KABANATA 23

132 9 0
                                    

Richard's POV
Pinuntahan ko si Nicomaine sa bahay nila.

"Hi, Tans!" Bati ko sa kanya. "O, tans. Halika, tulungan mo akong ubusin tong large fries na pasalubong ni Dean sa akin." Sabi niya. "Ha? Pasalubong sayo ni Dean yan? Himala. Hindi ka naman dating pinasasalubungan ng pagkain non." Sabi ko. "Well, halika ikukuwento ko sayo. Tara." Sabi niya.

Pumunta kami sa garden. "O anong meron at bigla kang pinasalubungan ng kapatid mo?" Tanong ko. "Naglambing sa akin kanina yang si Dean. Nagtampo sa kanya yung jowa niya tapos lumapit sa akin nagbackhug at nagtanong kung ano daw ang dapat gawin pag meron kaming dino." Sabi niya. "Tapos?"  Tanong ko. "Sabi ko, itanong niya yung cravings. Gawin niya yung mga ginagawa mo sa akin." Sagot niya. "O anong nangyari after?" Tanong ko sa kanya. "Well, mukhang effective naman. Kasi pinasalubungan ako ng pagkain. Nagulat nga ako e. Baka inutos sa kanya ni Ella na bumawi sa akin by buying my comfort foods." Sabi niya. "E ikaw, kumusta ka naman?" Tanong ko. "Okay lang naman, tans." Sagot niya. "Ubusin na natin to. Ay wait, timpla lang ako ng ice tea." Paalam ko. Nagpunta ako sa kusina para magtimpla ng ice tea para sa aming dalawa.

Pagbalik ko, sabay naming inubos ang fries at ice tea.

"Tumakas ka na naman ba?" Tanong niya. "Oy, hindi ah. Galing ako sa mall. Sinamahan ko si Riza mag- grocery." Sabi ko. "Tapos iniwan mo at dumiretso ka na dito?" Tanong niyang muli. "Grabe ka naman sa akin. Hindi,'no. Tingin mo ba pababayaan kong umuwi nang mag- isa yung kapatid ko? Inihatid ko muna siya sa bahay bago ako dumiretso dito." Sabi ko. "Bakit parang galit ka?" Sabi niya. "Nagpapaliwanag lang." Sabi ko. "Akala ko galit ka." Sabi niya. "Magagawa ko bang magalit sa taong pinakaminamahal ko?" Tanong ko sa kanya. "Well, you have a point. I love you, always Mr. Faulkerson." Sabi niya. "I love you most, Mrs. Faulkerson." Sagot ko sa kanya. "Grabe nga yon! Hindi pa kasal pero Mr and Mrs na ang tawagan. Mr. & Mrs. Faulkerson lang SAKALAM." Saad niya. "Sayo lang ako magiging handa at sigurado. Sayong- sayo ako hanggang dulo." Sabi ko.  "Alam mo, may kantang sa'yo e. Yung sa silent sanctuary. Pakinggan natin." Sabi niya.  "Sige." Pagsang- ayon ko sa kanya.

Pinakinggan namin ang awiting iyon at habang pinakikinggan namin ito ay pinikit namin ang aming mga mata at dinama namin ang bawat liriko ng awiting iyon.

"Tans, ang ganda nung song." Sabi niya. "Maganda talaga siya, tans. Kaya gusto ko sana yang iparinig sayo. Kasi nakasisiguro akong magugustuhan mo yung kanta. Isa yan sa mga paborito kong kanta bukod sa Supermarket Flowers ni Ed Sheeran." Sabi ko. "I didn't know na favorite mo ang Supermarket Flowers. Pakinggan natin." Sabi niya.


Habang pinakikinggan namin yung kanta, nakangiti lang kami the whole time.

"Love, ang ganda grabe. Now I truly understand why you really love Ed Sheeran. Ang ganda ng songs niya. Pero alam mo love, gusto kong mapakinggan yung isang song niya na ginamit sa kalyeserye." Sabi niya. "Wait, you mean, Thinking Out Loud?" Tanong ko. "Oo." Sagot niya.

THE ONE THAT GOD ALLOWEDWhere stories live. Discover now