IKADALAWAMPU'T WALONG KABANATA

132 10 0
                                    

Riza's POV
Nanggaling uli kila Nicoleen. Gusto daw makabawi ni Coleen kay Maine dahil dalawang araw na silang hindi nagpapansinan at ngayon lang sila nagkaayos.

"Sa wakas kuya nagkaayos din si Coleen at Maine. Kasi naman si Coleen masyadong prangka minsan. Yung bibig non walang preno. Umiyak tuloy si Maine." Sabi ko kay kuya na nagda- drive ngayon. "Alam mo, minsan pagsabihan mo din yang kaibigan mo, ha? Sensitive ang girlfriend ko. Kaya sabihin mo mag- iingat siya sa mga sasabihin niya. Minsan kailangan niyang magdahan dahan. Madaling mapaiyak si Maine."  Sabi ni kuya. "Tatawagan ko mamaya. Nga pala kuya si Ezekiel pupunta daw bukas sa bahay para officially manligaw na. Hindi ko na nababanggit kasi nga ang dami ko nang iniisip lately." Sabi ko. "O, di ba sabi ko papuntahin mo na sa bahay yon last month pa? Bakit ngayon mo lang sinabi?" Tanong niya sa akin. "Sorry kuya nawala sa isip ko. Masyado kasing occupied. Naiistress na ako kaya hindi ko naalala." Sabi ko.

Pagdating namin sa bahay sinalubong ako ni Angel. "Ate, tumawag pala si kuya Ezekiel ba yon? Yung nanliligaw sa'yo. Pupunta daw siya dito bukas mga 6 pm." Sabi niya sa akin. "Ano namang sinabi mo?" Tanong ko. "Ako ang kumausap sa kanya. Sabi ko, kung seryoso siya sayo dapat irespeto niya kami ng kuya mo at nitong bunso mong kapatid." Sagot ni daddy. "Dad. Mano po." Sabi namin ni kuya. "O siya magbihis na kayo sa taas at maghahapunan na tayo." Sabi ni daddy. Pumunta kami ni kuya sa ikalawang palapag ng bahay para magbihis.

Kumakain kami ngayon ng hapunan. Tahimik kaming tatlo nina kuya RJ at Angel. Sinubukan kong basahin ang katahimikan.

"Dad, pupunta nga po pala si Ezekiel dito bukas." Sabi ko. "O, di ba last year pa sinasabi sa'yo ng kuya mo yan?" Tanong ni Dad. "Opo. Nawala po sa isip ko dahil nga po sobrang abala po ako sa trabaho. Kaya ngayon ko lamang po naipaalam sa inyo ang kanyang pagbisita dito." Sabi ko."Ate pakiramdam ko may hindi ka sinasabi sa amin." Sabi naman ni Angel. "Ha? Ano naman ang iyong ibig iparating, munting binibini?" Tanong ko sa kanya. "Na baka kayo na ng iyong manliligaw ngunit hindi mo pa ito ipinapaalam sa amin dahil ika'y natatakot sa maaaring sabihin ni kuya at ni daddy." Sagot niya sa akin. Nagulat at natatahimik ako nang sampung minuto. Paano niya nalaman?  "Ano na, ate? Bakit bigla kang natahimik?" Tanong niya. "Paano mo nalaman?!" Gulat kong tanong. "Wala namang ibang nakakaalam ng bagay na iyon bukod sa aming dalawa." Saad ko pa. "Naalala mo ba nung araw na magkausap kayo sa telepono, ate?" Tanong nya sa akin. "Oo."  Sagot ko. "Narinig ko kayo noon. Narinig kong sinabi mo na saka niyo na lang sasabihin kapag handa na kayo." Sabi niya. Nabilaukan ako nang marinig ko ang kanyang mga sinabi.

"Dad, sorry po, kuya sorry." Sabi ko. Walang reaksiyong napatingin sa akin si kuya. "Kuya, okay lang sa'yo?" Saad ko. Tumango siya sa akin. "Alam ko na ang tungkol jan. Hinihintay ko lang na sabihin mo." Sabi nya. "Paano?!" Nagtataka kong tanong. Tumingin si kuya kay Angel. Tumingin na rin ako kay Angel. "Sorry ate, nung narinig ko kasing magkausap kayo, pagkatapos kong marinig ang lahat, dumiretso ako kay kuya. Nasabi ko sa kanya lahat." Pag- amin niya. "Ano pa nga bang magagawa ko? Alam niyo na pala bago ko pa sabihin sa inyo." Sabi ko.  "Basta bukas tingnan natin. Nga pala dad, dadalhin ko din dito yung "GIRLFRIEND ko." Sabi ni kuya. At talagang inemphasize niya ang salitang girlfriend. Hindi na tumutol pa si dad at Angel. Mas gusto kasi nilang nandito si Maine. Nagpatuloy kami sa pagkain ng aming hapunan.

Richard's POV
Alas sais na ng gabi ngayon at ngayong gabi nakatakdang ipakilala sa amin ni Riza ng pormal ang kanyang nobyong si Ezekiel.

THE ONE THAT GOD ALLOWEDWhere stories live. Discover now