Third Person's POV
Naging madalas ang paglabas at pagkikita nina Richard at Nicomaine matapos ang pagpunta nila sa mall. Hindi nagtagal ay unti- unti na din nilang nasasabi sa isa't- isa ang kanilang personal na mga problema. At nagiging komportable na rin sila sa isa't- isa."Binibini, saan mo nais mamasyal?" Tanong ni Richard kay Nicomaine. Nalaman kasi nito kamakailan lamang na mahilig ito sa mga historical places. "Wow binibini. Naks. Haha. Nais ko lamang mamasyal sa Intramuros ginoo. Napakaganda nito kaya't nais ko itong pagmasdan." Sagot ni Nicomaine.
Kinabukasan, agad namang naisip ni Richard na sorpresahin si Nicomaine.
"Binibini, maaari ba kitang mahiram ngayong araw?" Tanong ni Richard. "Saan naman tayo pupunta?" Tanong ni Nicomaine Dei pabalik. "Mamamasyal lamang tayo sa isa sa mga lugar na pangarap mong mapuntahan. " Sagot ni Richard. Hindi na nakasagot si Nicomaine dahil bigla siyang nasabik sa mga makikita niya.
Nang makarating sila sa Intramuros, namangha si Nicomaine sa kanyang nakita.
"Napakagandang mga tanawin. "Komento ni Nicomaine. "Pero mas maganda ka binibini." Sabi ni Richard habang nakatitig kay Nicomaine. Makalipas ang limang minuto ay agad namang tumingin si Nicomaine kay Richard. Kaya agad ding iniwas ni Richard ang tingin nito sa dalaga. "Ano namang bola yan? Alam ko binobola mo lang ako e." Sabi ni Nicomaine. "Hindi ah. Tsaka hindi naman kita bobolahin dahil alam kong maganda ka talaga. At kamakailan lamang ay nalaman kong mahilig ka sa mga historical places. Kaya naisipan kong ipasyal ka." Saad ni Richard. "Talagang inaalam mo yung mga hilig ko ah. Talagang kinikilala mo na ako 'no?" Tanong ni Nicomaine. "Oo naman, tsaka gusto ko, palagi kang masaya." Maiksing sagot nito.
Nicomaine Dei's POV
Ngayong araw, nagpunta kami ni Richard sa Intramuros at sobra akong namangha sa aking mga nakita roon. Napakaraming magagandang tanawin na masisilayan sa Intramuros."Salamat sa pagdala sa akin dito. Hindi ko akalaing dito mo ako dadalhin sa Intramuros ngayon. Akala ko'y mamamasyal tayo sa parke." Saad ko. "O, hindi ba't pangarap mong masilayan ang taglay na kagandahan ng Intramuros, binibini?" Tanong ni Richard. "Oo. Matagal ko nang nais na makapasyal rito. Kaya lang hindi nangyari dahil nga alam mo na, di ba?" Paliwanag ko. "Siguro kaya hindi natuloy ay dahil hindi siya ang nakikita ng diyos na makakasama mong gagawa ng mga magagandang ala- ala dito, hindi ba?" Sabi ni Richard. Napaisip ako sa sinabi niya. Maaaring tama siya. Baka kaya hindi natuloy na pumunta kami ni Carlo dito ay dahil hindi siya yung lalaking nakatakdang makasama ko sa pagbuo ng magagandang ala- ala na babaunin ko sa buong buhay ko. Kaya iniwas siguro ako ni Lord sa kanya. "Salamat, Richard." Pagpapasalamat ko sa kanya. At hindi ko namalayang may tumulong likido mula sa aking mga mata. Agad naman itong pinunasan ni Richard. "Ayos ka lang? Gusto mo ng maiinom?" Nag- aalalang tanong niya. "Oo. Ayos lang ako huwag mo kong alalahanin. Masaya lamang ako sapagkat natupad ko na ang isa sa aking mga pangarap. Ang makapunta dito sa Intramuros. Mabuti pa mamasyal na lang tayo." Sabi ko.
YOU ARE READING
THE ONE THAT GOD ALLOWED
FanfictionI wanna be your "THE ONE THAT GOD ALLOWED" in this world full of "THE ONE THAT GOT AWAY". A fanfiction by yours truly made with love for Alden Richards and Maine Mendoza. This is a Tetralogy/Quadrilogy. Date started: October 16, 2020 Date Finished:...