Dedicated to GILDENFOREVER
Nicomaine Dei's POV
Nandito ako sa bahay nina Richard ngayon dahil masyado akong naging malungkot buhat nang malaman kong nasira ang engagement nina Coleen at Jack."Love, nakakadismaya lang. Bakit naman kung kailan akala ko maayos na ang lahat, yun pala nagkakaroon na ng nakakap*t*ng*nang problema na nagiging sanhi ng hiwalayan? Deserve ba ng kapatid ko yon?" Sabi ko. "Hindi. Pero siguro kailangan din niyang mapagdaanan yun para matutunan niya na hindi lahat ng akala mo ay tama. Minsan nakakaranas ka ring magmahal ng maling tao sa tamang panahon o minsan tamang tao sa maling panahon." Sabi ni Richard. "Ano yun? Right love at a wrong time or wrong love at the right time? Ganoon?" Tanong ko. "Oo. Parang yung kantang somewhere down the road ni Barry Manilow." Sagot niya.
"Alam mo para di ka na malungkot, halika dadalhin kita sa aking palasyo. Char. Dadalhin kita sa Cagsawa Ruins." Sabi ni Richard. "Tapos habang nasa trip tayo, patutugtugin natin yung dadalhin ni miss Regine Velasquez." Saad ko. Sumang- ayon naman siya sa aking tinuran.
Nasa biyahe kami at kasalukuyang nakikinig sa awiting dadalhin ni Miss Regine Velasquez.
Pagdating namin sa Cagsawa Ruins, nasasabik akong makita ang taglay nitong kagandahan.
"Love, ang ganda pala rito. Kitang kita yung view ng Bulkang Mayon." Sabi ko. "Oo love. Isa rin yan sa mga gusto kong mapuntahan dati pa mula noong naging tayo. Ngayon, sa wakas natupad na." Sagot niya. "Saan pa ang gusto mong mapuntahan?" Tanong ko sa kanya. "Well, sa Biak na Bato." Saad niya.
Matapos kaming mamasyal dito sa Cagsawa Ruins, umuwi na rin kami. Namiss naming maglakbay sa iba't ibang mga lugar ngunit natatakot pa to kami sa mga susunod na mangyayari.
Umuwi na kami. Pagdating namin sa Bulacan, nagpaalam na kami sa isa't isa.
"Love, sa susunod uli tayo maglalakbay. Kailangan natin ng matinding paghahanda at pahinga. Medyo nakakapaos yung pagsabay kay miss Regine. Hahaha. Alam ko namang gusto mo pang kantahin yung dadalhin. Pero kasi napakataas ng boses niya. Susuportahan na lamang kita." Sabi niya. "Ayos lamang iyon, ginoo. Naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Hayaan mo sa susunod, pakikinggan din natin ang iyong mga paboritong awitin." Sabi ko. "Ed Sheeran, ayos lang sayo binibini?" Tanong niya. "Aba'y siyempre naman. Nakisabay ka nga sa awitin ni miss Regine e. Ano namang masama kung subukan ko ding sumabay kay Ed Sheeran?" Sabi ko. "Salamat Maine-namahal kong binibini." Sabi niya sa akin.
Richard's POV
Nang sumunod na linggo, nag- umpisa na akong magplano para sa next travel destination namin ni Nicomaine Dei.Mag iipon muna ako ng lakas ng loob at pambili ng singsing. Wala muna akong planong pagsabihan na kahit sino dahil natatakot din akong baka madulas yung pagsasabihan ko at malalaman kaagad ni Nicomaine ang plano ko.
"Kuya, may gagawin ka ba?" Tanong ni angel sa akin. "Oo. Busy si kuya e. Bakit may kailangan ka ba?" Tanong ko naman sa kanya. "Oo sana kuya. Ikaw lang kasi ang kilala kong makata. Kailangan kasi naming gumawa ng tula tungkol sa kasaysayan." Sabi niya. "Sige susubukan ko. Bigyan mo lang ako ng sapat na oras." Sabi ko.
Nakagawa ako ng tula tungkol sa kasaysayan. At naisumite iyon ni angel sa nakatakdang oras.
"Kuya, thank you. Nagustuhan nila yung tula. Tinatanong nila ako kung sinong may gawa nung tula." Sabi ni angel. "Anong sinagot mo?" Tanong ko sa kanya. "Sinabi kong nagpatulong ako sa'yo kuya. Alam mo namang honest ako." Sagot nya. Hindi kayang magsinungaling ni angel sa ibang tao. She's too honest and true to herself. And I am so proud of my sister. "Anong sinabi nila sayo?" Tanong kong muli. "Well, sabi nila, sana lahat daw e nakakapagpatulong sa kanilang mga kapatid. Nasabi ko rin sa kanilang mahusay kang magsulat ng tula. Kung kaya't lahat sila'y bumilib nang aking basahin ang iyong akda. Napakahusay daw ng iyong pagkakagawa. Isa ka nga talagang mahusay na makata kuya. Salamat!" Sabi niya. Niyakap pa niya ako bago sya umakyat. "O anong nangyayari doon? Bakit tuwang tuwa kuya?" Sabi ni Riza. "Siya na ang iyong tanungin. Mas maganda kung sa kanya manggagaling ang sagot binibini." Saad ko. Matapos akong kausapin ng aking dalawang nakababatang kapatid ay agad kong itinuloy ang pagpaplano at paghahanda. Kung para saan? Malalaman ninyo ito sa takdang panahon.
YOU ARE READING
THE ONE THAT GOD ALLOWED
FanfictionI wanna be your "THE ONE THAT GOD ALLOWED" in this world full of "THE ONE THAT GOT AWAY". A fanfiction by yours truly made with love for Alden Richards and Maine Mendoza. This is a Tetralogy/Quadrilogy. Date started: October 16, 2020 Date Finished:...