17

8.7K 241 24
                                        

Napalunok ako ng laway at tinakpan ang bibig ko.

"Karlos." Palihim kong kinapa ang sarili ko at suot ko pa rin ang robang sinuot kagabi nung maudlot ang activity namin ng ama ni Rohi. Gosh, ramdam na ramdam ko talaga ang pag-akyat ng dugo ko sa mukha ko nang maisip ko ying kagabi.

"Good morning... What did you dream? Care to share? ngiting-ngiti ka kasi." Tanong nya habang titig na titig pa talaga sa mukha. Hmmm lalo siyang gumagwapo kapag nakangiti. Promise.
Kaagad kong tinakpan ang mukha ko... Sheeetttt pakeeennnss, am I having such wet dreams???? This is fucking gross.

"Nothing. It's just Rohi." Pagsisinungaling ko at bumangon na ako at pumasok sa banyo. Pagpasok ko ay mahina kong sinampal ang mukha ko na nakaharap sa malaking salamin. "Yuck nakakahiya kang babae ka..." Bulong ko sa sarili ko na nakikipag-usap sa repleksyon ko.

I know you guys already know what usually happened when having wet dreams ayt??? Pakenss talaga.

----------------------------------

Pagbaba ko ay hindi ako mapakali sa nadatnan ko. Napalunok ako ng maraming laway... Jake  is here, nag-uusap sila ni Karlos habang nasa kandungan ni Karlos si Rohi na panay ang laro sa cellphone nito. I never wanted my daughter to be screen dependent pero talagang spoiled siya pagdating sa daddy nito.

"Good morning baby." Agad na tumayo si Jake at lumapit ito sa akin at nabigla ako ng halikan niya ako sa pisngi.

Napadako ang mukha ko kay Karlos na galit ang mga mata nito sa akin. Well he's annoyed actually. Anong kasalanan ko? Hindi naman ako ang humalik sa kanya nuh? At bakit ba panay ang explain ko sa sarili ko.

"How are you?" Tanong ni Jake.

"I'm good." Yun lang??? Isang tanong isang sagot?

"Sobrang laki ng pagbabago. Ayaw ng lumapit sa akin ni Vida." Nakangiting sagot nito. Nakita kong tumayo si Karlos at lumabas sila ni Rohi.

"Hindi mo siguro sinuyo...and she's not Vida, Jake. She's Rohi ayaw ni Karlos pangalanan si Rohi sa hindi niya pangalan."

"Pero mas natatakot ako pati ang nanay ni Vi--Rohi ayaw na ring lumapit sa akin dahil andyan na ang tatay ng anak nito." From good boy ay parang nainis yata ang tono nito kaya inirapan ko siya.

"Not a good joke boy." Sabi ko at nilampasan ko siya at sumunod ito sa akin na pumunta sa kusina.

"I won't give up on you and Rohi, Anna. Akin kayo Not Karlos'. Bakit ba madalas kang nagpapapunta ng ibang lalaki dito sa bahay mo? What do you think I would feel?" Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa sinasabi ni Jake. Bakit parang nakakatakot siyang pakinggan di ba usually ay nakakakilig ang bagay na yan kapag boyfriend or asawa mo ang nagsabi niyan? Hinarap ko siya at nagtama ang mga mata namin. Hindi ako nagsalita dahil natatakot akong masaktan ko siya. He's been a good friend of mine. Always be.

"What happened to you?" Kalmang tanong ko sa kanya.

"I am damn jealous." His pace keeps on back and forth sa harap ko. He's mad in that state. I should understand him. "I want you to remember that it was me when those times you badly needed Karlos to rub on your hand or back when you had your contractions during those 21 hours of labor. I was there when Rohi cried for milk. I was there when you asked for help... It was me and not Karlos kaya hindi ka na dapat nagpapapunta pa sa kanya dito. Once a week would be enough, but everyday? That's ridiculous." Yeah I am grateful for that hindi niya kailangang ipaalala sa akin. Isa andyan si Genesis and Tres when I  had my labor until I gave birth to Rohi.

"I didn't asked him to come here. Will you calm down?"

"But you didn't complain if he come here very often. You're mine. Rohi is mine, Anna. What happened to you? Bakit ba bigla kang nagbago. Come on, let's go back to Australia for good."

Desperate Plea (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon