Nicomaine Dei's POV
Kami ay nakauwi nang ligtas mula sa.pagdiriwang ng kaarawan ni Celestine kagabi. Ngayong umaga ay pupunta ako sa coffee shop upang kitain ang kapatid ni Mariella na si Nicole dahil may importante daw itong sasabihin sa aming tatlo nina Cassandra at Marianne."O anak, may pupuntahan ka?" Tanong ni nanay. "Opo nay. Pupunta ako jan sa isang malapit na coffee shop. E may importante daw po kasing sasabihin sa amin itong kapatid ni Mariella." Sabi ko. "Mag- iingat ka, anak." Saad ni nanay.
Pagdating namin sa coffee shop agad na ipinaalam ni Nicole ang nangyari kay Mariella kagabi pagdating nito sa kanilang tahanan. Nakaramdam kami ng kaba.
"Mga ate, sinugod namin si ate Mariella kagabi sa ospital pagdating niya galing sa party." Panimula niya. "Ha?" Sabay sabay naming sabi. "E nanikip po kasi yung dibdib ni ate. Tapos po bigla po siyang inatake uli ng kanyang sakit na Seizure." Sabi niya. Nagkatinginan kami. "Matagal nang hindi inaatake ng seizure ang ate mo, ah. Alala nga namin magaling na siya e. Umiinom pa rin ba siya ng gamot?" Tanong ko. "Hindi na ate. Magdadalawang taon na mula nung huling beses na inatake siya ng seizure niya. Nagulat nga kami kagabi dahil bigla na lang itong bumalik." Sabi niya. "Kumusta na ngayon ang ate mo?" Tanong ni Cassandra. "Naka- confine po siya ngayon sa ospital. Hindi pa po namin alam kung paano nangyaring inatake si ate ng sakit niya gayong nag- enjoy lang naman daw siya sa selebrasyon ng kaarawan ni ate Marianne kahapon." Sabi ni Nicole. "Ah, alam ko na kung bakit. Ang pag- agaw kasi, umaatake kapag masyado kang naiistress o di kaya'y napapagod. Sa kaso ng ate mo, masyado siyang napagod sa pakikipagkantahan sa amin kahapon. Mukhang tayo ang dahilan kung bakit to nangyari sa kanya. Mabuti pa Nicole, samahan mo kami." Sabi ni Marianne.
Pinuntahan namin si Mariella sa ospital. Inabutan naming nakabantay doon si Marco.
"Marco, nasaan sina Tito at tita?" Tanong ni Cassandra. "Lumabas muna sila para bumili ng makakain." Sagot ni Marco. "Hindi pa ba siya nagkakamalay mula kanina?" Tanong ni Marianne. Umiling si Marco. "Magwawalong oras na siyang walang malay. Kinakabahan na kaming tatlo dito kanina. Hindi namin alam ang aming gagawin upang bumalik ang kanyang lakas. Ngayon ko lang ulit nakitang naospital si Mariella. Parang ako yung nanghihina tuwing naiisip ko ang kanyang sitwasyon." Nagulat kami sa aming narinig. "Ha?! Ano?! Walong oras?! Halla. Nakakabahala naman yan. Ipagdasal nating sana'y hindi na ito maulit. Masyadong delikado ang kanyang sitwasyon at kalagayan. Wala siyang alam sa mga sumunod na nangyari matapos siyang atakihin ng kanyang sakit." Sabi ko sa kanila. "Bakit nga pala alam mo ang sintomas ng kanyang sakit?" Tanong ni Cassandra sa akin. "I did some research way back high school. High school pa lang tayo nang malaman kong may sakit siyang seizure. Siguro binigyan siya ng doktor ng gamot na pang- anti- epileptic at binigyan siya ng time frame. 2 years siguro tapos after nung two years na binigay sa kanyang time frame, hindi na niya tinuloy yung pag- inom niya ng gamot kaya siguro siya biglang inatake kagabi." Paliwanag ko. "Ganun ba yun?" Tanong ni Marianne. "Oo." Sagot ko. Habang nag- uusap kami, biglang nagising si Mariella.
"Hmmm..." Bigla niyang sabi habang nag-uunat ng kamay. "O Mariella. Gising ka na din sa wakas." Sabi sa kanya ni Marco. Bigla siyang natahimik at napatitig lang kay Marco na ngayon ay nagtataka. "Anong ginagawa natin dito? Bakit tayo nandito?" Tanong ni Mariella. "Mmm. Kita niyo na. Ganyan talaga yan. Few minutes or hours after siyang maatake, wala na siyang maaalala sa mga nangyari." Sabi ko sa kanila. "Nicomaine, what happened?" Tanong niya sa akin. "I guess, si Nicole lang ang makakasagot ng tanong mo." Sabi ko. Tumingin ako kay Nicole para senyasan siyang ipaliwanag kay Mariella ang lahat.
"Seryoso?! Paano ako inatake e di ba magkakasama tayong apat kahapon tapos.... Tapos ang saya saya natin tapos.... Umuwi ako pagkatapos hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari pagdating ko sa bahay." Sagot niya. "Hindi mo ba iniinom yung pang-maintainance mong binigay sayo ng doktor?" Tanong ko. "Tuloy tuloy ba yon? Akala ko 2 years lang." Sabi niya. "Tuloy tuloy yon. Unending ang pag- inom non. Hindi mo pwedeng ihinto. Hindi porket 2 years lang ang time frame na binigay sayo, 2 years mo lang din siyang iinumin. Dapat ituloy mo pa rin ang pag- inom kahit tapos na yung binigay na time frame sayo." Sabi ni Celestine.
YOU ARE READING
THE ONE THAT GOD ALLOWED
FanfictionI wanna be your "THE ONE THAT GOD ALLOWED" in this world full of "THE ONE THAT GOT AWAY". A fanfiction by yours truly made with love for Alden Richards and Maine Mendoza. This is a Tetralogy/Quadrilogy. Date started: October 16, 2020 Date Finished:...