IKAPITONG KABANATA

201 11 0
                                    

Richard's POV
Nag- iisip kami ngayon kung paano kami makakapunta sa UST nang di kami nasusundan ni Carlo at Jasmine. Papunta kami ngayon sa UST.

 Papunta kami ngayon sa UST

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Ang ganda pala talaga ng Unibersidad ng Santo Tomas

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Ang ganda pala talaga ng Unibersidad ng Santo Tomas." Sabi ni MaMaine. "Kaya gusto kitang maipasyal sa unibersidad na ito. Nais kong makita mo ang itinatago nitong ganda." Saad ko. "Sa silid- aklatan(library) tayo pumunta. Hindi ba't may mahalagang eksena sa ILYS1892 na naganap doon?" Sabi niya sa akin. "Oo. Kaya halika, sasamahan kita sa kanilang silid aklatan." Sabi ko sa kanya.

Agad kaming nagtungo sa silid- aklatan ng Unibersidad ng Santo Tomas.

Agad kaming nagtungo sa silid- aklatan ng Unibersidad ng Santo Tomas

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Talaga nga namang makasaysayan ang lugar na ito, ginoo. Hindi ko sukat akalaing makikita ko ang lugar na ito kasama ka. Ikaw ang tumupad ng ilan sa aking mga pangarap kung kaya't ito'y isang kasiyahan para sa akin na makita kang masaya at nakangiti sa mga pagkakataong ito, ginoo." Sabi ni Maine sa akin. "Maraming salamat, binibini. Salamat sa pagtupad ng isa sa aking mga kahilingan." Pagpapasalamat ko. "Kulang pa nga iyan para sa lahat ng iyong mga nagawa para sa akin. Mabuti na lamang at hindi tayo nasundan nina Carlo at Jasmine. Ayoko man silang pag- usapan dahil ayokong masira ang araw natin ngunit hindi ko pa rin maiwasang mag- alala." Sabi niya. "Sayang nga lang at hindi natin naisama ang aking bunsong kapatid. Abala kasi siya sa kanyang pag- aaral. Pinapasok na siya ng aming ama noong nakaraang linggo sa paaralan." Saad ko. "Mabuti naman kung ganoon. Mabuti pa ay maglibot- libot mina tayo. Ang ganda ng paaralang ito." Pag- aya niya sa akin.

Makalipas ang dalawampung minuto, lumabas na kami sa parang(campus).

"San na tayo susunod na magtutungo, binibini?" Tanong ko. "Nais mo na bang umuwi?" Tanong niya pabalik. "Maaari rin naman." Sabi ko.

Umuwi na kami matapos ang aming pamamasyal sa UST.

"Hi dad." Bati ko kay daddy. "O anak. Mabuti naman at nandito na kayo ng girlfriend mo. Nga pala kanina, sumugod dito si Carlo kasama niya si Jasmine. Nagwala siya sa gate. Buti na lang at wala kayo kung hindi, baka nagkabugbugan na naman." Sabi sa akin ni daddy. "Tito, kumusta po kayo? Nalapitan po ba nila kayo? Si Angel? Si Riza?" Sunud- sunod na tanong ni maine. "Naku Nicomaine, wag kang mag- alala anak, ayos lang kami. Wala silang nasaktan ni isa sa amin dahil maraming nakabantay sa labas. Hindi sila nakapasok dito." Paliwanag ni daddy. Buti na lang talaga hindi kami nagpang- abot na dalawa kung hindi ay bugbog ang siguradong aabutin niya sa akin.

Nicomaine Dei's POV
Nanggulo na naman daw si Carlo sa tahanan nina Richard kanina. Agad kong kinumusta sina nanay kung pati sa bahay ay nagtungo rin siya para manggulo.

*📟*(Phone conversation yan beeper lang ang nilagay ko)
"Hello nay?" Pagbati ko. "Anak, napatawag ka?" Sabi ni nanay sa kabilang linya. "Itatanong ko lang po Sana kung nanggaling jan yung hinayupak kong ex." Sabi ko. "Naku anak, oo. Katunayan e muntik pa silang mag- away ng kuya Nikko mo at ni Dean." Sabi niya. Kinabahan ako. "Bakit po? Ano pong nangyari?" Kinakabahang tanong ko. "Hinahanap ka kasi ni Carlo anak e tapos siyempre lahat kami natakot na magsalita at lumikha ng anumang ingay. Buti na lang at tulog ang mga pamangkin mo. Alam mo naman si Matti pag naglalaro may mga sound effects tapos si aria iyakin, diba? Kaya kinakabahan din kami kanina. Buti na lang din at nakaalerto yung mga security guards dito. Kaya hindi sila basta basta nakagawa ng gulo." Paliwanag ni nanay. "Nay, mag- iingat kayo. Papunta na ako jan ngayon kasama si Richard. Hays."
📟End of conversation 📟

"O bakit biglang sumama ang timpla ng iyong pakiramdam, binibini?" Tanong ni Richard. "Love, kailangan ko nang umuwi." Sabi ko. "Love, bakit? Nanggulo din ba sa inyo si Carlo kasama si Jas?" Tanong niya. "Hindi ko batid love pero isa lang ang alam ko. Si kuya Nikko at Dean, muntik nang mapaaway kay Carlo dahil sa kin." Sabi ko. "Ano? Tara na kung gayon. Dad, we have to go. Nanggulo si Carlo kina Maine." Sabi ni Richard kay tito. Agad kaming tumakbo palabas ng kanilang tahanan at sumakay ng kotse upang pumunta sa aming tahanan.

Pagdating namin doon ay agad akong tumakbo papunta sa aking mga magulang at kapatid.

"Nay, Tay, Dean, kuya Nikko, ate Nikki, ate Coleen? Ayos lang kayo?" Nag-aalala kong tanong sa kanila. "Ayos lang kami anak. Wag mo kaming alalahanin." Sabi ni tatay. "Si Aria at Matti, kumusta sila ate Nikki?" Tanong ko sa panganay kong kapatid. "Maayos ang kanilang kalagayan." Sagot niya. "Mabuti na lamang po't ligtas kayong lahat. Kinabahan po kami nang malaman naming hindi lang pala sa aming tahanan sumugod si Carlo. Kailangan na po nating mas higpitan ang pagbabantay sa bahay ninyo tito." Sabi ni Richard. "Salamat sa pag- aalala mo, iho. Pero pati sa inyo rin ay kailangan ng mas mahigpit na pagbabantay." Sabi ni tatay. Tama siya. Kailangan naming mas maging maingat ngayon. Kailangan naming mas maging handa kung sakaling bigla silang manggulo.

"Love, ipa- blotter na lang natin sila. Yun ang nakikita kong pinakamabisang solusyon sa problema natin." Sabi ko. "Sige love, sang ayon ako sa iyong sinabi. Mas mabuti pa nga iyon." Sabi niya.

Agad kaming nagtungo sa pulis upang ipa- blotter sina Carlo at Jasmine para hindi na nila magambala pang muli ang nananahimik naming buhay. Makipag- ugnayan na rin kami sa mga pulis sa Laguna upang maiwasan nang maulit pang muli ang nangyari.

Sa ngayon ay ligtas na ang aming mga pamilya mula sa panggugulo nina Carlo at Jasmine. At hindi na kami makakapayag na maulit pa ang nangyaring ito. Sinisigurado naming hindi na nila kami magugulo pang muli.

A/N: Happy 280th weeksary ALDUB & ADN! Kapit lang!!! Shararawt kina  rsnnmldg maich_ard24 at ItsMeArabells Tsaka sa lahat na din ng mga ADN na nagbabasa nito. Sana suportahan niyo pa yung mga susunod pang chapter. Pasensiya na kung medyo pangit yung chapter. Medyo wala ako sa wisyo magsulat pag di umuulan. Haha. Sorna.

THE ONE THAT GOD ALLOWEDWhere stories live. Discover now