CHAPTER 1

715 20 1
                                    

Richard's POV
Linggo ngayon. And as usual, pupunta uli kami sa simbahan para magsimba. I usually go out with my family every Sunday. When Jasmine and I broke up, sobra akong na- depress. Araw- araw akong nagwawala, galit ako sa sarili ko kasi pakiramdam ko I was not enough for her. My life became miserable after that incident.

After 15 minutes ng biyahe nakarating na kami sa simbahan. Nakita namin don yung kaibigan ni Riza. Si Coleen. Nicoleen to be exact at kasama niya ang buong pamilya nila. Nakita ko yung isang kapatid niya. I don't know anything about her yet but I find her beautiful.

Pagkatapos ng misa, nilapitan ni Riza si Coleen.

"Coleen!" Tawag ni riza. "Oh, hi riza. Sino yang kasama mo? Kapatid mo ba yan? Ngayon ko lang siya nakita." Sabi ni Coleen. "Ah, yeah. My brother. E yung kasama mong babae kapatid mo?" Tanong ni Riza. "Yea. Ngayon nga lang yan lumabas. Oy Nicomaine, mag- hi ka naman." Tawag ni Coleen sa kapatid niya. "Hi. Nicomaine Dei." Pagpapakilala niya. "Nga pala Nicomaine I want you to meet..." Panimula ni Riza. "Richard. RJ for short." Sabi ko sabay abot ng kamay ko sa kanya para makapag- shake hands kami. Inabot niya iyon at nakaramdam ako ng kakaibang kuryente habang hawak ko ang kanyang palad. Tumigil ang takbo ng oras habang magkahawak ang aming mga kamay noong mga pagkakataong yun. Parang may slow motion kumbaga. Tumagal kami sa ganoong posisyon sa loob ng labinlimang minuto. Hanggang sa...

"Ah guys, baka nakalimutan nyo ano, nandito kami ginoo't binibini." Biglang nagsalita si Coleen. Dahilan para matauhan kami ni Nicomaine. Agad naman kaming kumawala sa pagkakahawak sa kamay ng isa't- isa. May iba akong naramdaman pagkatapos ng tagpong iyon. I realized something at that moment. Habang magkahawak ang aming mga kamay at nagtama ang aming mga mata, parang may something. May spark. Iba to e. Hindi ko to naramdaman kay Jasmine noon. Ngayong ko lang to naramdaman for the first time.

Pagdating namin sa bahay, naiisip ko pa din yung nangyari kanina sa simbahan. Hindi ko mapigilang mapangiti. Nilapitan ako ni Riza.

"Kuya, are you okay? Kanina ka pa kasi tulala at nakangiti jan. Ano bang nangyayari sayo?" Tanong niya. "Yeah I'm okay. Riza yun bang kapatid ni Coleen, may boyfriend ba yon?" Tanong ko. "Si Maine? Hindi ko alam kuya e. Ngayon ko lang siya nakita. Sabi ni Coleen, ngayon lang daw siya sumama sa kanilang pumunta sa simbahan." Sagot niya. "Ah okay. Thank you." Sagot ko. "Bakit mo naman naitanong kuya?" Tanong ni Riza sakin. "Ah wala." Pagtanggi ko. "Ah. Sige kuya, mabuti pa kumain na tayo. Pinapatawag ka ni dad." Saad niya. "Okay, let's go." Sagot ko. Agad kaming pumunta sa kusina para mananghalian.

Nicomaine's POV
Pagkatapos ng pagtatagpo ng landas namin ni Richard sa simbahan, napaisip ako. Bakit may kakaiba akong naramdaman pagkatapos ng pagtatagpo naming iyon? Hindi kaya unti- unti nang naghihilom ang aking sugatang puso? I really don't know the answer.

"Maine, okay ka lang? Parang ang lalim ng iniisip mo, ah." Tanong ni ate Nikki. "Ate paano kung magkagusto ako ulit sa isang lalaki?" Tanong ko sa kaniya. "Wala namang magiging problema. It's been two years since you had your heart broken because of falling in love with the wrong person. Why don't you try it again this time? Malay mo, siya na ang TOTGA mo." Sabi niya. "TOTGA? You mean the one that got away?" Tanong ko. "Nah. THE ONE THAT GOD ALLOWED." Sagot niya. Napaisip ako. Oo nga no? Sa sobrang takot kong magmahal ulit pagkatapos ng break up namin ni Carlo, hindi ko na napansing marami pa palang pwedeng magmahal sa akin bukod sa kanya. Sa dalawang taon kong pagkalugmok, wala na akong naging ibang mundo kundi ang apat na sulok ng kwarto kung nasaan ako ngayon. "Halika na Meng. Kakain na tayo." Tawag ni ate Nikki. "Pababa na!" Sagot ko.

THE ONE THAT GOD ALLOWEDWhere stories live. Discover now