Nicomaine Dei's POV
Nakilala na namin si Mike. At nalaman naming business partner naman pala ni tatay ang kanyang ama."Huy ate Coleen yung lalaking kasama mo kanina, jowain mo naaa!" Biro ni Dean. "Buset ka Dean! Kakakilala ko pa lang sa kanya tapos gusto mo jowain ko na? Wag ka ngang atat. Tsaka hindi ba pwedeng kilalanin ko muna yung tao? Alam mo, hindi naman ako nagmamadali. Makakapaghintay naman ako. Tsaka na lang ako magjojowa kapag naghilom na yung sugat ng nakaraan." Sabi ko.
Bigla ko namang nakita sina Richard at Nicomaine Dei. Habang nakatingin ako sa kanila, hindi ko maiwasang mainggit.
"Oy ate Coleen bakit parang ang lungkot mo? Anyare?" Sabi ko. "Naisip ko lang, what if kami pa rin? What if hindi siya nagloko? What if kasal na kami ngayon? Masaya kaya kami?" Sabi ni ate Coleen. "Fish tea! Sa dinami- dami ng pwede mong isipin yan pa talaga. Malamang hindi. Nagawa ka niyang lokohin e. Hindi ka sasaya sa piling niya. " Sabi ko. "Hindi ko maiwasan e. Tsaka hindi madaling kalimutan yung anim na taon naming pinagsamahan. Marami na kaming napagdaanan." Sabi niya. "Kaya mo. Masyado ka lang talagang nag- ooverthink na hindi mo kaya. May ikaw bago naging kayo. Kaya mong mabuhay nang wala siya. Nakaya mong mabuhay ng 20 years na wala siya, kakayanin mong kalimutan siya. Maaaring hindi agad agad pero alam kong kakayanin mo. Tinulungan mo akong makalimutan si Carlo noon hanggang sa maging kami ni Richard nakaya mo akong samahan at damayan kaya ngayong ikaw naman ang nangangailangan ng tulong ko, nakahanda akong makinig sa'yo. Sabihin mo sa akin lahat ng naipon na sama ng loob mo sa kanya para naman kahit papano, mabawasan ang bigat na nararamdaman mo." Sabi ko. "Salamat binibini. Kaya pinagpapala ang relasyon ninyo ni Richard. Magpakasal na kayo." Biro niya. "Halla. Hindi pa kami handa. Mag iipon muna kami." Sabi ko. "Pero alam kong kay Richard ka lang magiging handa." Sabi niya sa akin.
"Love, bakit ka sumunod dito? May mga iniwan ka pang trabaho." Tanong ko kay Richard. "Namiss kita mahal tsaka wag kang mag- alala. Tinapos ko na lahat ng dapat kong tapusin." Sabi niya. "Ang sipag mo naman. Napakabilis mo pagdating sa office works. Ayaw mo talagang natatambakan ng trabaho. Kapag binigay na sayo ngayon, bukas makalawa, tapos mo na. Ready for submission na agad agad." Sabi ko. "Siyempre may inspirasyon e. Kaya ganadong ganado sa trabaho." Sabi niya.
"Hoy mahaharot, tara na daw. Uwi na tayo." Tawag ni ate Coleen. "Grabe ka naman sa mahaharot. Parang hindi ka naman minsang naging maharot. Naging marupok ka pa nga." Pang- aasar ko sa kanya. "Ito naman porket may jowa samantalang ako kahihiwalay pa lang. Why naman ganoon, sis?" Sabi ni ate Coleen. Umalis na lang ako. Sumunod naman sa akin si Richard.
Niyakap lang ako ni Richard. Ganoon ang ginagawa niya kapag bigla kaming nagkakaroon ng di pagkakaunawaan ng mga kapatid ko.
"Wag nang mainit ang ulo love. Tingnan mo, ang ganda ganda mo kapag nakangiti. Wag ka nang sumimangot jan." Sabi niya. "Hays. Naiinis lang ako sa kapatid kong yon. KJ minsan. Kaya ayoko siyang kasama e. Alam mo buti na lang talaga nandiyan ka. Salamat talaga. Life saver ka love. Tara na sa alon. Samahan mo ko." Sabi ko.
Pumunta kami sa dagat. Sabay naming pinagmasdan ang alon.
"Tuwing nakakakita ako ng alon, ikaw lang ang naaalala ko." Sabi ko. "Dahil ba sa sinabi kong ako ang alon na babalik sayo binibini?" Tanong niya. Tumango ako bilang sagot. "Kung ako ang alon, ikaw lang ang pipiliin kong maging dalampasigan. Kahit gaano pa kalayo ang aking marating, sayo ko lamang pipiliing bumalik." Sabi niya. "Naks. Talaga naman. Yang mga ganyang banat mo. Kaya kita minahal e. Napakamaginoo mo. Napakabuti at mapagmahal mong anak, kapatid at apo. Sana wag ka talagang magbago." Sabi ko. "Araw araw pa rin kitang liligawan binibini. Araw araw ko pa ring ipaparamdam sa'yo na karapat- dapat kang mahalin. Na hindi mo deserve na masaktan ulit." Saad niya. "At kung iiyak ka man, sisiguraduhin kong ikaw ay iiyak sa dahilang masaya ka. O di kaya ay isa na naman sa mga kahilingan mo ang natupad nang hindi inaasahan." Dagdag pa niya. "Salamat talaga😭😭😭😭😭. Ikaw ang answered prayer ko. Ikaw na ikaw lang talaga yun Richard." Sabi ko. "Ikaw lang din ang answered prayer ko. Wala na akong hahanapin pa dahil lahat ng hinahanap ko nasa iyo na." Sabi niya. "Kaya pala naiinggit si ate Coleen sa akin e. Masyado mo naman kasing ginalingan." Sabi ko. "Bakit parang kasalanan ko?" Tanong niya. "Bobbie? Roberta Olivia Salazar?" Biro ko. "Uyy, magssmile na yan. Nagbibiro ka na e. Smile ka na." Saad niya. "Oo na sige na. Hay nako. Ito na magssmile na." Sabi ko. Ayaw pala talaga niyang nalulungkot ako. Mahal na mahal nga talaga ng lalaking to. Niyakap niya uli ako matapos niya akong mapangiti. "Tara na, wag ka na sad. Smile ka na lang. Don't lose that smile of yours. Lalo kang gumaganda kapag nakangiti ka." Sabi niya. "Smile ka lang ha? Malapit na tayong mag two years." Sabi ko. "Ang bilis ng panahon, no?" Saad niya. "Parang kailan lang noong nililigawan pa lang kita." Sabi niya. "Hanggang ngayon naman nililigawan mo pa rin ako. Wala namang nagbago sayo. Habang tumatagal, lalo mo lang akong minamahal." Sabi ko. "Sana naappreciate mo." Saad niya. "It's the memories that counts." Sabi ko. "And I thank you for those memories of ours." Sabi niya pa sa akin. "More to come. I'm looking forward to more memories with you:)" Sabi ko.
Bumalik na kami sa kinaroroonan ng aking pamilya.
"Tay, uwi na po tayo?" Tanong ko kay tatay. "Oo anak. Pwede kang sumabay kay Richard kung gusto mo. Pagpasensiyahan mo na si Coleen. Masyadong mapang- asar yung isang yon." Sabi ni tatay. "Ayos lang po tay. Sanay na ako sa kanya. Kahit kailan naman e masyadong sutil yon. Tsaka tay naiinggit yata sa akin e. Nagiging bitter lately yang si ate Coleen." Sabi ko. "Hayaan mo na, broken di ba? Asahan mo nang ganyan ang magiging behavior niyan." Sabi ni tatay. "Bakit ako noon hindi naman ganoon? Char." Sabi ko. "E magkaiba naman kayo ng behavior e. Magkaiba rin kayo ng ugali at tsaka ng relationship status ngayon. Kung siya single dahil broken hearted dahil doon sa broken engagement, ikaw naman, happily in a relationship. Magkaibigang magkaiba talaga as in" Saad ni tatay. "Mabuti pa, sumabay ka na diyan sa nobyo mo pauwi. May tiwala naman kami sa inyong dalawa. Mag iingat na lamang kayo." Bilin ni tatay.
Gaya ng sabi ni tatay, sumabay na lamang ako kay Richard pauwi. Habang nasa sasakyan kami, nag- usap kaming dalawa.
"Nararamdaman kong naiinggit sa'yo si ate Coleen mo." Sabi niya. "Ramdam ko nga rin yun e. Magmula noong naghiwalay sila nung kanyang ex fiancé aba e naging slightly bitter na ang ate kong yon. Hays." Sabi ko. "Salamat sa pagsunod dito tans. Nasurpresa talaga ako." Dagdag ko.
Habang pauwi kami, nagpatuloy ang aming kwentuhan. Pagkatapos ay bumagal ang takbo ng oras nang malaman namin ang isang hindi magandang balita.
YOU ARE READING
THE ONE THAT GOD ALLOWED
FanfictionI wanna be your "THE ONE THAT GOD ALLOWED" in this world full of "THE ONE THAT GOT AWAY". A fanfiction by yours truly made with love for Alden Richards and Maine Mendoza. This is a Tetralogy/Quadrilogy. Date started: October 16, 2020 Date Finished:...