CHAPTER 12

149 11 0
                                    

Nicomaine Dei's POV
Nanggaling kami sa paborito naming restawran kanina. Hindi nila alam na bukod doon ay may inihanda ring sorpresa para sa akin si Richard.

"Love, tara sa favorite nating restaurant." Sabi niya sa akin. "Anong gagawin natin doon love?" Tanong ko. "Well, its for you to find out." Sabi niya. "Ay may paganoon siya oh. Linyahan yan sa kalyeserye e." Saad ko. "Halika na. Sigurado akong magugustuhan mo yung mga makikita mo doon." Aya niya sa akin.

Pagdating namin sa restaurant, may nakaset- up na candle light something.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Halla

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Halla. Sinet- up mo to lahat?" Tanong ko. "Yeah. Para sa anniversary natin ngayon. Hinanda ko to lahat. I had a connivance with the owner of the restaurant earlier. Tapos naalala mo, ilang araw na akong hindi umiimik tuwing tinatanong mo ako tungkol dito? Dun na ako nagstart na magplano." Sabi niya. "Ah. Kaya pala ilang araw mo akong hindi kinakausap. Grabe nga yon love! Ibang klase ka magpa- surprise!" Sabi ko. "Happy anniversary, love. Gihigugma Tika!" Bati niya sa akin. "Happy anniversary to us! Gihigugma Pud Tika!" Sabi ko sa kanya. "Love baka nagugutom ka na. Kain na tayo." Saad ko. Agad naman kaming naghanda para kumain. Habang kumakain, nagkwentuhan din kami. "Grabe isang taon na pala 'no, love?" Biglang sabi ni Richard. "Oo nga, isang taon na mula noong ibinigay ko sayo ang matamis kong oo." Sagot ko naman sa kanya. "Pero alam mo, kahit tayo na, para pa rin akong si Jireh Lim." Sabi niya sa akin. Bigla akong napaisip. "Hmm, bakit mo naman nasabi yon?" Nagtataka at naguguluhan kong tanong. "Well, araw araw pa rin kasi kitang nililigawan." Sagot niya. "Pansin ko nga. Araw araw mo pa rin akong sinusuyo e. Kahit wala naman akong toyo." Sabi ko. "Well, siguro nga dahil yun ang nakasanayan ko." Sagot niya. "Grabe nga yon. Iba ka pala talagang magmahal." Sabi ko. "Pero minsan mapaglaro ang tadhana, love. Kung sino pa yung grabe kung magmahal, sila pa yung iniiwan." Sabi niya. "Parang tayo." Sagot ko. "Ay may paghugot ba, love? Wag ganoon. Anniversary natin tapos hugutan ang ganap? Dapat happy lang." Sabi ko. "As you wish." Sagot niya. "But I just wanna thank you. For making this day special. For always making me feel comfortable. Even if it makes you feel so uncomfortable most of the time. Thank you so much. You are so sweet and I'm so lucky and thankful because of that. But it makes me wonder sometimes, ano kayang pwede kong gawin para makabawi naman ako sayo. Baka naman pwede mong sabihin." Sabi ko sa kanya. "Suklian mo lang ang pagmamahal na ibinibigay ko sayo, ayos na ako doon. Tsaka okay na sa akin kung walang kapalit ang mahalaga mahal natin ang isa't- isa." Saad niya. "Senti na tayo. Dapat masayang kwentuhan lang to e di ba? Kasi nga anniversary natin. Kaso hindi talaga natin maiwasang maging senti minsan. Lalo na ako kasi nga di ba, mabilis akong mapaiyak dahil soft- hearted ako." Paliwanag ko. "Oo nga. Napakasoft- hearted mo. Isa nga yun sa mga dahilan kung bakit kita minahal, e." Sabi niya. "Ikaw din kaya. Soft- hearted ka din e. Masyado kang mapagbigay. Inuuna mo yung pangangailangan ng pamilya mo. Tsaka di ba nga sabi sayo ni Angel unahin mo naman daw yung kaligayahan mo. Palagi mo na lang daw kasi silang inuuna to the point na halos nawawalan ka na ng panahon para sa sarili mo? Baka nga daw pati kalusugan mo nababalewala mo na raw e." Sagot ko. "Alam mo, may punto ka." Pagsang-ayon niya sa sinabi ko. "Love, I guess we should finish this. Pagabi na rin baka hanapin ka pa ng mga kapatid at daddy mo." Sabi ko. "Alam naman nilang anniversary natin ngayon kaya kung male-late tayo ng uwi, I think they'd understand. Siyempre unang beses nating magse-celebrate e. Kaya mapagbibigyan nila tayo ngayon. Pero next time I'll make sure na mas maaga tayong uuwi." Sabi niya. Pag ganoong naprapraning ako at kung anu-anong naiisip ko, siya lang yung nag-iisang taong nakakapagpakalma sa akin. Aaminin ko na mahirap akong pakalmahin. Pero kapag siya ang kasama ko at kung anu-ano ang bumabagabag sa buhay ko, napapakalma niya ako just in an instant.

Richard's POV
Katatapos lang naming mag- celebrate ng GIRLFRIEND(yes naman, proud na proud at feel na feel) ko. At sobrang napakasaya ng araw ko ngayon. Hinding hindi ko talaga to makakalimutan. This is the best first anniversary celebration ever at ngayon nandiyan ka na, ay mali at ngayon nakauwi na kami from the restaurant.

"Dad, I'm home." Sabi ko. Agad akong sinalubong nina Riza at Angel. "Kuya Ar-jaaaaay!" Tili ni Angel na akala mo nakakita ng daga o hinahabol ng aso kaya mabilis na tumatakbo palapit sa akin. Agad niya akong niyakap. "O ano bang nangyari, ha? Bakit ka ba sumisigaw? Nakakita ka ba ng multo? Ng daga? Ano ba?" Tanong ko sa kanya. "Hindi naman kuya. Curious lang ako sa mga ginawa niyo ni ate Maine tsaka namiss din kita." Sabi niya. "Alam mo, parehas kayo ni Coleen yung kapatid ni Maine. Masyado kayong maimbestiga sa mga bagay- bagay." Sabi ko sa kanya. "Baka naman kami talaga ang magbest friend." Biro ko.
"Well, kuya I just wanna know kung ano ang mga naganap. Magkwento ka naman, bro." Sabi niya. "Ayoko. Tsaka na lang. Tsaka sa amin muna lahat ng naganap kanina. Ayaw muna naming magkwento kahit kanino dahil invasion of privacy yon. Tsaka na lang pag nasa mood akong magkwento." Sabi ko. "Bakit kuya? Nag- away ba kayo kanina? On your first anniversary celebration kaya ayaw mong magkwento tungkol sa mga naganap sa date niyo kanina?" Tanong ni Riza. "Saan naman nanggaling yan? Hindi kami nag- away. Walang pag- aaway na naganap. Basta ayaw ko na munang magkwento sa ngayon. Tapos ang usapan. Bakit ba kasi gustung- gusto niyong malaman ang mga naganap kanina, ha? Mga tsismosa kayo." Sabi ko. Natawa naman sila sa aking sinabi. "Bakit kayo tumatawa jan, ha? Bahala nga kayo. Hindi talaga ako magkukwento sa inyong dalawa. Wala akong tiwala sa inyo." Sabi ko. "Tatawagan na lang namin si ate Maine. Sa kanya na lang kami magtatanong. Ayaw mo magshare e." Sabi ni Angel. Matapos nilang tawagan si Maine, agad silang dumiretso sa kwarto ko.

"O bakit na naman ba? Ano na naman ang itatanong ninyo?" Tanong ko sa kanila. Napansin kong malungkot ang kanilang mga mata. "O ano na namang nangyari?" Sabi ko. "E ayaw din magshare ni ate Maine sa amin, e. Nasabihan mo na yata siya ahead of time." Malungkot nilang sabi. "Hindi ah. Tsaka busy ako dito. Hindi pa kami nakakapag- usap uli after the celebration awhile ago. Malay ko ba kung anong meron at ayaw din niyang mag- share sa inyo." Sabi ko. Lumabas na din sila pagkatapos nilang sabihin ang tungkol sa naging resulta ng pakikipag- usap nila kay Nicomaine. Agad ko namang chineck yung cellphone ko dahil baka nagtext si maine sa akin. Makalipas ang limang minuto, agad akong napabalikwas ng bangon dahil nakatanggap ako ng tawag mula sa kanya.

📞 Sweetheart calling 📞
Agad ko naman iyong sinagot.

"O Love? Bakit ka tumawag?" Tanong ko sa kanya. "Love, tinanong ka din ba ng mga kapatid mo?" Tanong niya. "Yes sweetheart. Kinukulit nila akong magkwento tungkol sa mga nangyari kanina. Siyempre wala din akong sinabi. Hahaha." Sagot ko. "Sweetheart, hindi tayo nakapag- usap bago naganap yung mga pagtatanong pero parehong pareho talaga tayong mag- isip. Kahit mga kapatid ko wala akong sinabihan ni isa sa kanila kasi nga gusto natin sa atin muna lahat yung mga naganap that day, although nakukulitan na ako kay ate Coleen hindi pa rin ako nagkwento sa kanya tungkol doon sa mga naganap." Sabi niya. "Kung jan, si Coleen ang makulit tungkol sa anniversary natin, dito naman si...." Pinigilan niya akong magsalita. "Hulaan ko. Si Riza ano? Magkaibigan kasi sila." Sabi niya. "Hindi. Si Angel." Saad ko. "Ah siyempre bata e. " Sabi niya.

Nagkwentuhan pa kami over the phone until around 11pm. Sa ganung paraan, parang hanggang matapos ang araw na ito ay ipinagdiriwang pa rin namin ang aming unang anibersaryo nang magkasama.

THE ONE THAT GOD ALLOWEDWhere stories live. Discover now