hindi niya kayang alagaan kayong mag-ina dahil isip binata pa rin siya. May death threat din sayo. Hindi mo ba gets na may gustong pumatay sayo dahil sa lalaking yun? I can't let you die." Jake, sweet siyang tao pero nakakalungkot lang dahil hindi bilang Jake ang hanap ko. Ang gusto ko ay ang katulad ni Karlos at pagmamahal lang ni Karlos ang gusto ko.

Napabuga ako ng hangin at hindi na nagsalita. Dumukot ito sa cellphone ng tumunog ito at umangat ang kilay nito at bumuga ng hangin. Problems. Animal problem na naman. Alam ko na ang kilos nito kapag may umiistorbo nito.

"forget what I said Annabelle. I have to go. May importante akong pupuntahan. See you later." Sabi nito na seryoso ang mukha nito at ngumiti din sa huli.

Umangat ang kilay ko at nawewerdohan sa kanya. Pinagti-tripan ba niya ako?

"Get some rest. Enough rest. Ayokong ma-stress ka lalo na sa kalagayan mong yan. I'll call you later."

"Don't. Magagalit si Karlos kapag ganyan ka."

"I know you'll answer me. Wag mo lang iparinig kay Karlos... I just want to make sure you're fine and I wnat to talk with Vida." sabi nito at lumabas na ng silid ko.

Itinapon ko sa sahig ang bulaklak nito at nahiga sa kama. I hate him. Who is he to dominate me? I hate him pero naintindihan ko si Jake at naaawa rin ako sa kanya dahil naging ganyan din ako noon. I was so obsessed way back then at ngayon na ganyan si Jake ay naintindihan ko ang nararamdaman ni Karlos noon na gusto nitong mapag-isa at iwan ko itong nag-iisa at hindi ginugulo. Ayokong maging desperado si Jake sa isang bagay o tao dahil hindi biro ang sakit na yan.

"Oh Jake. Wag ka sanang matulad sa akin noon dahil wala talaga akong planong tugunin ang nararamdaman mong yan.." Sabi ko sa sarili ko at pumikit ulit..

Karlos..

Siya nga pala, asan na ba ang lalaking yun? Hindi pa ba sila tapos mag-usap ni Kevin? Aish kapag nag-uusap talaga ang dalawang yun ay ayaw ng matapos ang topic. Nawala na yata sa isip nitong e.discharge ako. Miss ko na ng sobra ang ang anakins ko na iyon.

Desperate Plea (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon