Chapter 10
Stay With Me
"Then, can you be my friend?"
"Of course, wala pa kasi akong ibang friends other than my cousins."
It all started there... It all started there. When he ask me to be his friend.
"I can see that you can't remember it now, bata pa naman kasi kayo noon." Tita Andria said at awkward lang akong ngumiti bago magpaalam na aakyat na muna ng kwarto ko.
How come hindi ko na maalala yun. Bakit hindi na agad ako nagtaka ng malaman ko na may Austin sa pangalan ni Casper. At bakit hindi ko man lang naalala nung tinawag niya na akong Eya.
Tulala lang ako dito sa kwarto ko na hindi ko man lang napansin na kanina pa andito sa kwarto ko si Renzo at nakatingin sakin.
"Oh, bakit nandito ka na naman?" tanong ko sa kanya.
"You really seem affected when it comes to him." he said na nakapagpatigil sa'kin sa pag-iisip ng kung ano ano.
"Sino ba naman kasi ang hindi magiging affected ng malaman ko na siya pala yung unang taong cinonsider ko na kaibigan ko before." sabi ko naman sa kanya.
"Yun nga lang ba?" binato ko naman siya ng unan dahil kung ano pa ang naiisip niya.
"Oo yun lang!" wala naman ng iba pa e. Ano pa ba dapat ang maging dahilan para maging affected ako dahil sa kanya.
Hindi na ako kinulit pa ni Renzo at iniwan na ako dito sa kwarto ko. All this time I'm pushing away the first person who become my friend. The first person who play with me other than my brother and cousins.
Maaga akong nagising ng may manggulo ng tulog ko and to my surprise it's Zaira. Himala at nagkaoras na siya ngayon.
"Ano ba naman Zai, kung kailan gusto ko na lang mahiga ng magdamag doon ka naman walang lakad." sabi ko at tinalukbong ulit yung comforter sa'kin.
Gusto ko na lang talaga na matulog buong araw sa takot na baka pag lumabas ako makita ko si Casper at pagsisihan ko yung ilang beses kong pagtulak sa kanya palayo.
"Renzo called me a something is bothering you again kaya talaga nagclear ako ng schedule!" inalis ko naman yung kumot at ngumiwi sa kanya na napakalaki naman ng ngiti sa'kin.
"Kung makaclear ka naman ng schedule akala mo ang daming ginagawa, wala ka naman ng ibang ginawa kung hindi makipagdate sa jowa mo." sabi ko sa kanya at natawa naman siya pero natigil din agad at tumitig lang sa'kin.
"Is it about Casper again?" tanong niya at napahinga na lang ako ng malalim doon.
"I'm trying to understand na talagang takot ka lang talaga na magpapasok ulit ng tao sa buhay mo dahil baka iwan o balewalain ka lang. Pero kaya nga nauso ang salitang risk di'ba? Hindi habang buhay kaya mong pigilan yang sarili mo Raffy, dahil kahit anong gawin mo meron talagang taong dadating sa buhay mo at meron ding aalis at kung umalis man isipin mo na lang na at least you took the chance and risk. Hindi habang buhay matatakbuhan mo ang masaktan." Natigilan naman ako.
Zaira is good at it. Giving people advices na makakapagpagising talaga sa sistema mo. Sometimes you will be offended and hurt at her words but later on you will just realize that she's just trying to wake you up from your thoughts.
She is making you figure out kung ano ba talaga ang dapat mong gawin. She will not tell you what to do but she will say something na makakapagsabi sayo kung ano ba talaga ang dapat mong gawin.
No wonder Gray fall in love to her. What a wonderful girl she is.
"Hindi naman na yun e," sabi ko sa kanya at umayos na ng upo sa kama ko.
BINABASA MO ANG
Stay With Me Then (Then Series #4)
Teen FictionRaffy Eya Rheinford is a woman who is not easy to be with. A girl with a barrier on herself. She like pushing people away because she is scared to be attach. For her the people around her is enough, her cousin and her friends. But what if he came...