Chapter 34

428 7 0
                                    

Chapter 34 

Rheinford 

"Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya ng abutan niya ako ng tubig. Huminga muna siya ng malalim bago sumagot. 

"Because I know how vulnerable you are when it comes to your family. At damay din si Hannah." he said and because of that doon ko na naman naalala yung nasa news. "Kaya kahit na alam kong ayaw mo kong makita. I still rush here to check on you." he said and I don't know but that make me smile. 

"Sigurado ka bang ayaw kita makita?" tanong ko sa kanya at mabilis naman siyang tumango sa'kin kaya natawa na lang ako. "Mali ka, I wanted to see you." I said at nagulat naman siya doon pero later on ngumiti na lang din sa'kin. 

"Alam ko naman yun." he said kaya inirapan ko na lang siya at uminom ng tubig. 

"But first I need to deal with Hannah." I said. She is my friend and I am willing to listen to her reason kung bakit sinisira ng pamilya niya ang pamilya ko. 

Drake will be another disappointment to the Rheinfords dahil sa nangyayari. We don't want Drake to feel that way. At pag nalaman pa 'to ni Zaira lahat baka dahil sa galit niya hindi na siya makinig sa kahit sino sa dalawa. 

"Raffy, we need to go to Drake. They are all be there and the fucker is not answering my calls." sabi ni Renzo kaya tumango ako sa sinabi niya at sinabing mag-aayos lang ako. 

"Aalis na ako ah, tawagan mo na lang ako." Austin said at tumango naman ako sa kanya at ngumiti lang naman siya. 

I need to deal with this with my family hindi siya damay dito. 

After getting ready mabilis na kaming sumakay ng kotse ni Renzo at mabilis pumunta ng bahay nila Drake. I also tried calling Hannah but she is not answering. Namessage ko na din because I really need to talk to her. Dahil baka pag lalo pang nagtagal hindi ko na siya pakinggan pa. 

"Call Irene." Renz said kaya napatingin naman agad ako sa kanya. "Mas close sila di'ba?" he ask at tumango naman ako dahil tama naman siya. 

I dial Irene's number at buti naman sinagot niya. 

"Hello, Raffy?"

"Irene, did Hannah call you?"  

"No, why? Anong meron?" Mukhang pati siya wala pang alam sa nangyayari. 

"Check the articles and call me if that Hannah calls you! She should be explaining to me right now! Dahil handa pa akong makinig pag dumating sa point na hindi ko na siya kayang pakinggan hindi ko na alam ang mangyayari! Masisira na naman si Drake sa pamilya namin dahil dito, Irene!" I said at binaba na yung tawag. 

"Calm down right there." My twin said. 

"Paano pag nalaman ni Zaira 'to? Sa tingin mo ano pwedeng mangyari?" Mabilis na tanong ko sa kaniya. 

"Malalaman niya talaga." he said kaya napailing na lang ako. 

Nang makarating kami sa bahay nila Drake kompleto na sila even Kuya Zairon na nasa phone niya yung atensyon dahil sa dami ng tawag na natatanggap niya. 

"The investors are calling me nonstop!" Huminga ako ng malalim at tumakbo na paakyat ng kwarto ni Drake at naramdaman ko namang nakasunod na sa'kin si Kuya Zairon at Renzo. 

"This fucker, ang sarap ng tulog niya samantalang tayo hindi na mapakali dito!" Kuya Zairon said at kinatok ng kinatok yung pinto ni Drake. 

"Ako na nga!" sabi ko at ako na ang kumatok at napahinga na lang ako ng malalim ng nakita kong kakagising pa nga lang ni Drake. 

Stay With Me Then (Then Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon