Nicoleen's POV
Habang naglalakad kami papasok ng isang kubo malapit sa dagat, may nakita akong isang pamilyar na mukha."Jack?" Sambit ko.
Agad kong inilibot nag aking paningin sa lugar kung saan nakita ko ang lalaking pinaghihinalaan kong si Jack. Sinundan ako ni ate Nikki.
"Coleen!!" Sigaw niya. Hindi ko siya nilingon. Sa halip, nagpatuloy ako sa pagsunod sa mga hakbang ng mga paa ng ginoong minsan kong minahal at pinakatiwalaan. Kinalabit ko siya. Nilingon naman niya ako. "Ano ang kailangan mo sa akin binibini?" Tanong ng ginoong inakala kong si Jack. "Pasensiya ka na ginoo ngunit akala ko'y ikaw ang nobyo kong minsang nag- alok sa aking magpakasal. Patawad." Sabi ko. "Ako nga pala si Mike. Ikinagagalak kong makilala ka." Pakilala ng ginoo sa akin. "Nicoleen Dyann." Sabi ko sabay abot ng aking kamay sa kanya. "Sinong kasama mong pumunta dito?" Tanong niya. "Kasama ko ngayon ang aking buong pamilya. Narito kami upang mamasyal. Gusto nila akong matulungang kalimutan ang sinapit kong heartbreak dahil sa pakikipaghiwalay sa akin ng ex fiancé ko." Sabi ko sa kanya. "Ex fiancé? You mean, ikakasal ka na dapat?" Tanong niya. "Oo." Sagot ko. "Anong nangyari? Sorry ah. Okay lang kung di mo sagutin. Maiintindihan ko naman kung hindi ka pa handang sagutin yung tanong tungkol doon sa naudlot niyong pag iisang dibdib." Sabi niya. "Hindi. Ayos lang. Naghiwalay kami dahil sa third party. Hindi nakuntento sa isa." Sagot ko. "Grabe naman yon. First boyfriend mo?" Tanong niya. "Yes. First and last na sana pero wala e. Nagloko, ako naman umasa." Sabi ko. "Alam mo nangyayari sa maraming tao yan. Kailangan mo yang pagdaanan para malaman mo kung sino talaga ang para sa'yo. Maaaring hindi mo ito maintindihan sa ngayon ngunit nasisiguro ko sa'yong maiintindihan mo rin kung bakit nangyari iyon sa inyo." Sabi niya. "Naranasan mo na bang magmahal?" Tanong ko. "Alam mo, minsan ko na ring naranasang umibig sa maling tao. Minsan na rin akong nagmahal ng taong inakala kong makakasama ko ng bumuo ng sarili kong pamilya. Ngunit nagkamali ako. Sapagkat minsan ko siyang nakitang may kasamang iba. Sinabi niyang kaibigan lamang niya ang ginoong iyon, ngunit iba ang nais iparating na mensahe ng kanyang mga mata. Nabulag ako sa sobrang pagmamahal. Hindi ko naisip na merong hanggan. Ako yung nauna pero iba ang kanyang wakas. I was her once upon a time but not her happily ever after." Sabi niya. Napanganga ako. Hindi ko akalaing halos parehas pala kami ng pinagdaanan. "Nakilala mo ba ang ginoong kanyang ipinalit sayo?" Tanong ko. "Oo. Hindi ko lang siya basta kilala. Kilalang kilala." Sabi niya. Napakunot ako ng noo. "Kapatid ko ang kanyang lihim na minamahal. Hindi ko akalaing magagawa nila sa akin iyon. Buong akala ko'y kakampi ko ang aking kapatid ngunit nagkamali ako. Masyado akong naging kampante. Hindi ko namamalayang inaagawan na pala ako ng sarili kong kapatid ng babaeng minamahal." Salaysay niya. Lalo akong nagulat. "Grabe pala talaga ang pinagdaanan mo." Sabi ko. "Mas masakit yung napagdaanan mo. Hindi pa naman ako nagpro propose. E yung sa'yo nakapagpropose pa bago nagawang magloko. Nakakapanghinayang yon sa'yo siya nangako pero sa iba niya tutuparin ang pangakong iyon." Napaisip ako. Totoo nga naman. Ako ang pinangakuan ng kasal ngunit iba ang kanyang ihaharap sa altar. Sakit non.
"Alam mo mabuti pa, ihahatid na kita sa kinaroroonan ng iyong pamilya baka hinahanap ka na rin nila. Kanina pa tayo nag- uusap dito. Pati personal nating pinagdadaanan, nasabi na natin sa isa't- isa." Sabi niya. Agad naman naming nakita si Nicomaine kasama si Richard. Sumunod nga pala siya dito. "O Nicomaine Dei, bakit nandito na yang jowa mo?" Tanong ko. "Sumunod siya e. Hindi ko naman alam na susunod siya. Hindi kami nakapag- usap mula kaninang umaga. Nagulat na nga lang ako kung paano niya nalamang nandito tayo gayong hindi naman ako nagpopost ng aking mga larawan sa social media." Sagot niya. "E ikaw, sino naman yang kasama mo? Wag mong sabihing may bago ka nang jowa." Sabi niya pa. "Hoy Nicomaine Dei!!!! Hindi naman ako ganoon kaatat magkajowa after ng break up. Napagkamalan ko siyang si Jack kaya ito kami ngayon magkasama. Nasan na si ate Nikki? Sinusundan niya ako kanina e. Bumalik na ba siya dito?" Tanong ko. "Naroon na siya sa kwarto. Mukhang napagod kahahabol sa'yo sa sobrang bilis mong tumakbo." Sagot niya. Agad akong pumunta sa kwarto kung saan naroon si ate Nikki. "Ate Nikki?" Tawag ko sa kanya. "O anong kailangan mo ngayon Nicoleen Dyann?" Tanong niya. "Nais ko lamang humingi ng tawad sa'yo sapagkat alam kong napagod ka sa pagsunod at paghabol sa akin kanina sa labas." Sabi ko. "O kumusta naman yung naging pagsunod mo doon sa tinatawag mong Jack?" Tanong niya sa akin. "Mali ako ng hinala. Hindi si Jack ang ginoong aking nakita kanina kundi si Mike." Sabi ko. "O, akala ko naman nagkatotoo yung hinala mo. Halos atakihin pa ako ng asthma kahahabol sa'yo tapos hindi pala siya yon. O e nasan na si Mike?" Sabi ni ate. "Nasa labas. Kausap ni Maine at Richard." Sagot ko. Agad siyang tumayo para tingnan ang kinaroroonan ni Maine, Richard, at Mike.
"O ate Nikki, hello." Bati ni Richard at Nicomaine Dei. "Hi sa inyong dalawa." Bati niya pabalik. "So you must be Mike, right?" Tanong niya kay Mike. "Ah yes po. Hello po." Sabi naman ni Mike. "Bakit ka nandito?" Tanong uli ni ate Nikki kay Mike. "Hinatid ko lamang po ang inyong kapatid. Sapagkat batid ko pong delikado pong maglakad mag- isa sa mga ganitong lugar kung kaya't minabuti ko na lamang pong samahan siya upang masigurado ko po ang kanyang kaligtasan." Sagot ni Mike. Di nagtagal ay dumating na rin ang aming mga magulang.
"O Mike, narito ka pala, iho." Saad ni tatay. "Opo tito hinatid ko po si Coleen." Sabi niya. "Tay, kilala niyo po siya?" Tanong ko. "Oo anak. Anak siya ng aking kaibigang si Manuel. Ang aking kasosyo sa negosyo." Saad ni tatay. "Ah kaya po pala." Sabi ni ate Nikki. "Mabuti naman at nakilala mo na ang aking anak na si Nicoleen. Narito pa ang kanyang ibang mga kapatid. Si Nicolette Ann, Nicolas Dynn, Nicomaine Dei at si Nicodeim Dean." Pagpapakilala ni tatay sa mga kapatid ko. "Pati po ba yung lalaking kasama ni Maine ay kapatid po nila?" Tanong ni Mike. "Naku, hindi iho. Asawa ni maine yan ah este nobyo pala." Sabi ni nanay. "Halla si nanay masyado yatang nasasabik na lumagay kami sa tahimik. Pasensiya na po nay ngunit matatagalan pa bago mangyari ang inyong kagustuhan. Wala pa po kaming limang taong magkasintahan ni Richard." Sabi ni Nicomaine. "Ngunit tita, wag po kayong mag- alala dahil anuman pong mangyari ay sinisiguro ko po sa inyong ako po ang makakatuluyan ng inyong bunsong anak na babae gaya po ng inyong kagustuhan." Sabi ni Richard. "Sana all." Sabay sabay nilang sabi.
YOU ARE READING
THE ONE THAT GOD ALLOWED
FanfictionI wanna be your "THE ONE THAT GOD ALLOWED" in this world full of "THE ONE THAT GOT AWAY". A fanfiction by yours truly made with love for Alden Richards and Maine Mendoza. This is a Tetralogy/Quadrilogy. Date started: October 16, 2020 Date Finished:...