Nicoleen's POV
Napatweet ako bigla dahil LSS ako sa Paubaya."Coleen, why did you posted such thing on twitter?" Tanong ni ate Nikki. "I just got LSS with the song Paubaya." Sagot ko. "And why did you even posted his picture on twitter?" Tanong niya. "Nanghihinayang lang ako. Sayang din yung anim na taon. Hindi rin biro yung mga napagdaanan namin." Sabi ko. "Anim na taon ba naman." Sabi ni Maine. "Kanina ka pa jan?" Tanong ko. "Hindi naman. Kararating ko lang. Pero nakita ko yung mga pinagpopost mo sa twitter Coleen." Sagot niya. "Mga kadramahan ng ate mo." Saad ni ate Nikki. "Hoy Coleen, ano na naman to? Hanggang ngayon ba nakakapit ka pa rin sa kanya? Wag ka nang umasa. Masasaktan ka lang." Sabi ni kuya Nikko.
Marahil nga ay tama sila. Maaaring oras na upang sarili ko naman ang isipin ko. For the longest time puro siya lang ang iniisip ko.
"Sige kuya. Labas naman tayo. Pasyal tayo sa park." Sabi ko sa kanya.
Namasyal kami sa isa sa pinakasikat na parke sa Pilipinas. Ang Paoay Lake National Park.
"Ang ganda dito." Sabi ko. "Nagustuhan mo? Dito ko dinadala jowa ko kapag gusto niya marelax. " Sabi ni kuya. "Dapat nga si Meng ang tinatanong mo. Napakadami niyang alam na historical places na pwedeng puntahan. Kasi nga mahilig siya sa history tsaka maraming alam yung jowa niyang mga magagandang lugar. Kaya minsan sa kanya ka magtanong. Hindi yan mauubusan ng isasagot." Sagot ni kuya Nikko. "Alam mo ate Coleen sumama ka na lang sa kanila minsan para naman makalimutan mo yung nangyari sa inyo nung ex fiancé mo." Saad ni Dean. "Pwede ba akong sumama sa inyo ni Ella minsan?" Tanong ko kay Dean. "Aba oo naman ate. Sumama ka tapos ikaw ang magbabayad sa mga kakainin natin." Biro niya. "NICODEIM DEAN CAPILI MENDOZA!!!!!!!!" Sigaw ko. "Waaaaaag! Ate buong buo!!!" Sabi niya habang naghahabulan kami sa sala dahil mahahampas ko na siya anumang oras ngayon dahil sa kanyang sinabi. "Hoy Dean, Coleen, tama na yan. Ano na naman ba yan, ha? Kayong dalawa husto na." Sabi ni nanay. "Kasi nanay yang si Dean nang aasar na naman." Sabi ko.Nagpatuloy kami sa pamamasyal sa buong lugar. Ngayon ko lang naappreciate ang taglay na kagandahan ng Pilipinas.
"Gusto kong pumunta sa Siargao." Sabi ko sa kanila. "Sige next time dadalhin ka namin don sa siargao ate basta ikaw ang magbayad." Sabi ni Dean. "Isa na lang talaga dean malapit na kitang batukan. Gusto mo yon? Ha?" Naiinis kong sabi. "Ito naman, ang init na naman ng ulo. Mabilis kang tatanda niyan baka di ka na makatagpo ng lalaking totoong magmamahal sa iyo." Pang aasar naman ni ate Nikki. "Isa ka pa ate Nicolette Ann. Ewan ko sa inyo. Magsama- sama nga kayong lahat diyan." Saad ko saka ako nagwalk out sa kanila.
"Ayan nag- walk out na. Napikon yata dahil sa mga pinagsasasabi mo dean. Sutil ka kasi. Kanina ka pa. Naaasar na nga siya sa'yo e tinuloy mo pa." Sabi ni Ate Nikki kay Dean. "Bakit ate? Ikaw din naman ah." Sabi niya naman kay ate.
Habang nagsasagutan sila, eto ako ngayon nakaupo sa dalampasigan. Natulala, nakatingin sa bawat hampas ng alon. Naisip ko, kailan nga kaya darating ang lalaking nakalaan para sa akin? Kailan kaya darating ang The One That God Allowed ko?
Biglang sumulpot si Maine sa likod ko.
"Ayos ka lang, binibini?" Tanong niya. Umiling ako. "Bakit ka nakatingin sa alon? Ang lalim din ng iniisip mo. May problema ba?" Sabi niya. "Hindi binibini. Hanggang ngayo'y iniisip ko pa rin kung kailan mangyayari sa akin ang nangyari sayo." Sabi ko sa kanya. "Maghintay ka lang. Masyadong naging masakit para sayo yung nangyari sa engagement niyo ni Jack. Maaaring matagalan pa bago mo matagpuan ang lalaking nakalaan para lang sa'yo." Sabi niya. "Pero kailan? Hanggang kailan ako maghihintay?" Tanong ko. "Hindi ko yan masasagot. Dalawang taon ang hinintay ko bago ko matagpuan ang lalaking tunay na nagmamahal at magmamahal sa akin. Ipaubaya mo lang ito sa poong maykapal aking kapatid. Darating din siya tiwala lang." Sabi niya sa akin.
Siguro nga dapat matutunan kong maghintay ng tamang panahon. Dapat matuto akong magtiwala sa diyos. Balang araw, makikilala ko rin ang lalaking para lamang sa akin.
"Maraming salamat!" Saad ko. "Walang anuman. Mabuti pa'y bumalik na tayo roon. Kanina pa sila nag- aalala sa'yo." Sabi niya. "Pati si Dean?" Tanong ko. Tumango naman siya. "Gusto ka niyang hanapin kaya lang pinigilan siya nina nanay at tatay ako ang inutusan nilang maghanap sa'yo." Sabi niya.
Agad kaming bumalik sa kinaroroonan nina nanay, kuya Nikko, tatay, Dean at ate Nikki.
"O, nandito na kayong dalawa. Saan mo nahanap yang kapatid mo Meng?" Tanong ni tatay. "Sa dalampasigan po. Malalim ang iniisip nung inabutan ko doon." Sagot ni Meng. "Alam mo anak, wag mo nang isipin yung tungkol sa pagpapakasal mo sa taong yon. Isipin mo na lang na kaya kayo naghiwalay ay dahil inilayo ka ng diyos sa kapahamakang maaari mong maranasan dahil sa kanya." Sabi ni nanay. "Tama si nanay. Patawarin mo sana kami kung nasobrahan yung biro namin sa'yo kanina. Minsan talaga hindi na namin naiisip na nasasaktan ka na pala namin dahil sa mga biro namin. Patawad binibini." Sabi ni ate Nikki. "Ate, sorry kung nasobrahan ko yung pakikipagbiruan ko sa'yo. Masyado akong nadala to the point na hindi ka na pala natutuwa sa mga sinasabi at ginagawa ko." Sabi ni Dean. "Mag- iingat ka kasi sa mga biro mo. Hindi lahat ng biro mo, papatok sa madla. Minsan kailangan mo ring magdahan- dahan. Magpagayunman, salamat dahil napagtanto mo na mahirap pa para sa aking makipagsabayan sa mga ganoong biro mo." Sabi ko. Niyakap niya ako bilang tanda ng paghingi niya ng tawad sa akin.
Habang naglalakad kami papasok ng isang kubo malapit sa dagat, may nakita akong isang pamilyar na mukha.
"Jack?" Sambit ko.
YOU ARE READING
THE ONE THAT GOD ALLOWED
FanficI wanna be your "THE ONE THAT GOD ALLOWED" in this world full of "THE ONE THAT GOT AWAY". A fanfiction by yours truly made with love for Alden Richards and Maine Mendoza. This is a Tetralogy/Quadrilogy. Date started: October 16, 2020 Date Finished:...