Chapter 27

406 13 0
                                    

Chapter 27

Help

The whole day I am just staring at Austin because I really don't understand him. Is that a sign na he will leave me or what? Kasi kung oo talagang hindi ko alam ang magagawa ko sa kanya pag nagkataon.

But he told me that he will stay. He promised me. Yun ang kailangan kong panghawakan. But I really don't understand yung sinasabi niyang pag may nagbago. Ano bang magbabago? What we have? Alam ko naman yun dahil dadating talaga sa point na may magbabago sa'ming dalawa but not to the point that our friendship will be affected.

"How's your gala?" Lola Zadria ask ng makapasok kami.

"Fine, but can I rest now?" I ask at tumango naman si Lola. Hindi ko na pinansin pa si Austin at umakyat na lang.

Austin is the only one who can make me feel all the emotions na hindi ko pa naman nararamdaman noon. I am not selfish in fact I can sacrifice for the people important to me. But to Austin. I want to be selfish.

Yung gusto ko siyang ipagdamot sa mundo para hindi niya ako iwan. I know that it's not good dahil hindi ko siyang pwedeng ipagdamot dahil katulad ng pinangako ko sa kanya. I will be one of his supporter. Hindi ko siya pwedeng ipagdamot. I need to support him whatever happens.

I can't sleep kahit anong gawin ko that is why I decided to go to Austin's room to talk to him. Like what I used to do hindi na ako kumatok at pumasok na lang and there I saw him peacefully sleeping already.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa gilid ng kama niya. May buhok na tumutusok na sa mga mata niya kaya inayos ko yun. I can say that being friend with Austin is one of the good decision that I've made.

Letting him enter my life, that is one of the great decision. Ang papasukin siya sa buhay ko. Pero paano kaya kung hindi niya matupad yung sinabi niya he will stay. What will I do?

I am just staring at him when his phone vibrated kaya nagbukas yun at nakita kong yung wallpaper niya is stolen picture ko sa Brooklyn bridge kanina. Nakatalikod ako sa kanya sa picture. Napangiti na lang ako dahil doon.

"Hindi ka ba magsasawa sa mukha ko niyan?" tanong ko at natawa na lang.

Lumabas na lang ako ng kwarto niya at bumalik sa kwarto ko at pinilit na lang na matulog.

"Where's Casper?" I ask Lola Zadria ng makababa ako. Kakagising ko lang at yung guest room agad kung saan nakastay si Austin ang pinuntahan ko pero wala naman siya at hinanap ko na din siya sa buong bahay wala pa din.

"He told us na puntahan mo na lang daw siya doon sa lugar kung saan ka niya unang beses nakitang kumanta." Inisip ko naman agad kung saan yun at doon ko naalala yung bahay na pinuntahan namin nila Zaira dahil pinagperform niya si Gray kaya nadamay ako.

I still don't know kung kaninong bahay yun pero alam ko pa naman kung saan yun kaya nagready na lang ako after kumain at nagpahatid na lang sa driver papunta doon.

Tinawagan ko si Austin but he's not answering me kaya nagdoorbell na lang ako. Bakit ba naman kasi iniwan niya ako kung papauntahin niya din naman ako.

"Raffy!" It was Michael who open the gate for me at pinapasok ako.

"Si Austin?" tanong ko.

"Inside, busy on something." He said at nginitian ako at nauna ng maglakad kaya sumunod na lang ako.

And when I enter the house nandoon din si Brian at Marco na may sarili mundo but what caught my attention is Austin playing drums at parang walang pakialam sa paligid niya. And then it hit me kaya pala hindi sinasagot ang tawag ko. Austin is like that whenever he will do something he love hindi mo talaga siya magugulo.

Stay With Me Then (Then Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon