CHAPTER 38

143 8 1
                                    

Dedicated to ItsyourgirlR

Angel's POV
Masaya ako dahil sa wakas ay ikakasal na sina ate Maine at kuya RJ.

"Kuya sa wakas matutupad na ang isa sa mga pangarap mo." Sabi ko. "Isa ka sa mga flower girls." Biro niya. "Kuyaaa! Napakatanda ko na para maging flower girl.  Labing- apat na taong gulang na ako tapos gagawin niyo kong flower girl? Seryoso ka ba kuya? Baka naman pwedeng bridesmaid na lang?" Reklamo ko. "Sabagay may point ka nga naman. Sige ring bearer na lang ang role mo sa kasal namin ng ate Maine mo." Biro pa niya. "Kuyaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!" Pagmamaktol ko. "Biro lang. Usherette ka." Sabi niya sa akin. "Si ate Riza?" Tanong ko. "Bridesmaid. Dalawa sila ni Coleen. Tsaka si Mariella at Marianne tapos si Cassandra ang  maid of honor." Sabi ni kuya. Nakaplano na pala sila.

"Kuya, sige salamat na lang sa ol."  Sabi ko. "Wag kang gumanyan. Hindi bagay sa'yo." Sabi ni kuya. "Grabe nga naman yon. So kay ate Maine lang bagay ang nagtampo. Ganoon ba yon?" Sabi ko kay kuya RJ. "Oo. At least kapag nagpabebe siya, I find it cute though. Bagay sa kanya. Kaya mahal na mahal ko ang binibining iyon. At fiancé ko na siya ngayon. Ang swerte ko. Plano ko ngang magbakasyon sa italy kasama siya pagkatapos ng kasal." Sabi ni kuya. "Ay sosyal, italy." Saad ko. "Dream namin yun." Sabi ni kuya. "Oh so  you're finally making another dream come true." Saad ko. "Basta ikaw kapag nagkajowa ka, make sure na hindi ka niya sasaktan, ha? Bunso ka namin. Ayaw ka naming makitang umiyak dahil sa maling tao." Sabi ni kuya. Nasabi na namin kay kuya RD na ikakasal na si kuya RJ. Busy ngayon si kuya RD sa amerika. Busy siya sa family life. "Kuya, kailan ang date ng kasal?" Tanong ni ate Riza. "Well, we'll still be talking about that." Sabi ni kuya RJ. Nandito ngayon si ate Maine at kasalukuyan siyang kumakain ng carbonara sa kusina habang nandito naman kami sa sala. Biglang pumunta si kuya Richard sa kusina para samahan si ate maine.

"Mauna na ako sa inyo, ha? Sasamahan kong kumain ang ate  niyo sa kusina." Paalam niya.

Richard's POV
"Love? Tapos ka na bang kumain?" Tanong ko kay Nicomaine.  "O love, not yet, why?" Tanong niya. "I'm just asking. Tara, sabayan na kita. Nagugutom na rin naman ako." Sabi ko. Sinabayan ko siya sa pagkain. Habang kumakain kami, napag- usapan naming ang tungkol sa kasal. "Sino ang best man mo?" Tanong niya sa akin. "Si Kuya RD. Ikaw sinong maid of horror este maid of honor mo?" Tanong ko naman. "Si ate Coleen. Tutal naman hindi natuloy yung kasal niya. Ginawa ko na lang siyang maid of horror. Este honor. Ano ba yan. Nahahawa na rin ako sa'yo." Sabi niya. "Tapos si Angel at Riza bridesmaid."  Saad ko. "Akala ko si Angel usherette?" Tanong niya. "Hindi na. Mas maganda kung magkasama sila ni angel tapos partner ni Riza si Ezekiel." Sabi ko. "E si Angel sinong partner niya?" Tanong niya. "Yung pinsan ko si James Matthew." Sagot ko. "Uyy sige tapos si Coleen, si Mike na ang partner tutal naman nagbreak na sila ni Jack." Sabi niya. "Game. Tapos ang motif natin, yellow, blue and green." Sabi ko. "Ay gusto ko yan. Lalo na yung yellow. Green? Bakit green?" Tanong niya. "Green kasi yung isang love team na na encounter ko, green ang color ng fandom nila. Green symbolizes AlDub nation ba yon?"  Sabi ko. "Ha? Si yaya dub ba yan tsaka yung Alden Richards ba yon?"  Tanong niya. "Oo sikat sila. Strongest fandom daw ang AlDub nation e. Berde ang kulay ng fandom nila." Sabi ko. "Sige gusto ko yan. Tapos yung set up sa reception historical. Magpre- prenup pa tayo." Sabi niya. "Marami na akong naiisip na lugar kung saan tayo pwedeng mag pictorial." Sabi ko. "Saan naman?" Tanong niya. "Sa Philippine Museum, UST, Enchanted Kingdom, Dungeon Manila Ocean Park tsaka sa Star City." Sabi ko. "Wow ang dami non. Pitong location. Kaya ba? Parang ang dami namang pictorial na magaganap kapag ganoon. Ilang pictures ba ang target?" Tanong niya. "24." Sabi ko. "Tans, grabe naman kung dalawampu't apat. Baka namang pwedeng labing anim na lang." Sabi niya. "Pwede naman pero mas special kasi yung 24." Saad ko. "Oo nga naman. Tapos ang invitation natin written in baybayin." Suggestion niya. "Ay oo nga. Ang unique noon. Baybayin." Pagsang-ayon niya. "So finalize lang natin. Baybayin invitation, pitong pre nup shoot location, Riza and angel as bridesmaid, kuya RD is the best man, Coleen is the maid of honor,  motif yellow blue and green, historical set up for the reception at 24 pictures for prenup pictorial from different places." Saad ko. "Oo yan na lahat." Sabi niya. "E yung guests? Ilang guests ang iimbitahan natin?" Tanong niya. "Lahat na lang ng mga kamag anak natin, tans." Sabi ko. "Sige. Basta yun na ang plano." Sabi niya. "Kuya! Anong pinag- uusapan niyo?" Tanong ni angel. "Kami ay nagpa- plano para sa nalalapit naming kasal, binibini." Sabi ni Nicomaine. "Ha? Ate anong role ko? Usherette pa rin ba?" Tanong niya. "Hindi na. Isa ka na sa mga napili naming maging flower girl." Biro ni Nicomaine. Bigla namang nalungkot si Angel. "Kuya naman. Sabi mo, usherette na ako tapos ngayon flower girl? Final na ba yan? Kuya naman baka naman pwede pang magbago ang desisyon niyo ni ate. Napakalaki ko na para mag flower girl and besides, kuya hindi talaga ako pupunta sa kasal niyo kapag isa ako sa mga flower girls niyo." Sabi ni angel. "Ito naman. Bridesmaid ka. Partner mo yung pinsan nating si James." Sabi ko. "Si Matthew? Kuyaaaa! Galing sila sa US uuwi sila?" Tanong ni Angel. "Oo. Sinabihan ko sila last month. Bakit?" Tanong ko. "E di ba nga lagi kaming nag- aaway noon? Bakit naman siya yung partner ko. Pwede namang iba na lang kuya." Sabi ni angel. "Ano ka ba naman Gel. Ang babata niyo pa noon. Binata na yon ngayon. Magkasing- edad nga kayo noon. Sigurado ako na namimiss ka na niyang kaasaran. Tsaka ayaw mo noon? May reunion na magaganap?" Sabi ko. "Oo na. Ano pa nga bang magagawa ko? Hindi naman ako ang ikakasal kaya wala sa akin ang final say." May panghihinayang niyang sabi."Gel, kahit ngayon lang, pagbigyan mo na ako please?" Sabi ko. "Sige na nga kuya. Kung di lang talaga kita mahal." Sabi niya. Nagpatuloy kami sa pagpaplano.

THE ONE THAT GOD ALLOWEDWhere stories live. Discover now