Richard's POV
Kararating ko lang galing sa tahanan nila Nicomaine. Pagod na pagod ako dahil sa pakikipaglaro kay Matti. Parang nakikita ko na ang aking sarili limang taon mula ngayon. Parang nakikita ko na ang hitsura ko kapag naging tatay na ako."O kuya, ayos ka lang? Bakit parang pagod na pagod ka?" Tanong ni Riza. "Anong parang binibini? Pagod talaga ako. Buong araw akong nakipaglaro sa aking "future pamangkin" na si Matti." Paliwanag ko sa kanya. "Di ba may mga gagawin ka pa kuya?" Tanong naman ni Angel. "Magpapahinga muna ako. Tatawag pa si love sa akin mamaya." Sabi ko sa kanila. Pagkatapos ay agad naman akong umakyat sa taas para magpahinga.
Makalipas ang dalawang oras, nakatanggap ako ng tawag mula kay Nicomaine. Agad ko itong sinagot.
"Love, nagpapahinga na ako, wag kang mag- alala. Bukas ko na talaga itutuloy yung mga ginagawa ko." Sabi ko. "Mabuti naman kung gayon, love. Nang dahil kay Matti, sobrang napagod ka tuloy. Kaya ayan, sa halip na tinatapos mo yung mga nakatambak mong trabaho, nagpapahinga ka." Paliwanag niya. "Ayos lang yun. Alam mo, naiimagine ko na nga ngayon kung paano ako makikipaglaro sa mga magiging anak natin paglipas ng limang taon." Biro ko sa kanya. "Halla siya. Anak agad? Siyempre let's enjoy our relationship as boyfriend- girlfriend first. Tsaka marami pa tayong goals in life na gustong natupad, di ba?" Sagot niya sa kabilang linya. "At isa na doon ang magkaroon ng sarili nating pamilya nang magkasama balang araw." Sabi ko. "Oo naman, anyway, anong susunod nating destinasyon pagkatapos ng UST?" Tanong niyang muli. "Gusto kong mapuntahan ang Chocolate Hills sa Bohol." Sabi niya. "Tamang- tama. Nais ko ring makakita ng tarsier, binibini. So, next on our bucket list, Bohol." Sabi ko.
Makalipas ang dalawang linggo ay nagsimula kaming magplano kung paano kami makakalabas nang hindi nalalaman nila Jasmine at Carlo. Napapraning pa rin si Nicomaine sa mga pwedeng mangyari.
"Love, paano tayo aalis? Napakadelikado ngayon Lalo na't pakiramdam ko inaalam nila Jasmine lahat ng mga kilos natin." Sabi niya. "Maglalabas tayo ng warrant of arrest." Sabi ko. "Agad- agad? Akala ko blotter lang? Bat biglang warrant of arrest na?" Gulat na tanong niya. "Para makasiguro tayo love. Mahirap na baka lalo nila tayong guluhin." Sabi ko. "May punto ka. Kaya't sige, sasamahan kita sa pagfa- file ng warrant of arrest." Sang ayon ni MaMaine.
Pagkatapos naming mag- file ng warrant of arrest, nagpunta kami sa tahanan nila.
"O Richard, saan kayo galing ni Nicomaine?" Tanong ni tito. "Nag- file po kami ng warrant of arrest laban kina Carlo at Jasmine." Sagot ko. "Agad- agad kuya? Bakit parang ang bilis?" Tanong ni Dean. "Mabuti na din yon para makasigurado tayong hindi na nila tayo magugulo." Sabi ko. "Oo nga Dean, mabuti na din yon para hindi na sila makalapit sa atin." Pagsang-ayon ni Maine.
Nicomaine Dei's POV
Nandito sa bahay ngayon si Richard dahil hinatid niya ako pauwi. Galing kasi sa pulis. Iniisip niya na baka pag umuwi ako mag- isa, baka malapitan ako ni Carlo. Speaking of Carlo, may sumisigaw sa labas ng gate."Nicomaine!! Lumabas ka diyan, mag- usap tayoooo!" Sigaw niya. Lumabas si tatay para harapin si Carlo. Sinamahan siya ni kuya Nikko. Sumama na din si Dean. "Wag na kayong lumabas. Dito na lang kayo sa loob ng bahay." Bilin ni tatay. "Pero tay, baka kung anong gawin niyan sa inyo." Sabi ko. "Nicomaine, makinig ka kay tatay. Kami nang bahala dito." Sabi ni kuya Nikko. Wala na akong nagawa. Masamang magalit si tatay. Baka magkasagutan pa kami. Kinakabahan akong pumasok sa loob. Sinundan ako ni Richard.
YOU ARE READING
THE ONE THAT GOD ALLOWED
FanfictionI wanna be your "THE ONE THAT GOD ALLOWED" in this world full of "THE ONE THAT GOT AWAY". A fanfiction by yours truly made with love for Alden Richards and Maine Mendoza. This is a Tetralogy/Quadrilogy. Date started: October 16, 2020 Date Finished:...