Coleen's POV
After a year....
Today is Richard and Nicomaine's Anniversary. Unang anniversary nila as boyfriend and girlfriend. Aww. Nawa'y lahat. Ang saya saya naming lahat para sa kanilang dalawa dahil dito."Alam niyo, kanina pa kayo diyan nag- aabang. Ano bang inaabangan niyo, ha?" Tanong ni nanay. "Ah, nay, unang anibersaryo po kasi nina Richard at Nicomaine bilang magnobyo't nobya. Baka lang po kasi alam niyo na, may selebrasyon, ganyan." Saad ko. "Alam mo Coleen, dun ka nga sa kwarto mo. Itext mo na lang yung jowa mo si Jack. Dun ka sa kanya." Sabi sakin ni nanay. "Nay, pwede mamaya na lang?" Tanong ko. "Ngayon na. Dun ka sa jowa mo. Masyado kang busy sa kaiintindi ng relasyon ng iba tapos jowa mo pababayaan mo? Wag ganon. Dun ka. Kayo din dun kayo sa kanya kanyang partners niyo. Nangingialam ka na naman sa love life ng may love life. Haha." Pang aasar ni nanay. "Sige na nga po." Nalungkot kong sabi.
Jack's POV
May biglang nag- doorbell sa gate. As far as I remember, I or we are not expecting anyone. Nang buksan ko ang gate, nakita ko si Coleen sa labas."O, sweetie, bakit ka nandito?" Tanong ko. "Dito muna ako. Pinapunta ako ni nanay. Anniversary kasi nina Maine at Richard ngayon. Pinaalis muna ako doon sa bahay kasi nga masyado daw akong nangingialam sa love life nila." Paliwanag ni Coleen. "Pumasok ka muna. Halika na sa loob." Aya ko sa kanya
Nagpunta kami sa sala.
"Mom, nandito si Coleen." Sabi ko. "Anak let her in." Sabi sa akin ni mom. Tinanong namin siya kung bakit. "Ano bang ginawa, mo, binibini?" Tanong ko kay Coleen. "I just got curious about Nicomaine and Richard's first anniversary plans." Sagot niya. "At bakit naman? Napagdaanan na natin yan noon. Well, iba nga lang sa kanila. Pero bakit kailangan mo pang alamin? Umayos ka din kasi." Sabi ko. "Naiinggit lang ako." Saad niya. "Naiinggit? Bakit naman? Hoy masama yan, umayos ka." Sabi ko. "Ano bang dapat kong gawin?" Tanong niya sa akin. "Well, the best thing to do now is to keep your mouth shut and just let them celebrate their first anniversary." Sabi ko sa kanya.
Mary Ann's POV
Nahuli ko sina Coleen na may inaabangan. Alam kong anniversary nina Richard at Nicomaine ngayon. Sabi niya, inaabangan daw nila kung paano nila ito ipagdiriwang."Alam niyo, kanina pa kayo diyan nag- aabang. Ano bang inaabangan niyo, ha?" Tanong ko sa kanila. "Ah, nay, unang anibersaryo po kasi nina Richard at Nicomaine bilang magnobyo't nobya. Baka lang po kasi alam niyo na, may selebrasyon, ganyan." Saad ni Coleen. "Alam mo Coleen, dun ka nga sa kwarto mo. Itext mo na lang yung jowa mo si Jack. Dun ka sa kanya." Sabi ko sa kanya. "Nay, pwede mamaya na lang?" Tanong niya. "Ngayon na. Dun ka sa jowa mo. Masyado kang busy sa kaiintindi ng relasyon ng iba tapos jowa mo pababayaan mo? Wag ganon. Dun ka. Kayo din dun kayo sa kanya kanyang partners niyo. Nangingialam ka na naman sa love life ng may love life. Haha." Pang aasar ko. "Sige na nga po." Nalungkot niyang sabi.
Agad naman siyang umalis at pumunta sa bahay ng kanyang nobyong si Jack.
Kinausap ako ni Teodoro ukol doon sa naganap kanina.
"O anong nangyari, doon?" Tanong niya. "Pinaalis ko muna. Masyado niyang iniisip ang mga gagawin nina Richard at Nicomaine ngayon, jusko." Sabi ko. "Nay, nandito na po si Richard. Aalis na po kami." Paalam ni Nicomaine sa akin. "Mag- iingat kayo. Happy anniversary sa inyo." Sabi ko. "Salamat po." Sabay nilang sabi. Umalis na sila pagkatapos niyon. Hindi nagtagal ay sunod namang dumating si Coleen. Kasama niya ang kanyang nobyong si Jack.
YOU ARE READING
THE ONE THAT GOD ALLOWED
FanfictionI wanna be your "THE ONE THAT GOD ALLOWED" in this world full of "THE ONE THAT GOT AWAY". A fanfiction by yours truly made with love for Alden Richards and Maine Mendoza. This is a Tetralogy/Quadrilogy. Date started: October 16, 2020 Date Finished:...