Mike's POV
Nandito ako ngayon sa isa sa mga paborito kong tourist spot sa Pilipinas. Ang Paoay Lake National Park sa Ilocos.Madalas kaming pumunta dito mula noong bata pa ako. Ngayon lamang ako muling nagkaroon ng oras para makapag- unwind.
Naglalakad ako sa dalampasigan malapit sa isang kubo nang biglang may babaeng kumalabit sa akin.
"Jack?" Sambit niya.
"Ano ang kailangan mo sa akin binibini?" Tanong ng binibini sa akin. "Pasensiya ka na ginoo ngunit akala ko'y ikaw ang nobyo kong minsang nag- alok sa aking magpakasal. Patawad." Paghingi niya ng paumanhin. "Ako nga pala si Mike. Ikinagagalak kong makilala ka." Pakilala ko sa binibining iyon. "Nicoleen Dyann." Sabi niya sabay abot ng kanyang kamay sa akin. "Sinong kasama mong pumunta dito?" Tanong ko sa kanya. "Kasama ko ngayon ang aking buong pamilya. Narito kami upang mamasyal. Gusto nila akong matulungang kalimutan ang sinapit kong heartbreak dahil sa pakikipaghiwalay sa akin ng ex fiancé ko." Sabi niya sa akin. "Ex fiancé? You mean, ikakasal ka na dapat?" Tanong ko. "Oo." Sagot niya. "Anong nangyari? Sorry ah. Okay lang kung di mo sagutin. Maiintindihan ko naman kung hindi ka pa handang sagutin yung tanong tungkol doon sa naudlot niyong pag iisang dibdib." Sabi ko sa kaniya. "Hindi. Ayos lang. Naghiwalay kami dahil sa third party. Hindi nakuntento sa isa." Sagot niya. "Grabe naman yon. First boyfriend mo?" Tanong ko. "Oo. First and last na sana pero wala e. Nagloko, ako naman umasa." Saad niya. "Alam mo nangyayari sa maraming tao yan. Kailangan mo yang pagdaanan para malaman mo kung sino talaga ang para sa'yo. Maaaring hindi mo ito maintindihan sa ngayon ngunit nasisiguro ko sa'yong maiintindihan mo rin kung bakit nangyari iyon sa inyo." Paliwanag ko. "Naranasan mo na bang magmahal?" Tanong niya. "Alam mo, minsan ko na ring naranasang umibig sa maling tao. Minsan na rin akong nagmahal ng taong inakala kong makakasama ko ng bumuo ng sarili kong pamilya. Ngunit nagkamali ako. Sapagkat minsan ko siyang nakitang may kasamang iba. Sinabi niyang kaibigan lamang niya ang ginoong iyon, ngunit iba ang nais iparating na mensahe ng kanyang mga mata. Nabulag ako sa sobrang pagmamahal. Hindi ko naisip na merong hanggan. Ako yung nauna pero iba ang kanyang wakas. I was her once upon a time but not her happily ever after." Sabi ko sa kanya. Napanganga siya. Hindi siya makapaniwalang halos parehas pala kami ng pinagdaanan. "Nakilala mo ba ang ginoong kanyang ipinalit sayo?" Tanong niya. "Oo. Hindi ko lang siya basta kilala. Kilalang kilala." Sabi ko. Napakunot siya ng noo. "Kapatid ko ang kanyang lihim na minamahal. Hindi ko akalaing magagawa nila sa akin iyon. Buong akala ko'y kakampi ko ang aking kapatid ngunit nagkamali ako. Masyado akong naging kampante. Hindi ko namamalayang inaagawan na pala ako ng sarili kong kapatid ng babaeng minamahal." Salaysay ko. Lalo siyang nagulat. "Grabe pala talaga ang pinagdaanan mo." Sabi ko. "Mas masakit yung napagdaanan mo. Hindi pa naman ako nagpro propose. E yung sa'yo nakapagpropose pa bago nagawang magloko. Nakakapanghinayang yon sa'yo siya nangako pero sa iba niya tutuparin ang pangakong iyon." Napaisip siya. Totoo nga naman. Siya ang pinangakuan ng kasal ngunit iba ang kanyang ihaharap sa altar. Sakit non.
"Alam mo mabuti pa, ihahatid na kita sa kinaroroonan ng iyong pamilya baka hinahanap ka na rin nila. Kanina pa tayo nag- uusap dito. Pati personal nating pinagdadaanan, nasabi na natin sa isa't- isa." Sabi ko. Agad naman naming nakita ang kapatid ni Coleen na si Nicomaine kasama ang nobyo niyang si Richard. Sumunod nga pala siya dito. "O Nicomaine Dei, bakit nandito na yang jowa mo?" Tanong ni Coleen sa kanyang kapatid. "Sumunod siya e. Hindi ko naman alam na susunod siya. Hindi kami nakapag- usap mula kaninang umaga. Nagulat na nga lang ako kung paano niya nalamang nandito tayo gayong hindi naman ako nagpopost ng aking mga larawan sa social media." Sagot ni Nicomaine. "E ikaw, sino naman yang kasama mo? Wag mong sabihing may bago ka nang jowa." Sabi niya pa. "Hoy Nicomaine Dei!!!! Hindi naman ako ganoon kaatat magkajowa after ng break up. Napagkamalan ko siyang si Jack kaya ito kami ngayon magkasama. Nasan na si ate Nikki? Sinusundan niya ako kanina e. Bumalik na ba siya dito?" Tanong niyang muli. "Naroon na siya sa kwarto. Mukhang napagod kahahabol sa'yo sa sobrang bilis mong tumakbo." Sagot niya. Agad namang pumunta sa kwarto si coleen kung saan naroon si ate Nikki. "Ate Nikki?" Tawag niya rito. "O anong kailangan mo ngayon Nicoleen Dyann?" Tanong niya. "Nais ko lamang humingi ng tawad sa'yo sapagkat alam kong napagod ka sa pagsunod at paghabol sa akin kanina sa labas." Sabi ni coleen. "O kumusta naman yung naging pagsunod mo doon sa tinatawag mong Jack?" Tanong ni ate Nikki. "Mali ako ng hinala. Hindi si Jack ang ginoong aking nakita kanina kundi si Mike." Sabi ni coleen. "O, akala ko naman nagkatotoo yung hinala mo. Halos atakihin pa ako ng asthma kahahabol sa'yo tapos hindi pala siya yon. O e nasan na si Mike?" Sabi ni ate nikki. "Nasa labas. Kausap ni Maine at Richard." Sagot ni coleen. Agad siyang tumayo para tingnan ang kinaroroonan namin nina Maine at Richard
"O ate Nikki, hello." Bati ni Richard at Nicomaine Dei. "Hi sa inyong dalawa." Bati niya pabalik. "So you must be Mike, right?" Tanong niya sa akin. "Ah yes po. Hello po." Sabi ko naman. "Bakit ka nandito?" Tanong uli ni ate Nikki sa akin. "Hinatid ko lamang po ang inyong kapatid. Sapagkat batid ko pong delikado pong maglakad mag- isa sa mga ganitong lugar kung kaya't minabuti ko na lamang pong samahan siya upang masigurado ko po ang kanyang kaligtasan." Sagot ko. Di nagtagal ay dumating na rin ang kanilang mga magulang.
"O Mike, narito ka pala, iho." Saad ni tito. "Opo tito hinatid ko po si Coleen." Sabi ko. "Tay, kilala niyo po siya?" Tanong ni Coleen sa kanyang ama. "Oo anak. Anak siya ng aking kaibigang si Manuel. Ang aking kasosyo sa negosyo." Saad ni tito. "Ah kaya po pala." Sabi ni ate Nikki. "Mabuti naman at nakilala mo na ang aking anak na si Nicoleen. Narito pa ang kanyang ibang mga kapatid. Si Nicolette Ann, Nicolas Dynn, Nicomaine Dei at si Nicodeim Dean." Pagpapakilala ni tito sa mga kapatid ni coleen. "Pati po ba yung lalaking kasama ni Maine ay kapatid po nila?" Tanong ni ko. "Naku, hindi iho. Asawa ni maine yan ah este nobyo pala." Sabi ni tita. "Halla si nanay masyado yatang nasasabik na lumagay kami sa tahimik. Pasensiya na po nay ngunit matatagalan pa bago mangyari ang inyong kagustuhan. Wala pa po kaming limang taong magkasintahan ni Richard." Sabi ni Nicomaine. "Ngunit tita, wag po kayong mag- alala dahil anuman pong mangyari ay sinisiguro ko po sa inyong ako po ang makakatuluyan ng inyong bunsong anak na babae gaya po ng inyong kagustuhan." Sabi ni Richard. "Sana all." Sabay sabay nilang sabi.
Pumunta kami sa labas ng kubo at nagtungo sa pampang at doon ay nag- usap kami habang hinihintay ang tanghaliang inihahanda ni tita Mary Ann.
"Alam mo, ang swerte ng kapatid mong si Nicomaine." Sabi ko. "Swerte talaga ang kapatid kong si Nicomaine Dei sa ginoong kasalukuyan niyang karelasyon ngayon. Minsan na rin siyang nasaktan. Ngayon nama'y sobrang saya niya. Grabe din si Lord bumawi. Hahayaan ka muna niyang masaktan ng panandalian ngunit asahan mong kapag dumating na ang tamang tao at pag- ibig sa buhay mo, mas doble o triple pa ang sayang mararamdaman mo." Sabi niya. "Ngayon sana ay mas maunawaan mo na kung bakit kayo naghiwalay ni Jack. Inilayo ka lamang ng diyos sa mas masakit pang mga bagay na maaari mong matuklasan pagkatapos ng inyong pag- iisang dibdib. Darating ang araw na pasasalamatan mo siya dahil nangyari ang mga bagay na ito sa inyong dalawa." Sabi ko. "Sana nga ay dumating na ang araw na iyon." Sabi niya. "Malay mo, dumating na ang araw na hinihintay mo ngunit hindi mo lang namamalayan o nababatid." Sabi ko. Napakunot uli siya ng noo. Sa aking isip sinasabi kong sana ngayon na ang araw na yaon. Sana ay ako na ang magbigay ng kakaibang ngiti sa kanya. Sana ako na ang lalaking nakalaan para lamang sa kanya.
Nag uusap pa lamang kami ng biglang may tumawag sa akin mula sa likuran.
"Mike!" Sigaw ng babae.
"Jolina?" Saad ko.
Si Maria Jolina ang babaeng minsan kong minahal na ngayon ay kasintahan ng kapatid kong si Marvin.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. "Kasama ko si Marvin. Dinala niya ako dito." Sagot niya. "Ah. Siya nga pala, si Nicoleen, kaibigan ko." Sabi ko. Tumango naman siya. "Uy Mike, siya ba yung sinasabi mo kanina?" Pabulong na tanong ni Coleen. "Oo." Pabulong kong sagot sa kanya. "Mauna na kami, kanina pa hinahanap si Coleen nina the tito at tita e. Nice bumping into you." Paalam ko.
Pumunta na kami sa kubong pinanggalingan namin kanina at sakto naman ang aming pagdating sapagkat inihahanda na ni the tita ang kanilang tanghalian.
"O tamang tama, manatili ka na lamang dito Mike. Manananghalian na tayo." Sabi ni Tita. "Naku tita, wag na po. Nakakahiya po sa inyo. Sa susunod na lang po." Sabi ko. "Sige na Mike, pagbigyan mo na si nanay. Ngayon lang naman ulit kayo nagkita sa pambihirang pagkakataon. Minsan lang to." Sabi ni Coleen. Hindi na ako nakatanggi dahil sa sinabi ni Coleen. Tama naman siya. Mabuti na rin sigurong nandito ako ngayon kasama sila upang maiwasan kong isipin yung pagkikita naming muli ni Jolina kanina lang.
YOU ARE READING
THE ONE THAT GOD ALLOWED
FanfictionI wanna be your "THE ONE THAT GOD ALLOWED" in this world full of "THE ONE THAT GOT AWAY". A fanfiction by yours truly made with love for Alden Richards and Maine Mendoza. This is a Tetralogy/Quadrilogy. Date started: October 16, 2020 Date Finished:...