IKADALAWAMPU'T SIYAM NA KABANATA

139 9 0
                                    

Nicomaine Dei's POV
First time kong nakitang nagtampo si Richard kay Riza. First time ko din siyang nakitang nagselos nang nakipagkamay ako sa nobyo ni Riza. Nagulat ako at siyempre sobrang hindi ko akalaing seloso pala talaga ang boyfriend ko.

Tans naman, wala namang aagaw sakin e. Sayong sa'yo na ko, ginoo." Sabi ko. "Mabuti nang sigurado tayo. Baka mamaya, hindi pa pala to kuntento sa kapatid ko pati ikaw agawin pa niya sa akin." Sabi niya. "Luh siya. By the way, nice to meet you, Ezekiel." Sabi ko naman. Binitawan niya ang kamay ko tsaka tumalikod. "Uy, love, anong nangyayari sa'yo? Okay ka lang? Bat ang cold mo bigla?" Tanong ko. "Wala. Pumasok na kayo sa bahay Riza." Cold niyang sabi kay Riza. Nagtaka naman kami nina Riza at Ezekiel sa ikinikilos ni RJ ngayon sa aming harapan. Napansin din ni Angel na hindi na pinapansin ni RJ si Riza matapos niyang ipakilala ang kanyang nobyo sa amin.

"Love, teka nga. Sandali lang. Mag- usap nga tayo." Sabi ko at agad ko siyang hinila papunta sa balkonahe.

"Ano bang nangyayari sa'yo? Ayos ka lang ba? May masakit ba sa'yo? Bakit bigla mong binitiwan yung kamay ko kanina?" Sunud sunod kong tanong sa kanya. "Wala." Matamlay niyang sagot. "E bakit parang iniiwasan mo na ako kanina? Bakit hindi mo kinakausap si Riza?" Sunod ko namang tanong sa kanya. "May naalala lang ako." Sagot niya. "Ano naman ang iyong naalala?" Sabi ko. "Nung mga bata kami. Dati ang lambing niyang si Riza sa akin. Ngayon may iba na siyang nilalambing. Nagseselos at naninibago lang ako, tans." Pag- amin niya sa akin. "Don't worry. May iba na din namang naglalambing sayo ngayon e." Pagpapagaan ko ng loob niya. Napatingin sya sa akin. Niyakap niya ako nang mahigpit. Sinundan kami ni Riza.

"Kuya, pwede ba tayong mag- usap?" Saad ni Riza. "Tans, alis muna ako." Paalam ko. "No, tans. Please stay." Pigil sa akin ni Richard. Kaya naman nanatili na lang ako doon. "Bakit?" Tanong niya kay Riza. "Galit ka ba?"  Tanong ni Riza kay Richard. "Hindi. Medyo nagselos lang ako. Nabigla ako nang malaman kong may jowa ka na pala. Kailan pa?" Tanong ni Richard sa kanyang nakababatang kapatid. "Last month." Sagot nito. "Basta kapag sinaktan ka niyan, alam mo na." Saad ni RJ. Yayakapin na sana siya ni Riza pero dinistansiya niya ang sarili ko sa kanyang kapatid. "Tsaka na ulit tayo mag- usap. Love, let's go." Aya niya sa akin. Agad namang hinawakan ni Richard ang aking kamay at umalis kami sa balcony.

"Love, bakit mo naman ginawa yon? Sana kinausap mo nang maayos si Riza." Sabi ko kay Richard. "I'm not yet ready to talk to her. Tsaka ko na lang siya kakausapin kapag handa na ako." Sabi niya. Hindi ko siya kinibo. Napayuko na lang ako. Halatang hindi ko nagustuhan ang mga inaasal niya kanina pa. Nagtitimpi lang ako dahil ayaw kong mag- away kami. "Love, hey, look. I'm sorry. Wala lang talaga ako sa mood. And I know that you felt bad about how I talked to Riza earlier. Sobra lang akong nanibago. And I'm sorry." Sabi niya. "Bakit parang bigla kang nagbago? Bakit biglang nag- iba ang iyong pakikitungo sa mga tao sa paligid mo? Bakit bigla kang naging cold sa akin? Hindi ka naman dating ganyan, di ba? Bakit?" Sabi ko sa kanya. Hindi siya nakasagot.  Niyakap niya ako sa likod. "Tans, I'm sorry." Sabi niya habang umiiyak. Hindi ko mapigilan ang pagpatak ng luha sa aking mga mata. Hindi pa rin ako nagsasalita. "Uy, pansinin mo na ako." Sabi niya. "Tsaka na tayo mag- usap kapag lumamig na yang ulo mo. Para kasing mainit yang ulo mo. Ayaw ko nang sumabay. Baka ako pa yung mapagbuntunan mo ng galit o ng sama ng loob mo." Sabi ko na lang. Paulit- ulit siyang nakiusap sa aking kausapin ko siya hanggang sa....

"Siya, sige. Okay na, sige na. Kung di lang talaga kita mahal hindi kita mapapatawad kaagad." Sabi ko. Matapos ko siyang patawarin agad niya akong iniharap sa kanya at tsaka niya ako hinalikan sa noo, magkabilang pisngi at sa labi. "Ito naman, hindi naman halatang namiss mo akong halikan, no? Sinagad e." Sabi ko. "Hindi lang iyan ang namiss ko." Sabi niya pa. "Ano pa bang..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko sapagkat bigla niya akong binuhat. "Hoy, tans, ibaba mo nga ako. Baka isipin nila na nasugatan ako kaya hindi ko maigalaw ang aking mga paa. Ibaba mo na ako dali." Sabi ko. Hindi niya ako pinakinggan. Binuhat niya pa rin ako hanggang sa sala. At lahat sila ay nagulat nang makita kami.

THE ONE THAT GOD ALLOWEDWhere stories live. Discover now