Celestine Marianne's POV
Ngayong araw na ako magdiriwang ng aking ika- dalawampu't tatlong taong kaarawan. Naghahanda na kami para sa selebrasyon mamayang hapon."Anak, saan yung susuotin mo mamaya?" Tanong ni mommy. "My, nasa closet ko pa. Hindi ko pa nailalabas." Sagot ko. "Anak, ilabas mo na dalian mo. Malamang papunta na yung mga kaibigan mo." Sabi niya. "Mommy, three pm ang usapan namin. 12:15 pa lang." Sabi ko. "Oo nga pero ihanda mo na ang mga gagamitin mo. Magme- make- up ka pa." Sabi ni mommy. Aligaga si mommy sa paghahanda. Dumating na si Christian kanina. At tumutulong siya ngayon sa aming paghahanda para sa pagdiriwang mamaya.
Alas dos ng hapon, dumating na sina Mariella, Cassandra at Nicomaine.
"Happy Birthdayyyyyyy!" Sabay sabay nilang bati. "Halla sila. Grabe kayo makasigaw. Dinig na dinig hanggang sa kusina. Pumasok na nga kayo." Sabi ko sa kanila. Agad naman silang pumasok at naupo sa sofa sa sala.
"Nakakamiss to 'no? Kailan nung huli tayong nakapunta dito?" Tanong ni Cassandra. "High school pa tayo noon. Bago graduation. Yun na yung huling beses na pumunta tayo. Yun yung huling natatandaan ko." Sabi ni Mariella. "Ang tagal na pala. Ngayon lang ulit tayo nagsama- sama. After so many years." Sabi ni Nicomaine. "Guys, buti naman at pinayagan kayong pumunta rito sa party. Lalo ka na Nicomaine." Singit ko bigla. "Basta kasama ko si Richard okay lang sa kanila. May tiwala sila sa amin. Mas kampante sila pag kasama ko si Richard." Sagot niya. "Hi guys, how are you doing?" Tanong sa kanila ni Paulo. "Ah, we're good, kanina ka pa ba jan?" Tanong ko. "Ah, no. Ngayon lang kagagaling ko lang sa labas may kinuha lang ako. Here's my gift." Sagot niya. "Ano naman, to?" Sabi ko. "Buksan mo para malaman mo." Sabi niya sa akin. Nagulat ako sa laman ng maliit na kahong ibinigay niya.
"Halla. Ang mahal nito, ah." Sabi ko. "Sweetheart, its okay. Minsan ka lang naman magdiriwang ng iyong kaarawan sa isang taon. And besides, ngayon ko lang ulit ito gagawin after ng anniversary natin last year. Sana nagustuhan mo." Sabi niya. "I love it. Sobra sobra pa nga to e. Hindi ko naman inaasahang ganito kamahal yung ibibigay mong regalo sa akin. I'm expecting a gift from you but not this expensive. In fact, presence mo lang sapat na. Pero idagdag mo pa tong pendant, this is too much. But I truly appreciate it. Lalo na't galing pa ito sayo. Thank you so much, sweetheart. It means a lot to me. I love you." Pagpapasalamat ko. Hindi ko talaga to inaasahan. "Marianne, happy birthday. Ito nga pala yung gift namin sayo." Sabi ni Nicomaine. "Ito naman yung gift namin." Saad naman ni Cassandra. "Siyempre meron din kami." Sabi naman ni Mariella. "Sorry nga pala kasi iisa lang ang gift namin per couple pa ang ginawa namin. Dapat nga anim yan e kasi nga tatlo tatlo tapos bonus pa yung gift sayo ng jowa mo Kasi naging tatlo na lang pang- apat na yung gift sayo ni Paulo." Sabi ni Cassandra. "Okay lang yun. Presence niyo lang, sapat na sa akin. Bonus na yung mga regalo. Salamat sa time niyo." Sabi ko. "Tara na, movie marathon naman tayo. Four Sisters and A Wedding then Four Sisters Before The Wedding ang isusunod natin." Aya ko sa kanila. "Ay idolo mo ba yung bida doon?" Tanong ni Mariella. "Oo. Si Teddie Salazar este si Toni Gonzaga." Sabi ko. "Aba, parehas pa pala kayo ng surename." Sabi ni Cassandra. "Nako Soriano na ang real surename niya ngayon. She's already married. Plus may anak na din siya." Sabi ko. "Ah updated. Alam na alam." Sabi ni Nicomaine. "Well, idol ko yun e kailangan alam ko ang mga nangyayari sa buhay niya. Sinusundan ko kumbaga. Idol nga e. Ginagawa ko rin siyang inspirasyon sa mga ginagawa ko." Sabi ko. "Kaya mo ba ginagalingan yung mga ginagawa mo?" Tanong ni Lucas. "Oo. Kayo rin kaya, gayahin niyo na ako. Hahaha. Hindi ko naman kayo iniimpluwensiyahan, ano. Pero pwede rin naman." Sabi ko. "O siya, tara na sa theater room." Dagdag ko. Agad naman silang sumunod. Sinimulan na namin ang panonood. Four pm na ngayon at dalawang oras ang Four Sisters and a Wedding. So matatapos kami ng around six pm tapos sisumulan namin yung Four Sisters Before The Wedding agad so bale matatapos kaming mag- marathon mga bandang 8 pm.
YOU ARE READING
THE ONE THAT GOD ALLOWED
FanfictionI wanna be your "THE ONE THAT GOD ALLOWED" in this world full of "THE ONE THAT GOT AWAY". A fanfiction by yours truly made with love for Alden Richards and Maine Mendoza. This is a Tetralogy/Quadrilogy. Date started: October 16, 2020 Date Finished:...