Sarah Cassandra's POV
I posted something on my twitter account with our pre- nup photo.
Agad naman ding nagtweet si Lucas.
Magkakasama kami nina Mariella, Marianne at Nicomaine sa nursery room ni Charmaine. Nandito rin si Richard. Nagpahatid lang ako kay Lucas. May importante siyang lakad ngayon kasama ang kanyang ina."Bes, anyare sa'yo? Bakit ka nakangiti jan? Nahihibang ka na ba? Nasisiraan ka na ba ng bait?" Tanong ni Nicomaine. "Ha? A- ano-- a- ano-- kasi-----." Nauutal kong sagot. "O bakit ka nauutal? Okay ka lang? Mukhang nasisiraan ka na ng ulo bes." Saad naman ni Mariella. "Kailangan na nating ipa- check- up tong si Cassie. Baka nababaliw na to." Saad naman ni Marianne. "Hoy wag na. Si Lucas lang naman ang dahilan kung bakit ako nakangiti ngayon." Sabi ko na lang. "Ah, okay. Akala naman namin ipinagpalit mo na siya sa iba." Sabi ni Marianne. "Grabe ka naman sa akin. Hindi pa nga kami kinakasal ipagpapalit ko na siya sa iba? Tsaka isa pa, wala namang akong nakikitang magandang dahilan para hiwalayan siya as in wala talaga. Walang wala kahit anong pilit ko, wala talaga e." Sabi ko. "Ikaw na, ikaw na ang isa sa pinaka- faithful na kasintahan na nakilala ko." Sabi ni Richard. "Faithful ka din naman, ah. Kahit na minsan ka nang iniwan, nakatagpo ka pa rin ng taong magmamahal sa'yo ng tunay." Sabi ko. "At nagpapasalamat ako sa diyos dahil binigyan niya ako ng pagkakataong makilala si Nicomaine. Siya ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko binibini. Lulubus lubusin ko na ang pagtawag sa'yo ng binibini. Ilang buwan na lang ay lalagay ka na sa tahimik kasama ang lalaking pinakaminamahal mo." Sabi niya. "Alam mo, kaya na- inlove sa'yo tong si Nicomaine e. Nadala mo siya sa mga mabulaklak mong salita. Yang paggamit mo ng mga salitang binibini, tsaka iba pang mga malalalim na salita na ginagamit noong sinaunang panahon. Ewan ko ba kung bakit naman kasi sa dinami-dami ng mga subjects sa school na pwede niyang maging favorite e yan pa talagang history. E halos lahat kami inaantok at naboboring, e." Sabi ko. "Bakit? Maganda naman ang history, e. Tsaka mas maaappreciate mo yung sakripisyo ng mga bayani ng ating bansa kapag nag- aral ka ng history." Sabi ni Richard. "Dahil nga kay Nicomaine e natutunan kong mahalin yung mga bagay na dati kong binabalewala." Dagdag pa niya. "Alam mo, sana lahat ng lalaki katulad mo. Bihira na lang kasi yung mga katulad mo. Kaya chard, sana all na lang. Sana all na lang ng jowa/asawa kagaya mo. Literal na sana all." Sabi ko. "Nagsasana all ka pa e may Lucas ka na nga. Ikakasal ka na. Nakahanap ka na ng forever mo. Wag ka nang mainggit. Alam mo mabuti pa, umuwi na kayo." Sabi ni Nicomaine Dei. "Bes, mamaya na lang nang kaunti. Nahihilo kasi ako e. Hindi ko kayang tumayo." Sabi ni Marianne. "Ha? Gusto mo ba ipasundo na kita kay Paulo? Bakit kasi hindi ka niya sinamahan?" Tanong ni Mariella. "No, nasa trabaho siya ngayon." Sagot ni Marianne. "Ha? Sigurado ka? Sige mabuti pa dito ka muna. Mamaya, tatawagan ko na lang si Paulo para sabihin na sunduin ka na lang dito." Sabi ni Maine. "No. Wag na kasi-----" . *nagsuka*
YOU ARE READING
THE ONE THAT GOD ALLOWED
FanfictionI wanna be your "THE ONE THAT GOD ALLOWED" in this world full of "THE ONE THAT GOT AWAY". A fanfiction by yours truly made with love for Alden Richards and Maine Mendoza. This is a Tetralogy/Quadrilogy. Date started: October 16, 2020 Date Finished:...