Chapter 23

429 8 1
                                    


Chapter 23

Sweet

Hindi kami agad pinaalis ng parents ni Casper at sinabing sumabay na daw kami magdinner sa kanila kaya wala na kaming choice. Alam naman ni Mommy na sasabay ako kay Casper kumain ng dinner tonight. 

Ewan ko ba naging gawain na namin ni Casper kumain ng dinner thrice a week ng sabay at talagang ang dami naming nakakain dahil hahang nasa kotse may pagkain din kami at kung saan-saan na kami nakarating para lang kumain sa nakalipas na buwan.

"Ang kapal naman ng mukha mo! Hindi ko pinatakbo bar ko para makainom ka ng libre!" Napatakip na lang ako sa tenga ko dahil sa sigaw ni Austin.

Kanina pa sila walang tigil sa pagtatalo. Dahil si Austin nga mahilig yang mang-asar pero once na siya na ang inasar galit na galit. At pag siya na din ang kinulit talagang makikita mo paano siya magalit.

"At bakit? I'm your brother. Di'ba dapat enough na reason na yun para libre ako." Napailing na lang ako dahil mas mukhang bet ko pa yung Calix na hilig awayin si Austin.

But maybe Calix is like that dahil ganyan naman na sila noon pa. And maybe he just miss hanging out with his brother at ayaw niya lang ipahalata.

"Mga kaibigan ko nga pinapapabayad ko, tapos ikaw libre lang." Napatango na lang ako sa sinabi ni Austin.

Kaya yung mga pinsan ko at si Gray tuwang tuwa pag nanglilibre si Casper e. Dahil kahit na kaibigan sila ng may-ari at araw araw silang nandoon in the end papabayadin pa din sila ni Casper.

"Even her? She is your friend at madalas siya sa bar mo. You are also asking her to pay?" Tinaasan ko naman ng kilay si Austin ng tumingin siya sa'kin at bago pa siya makasagot ako na ang sumagot.

"No, I'm not paying why would I pay kung yung may-ari ang nagpapapunta lagi sa'kin doon. Yung mga iniinom ko doon bayad na yun sa effort ko." I said kaya napangiwi na lang si Casper sa sinagot ko at hindi na nakipagtalo ng sabihin na ready na yung dinner.

Magkatabi kami ni Casper at kaharap ko naman yung kapatid niya at kaharap ni Casper ang Mom niya while his Dad is at the center.

"Your gift is already at your condo's parking. Your brother bought it." Tita Andria said.

"And what was that?" Napairap na lang ako. My god naman Austin. Obvious na kaya nga nasa parking e syempre kotse.

Daig pa elementary jusko. Mukha talaga akong may alagain na bata hindi kaibigan.

"Austin, nasosobrahan ka na ata sa alak uminom ka nga ng gatas at mag-aral ka ulit. Kaya nga nasa parking ng condo. Ano bang regalo ang nasa parking. Of course a car." sabi ko. Para akong nasasapian ng ugali ni Zaira ngayon.

Ganito lang naman ako kay Austin 'e hindi sa ibang tao sa ibang kaibigan ko. Mas gusto ko lang talagang barahin si Austin. Maybe because I can be myself the most pag siya ang kasama ko. Dahil pag yung nga girls na ang kasama ko I need to act mature in thinking for them even if I'm not good at it.

"Eya, kanina ka pa! Trip mo ba ko?" tanong niya at tumango na lang ako. Nagtawanan yung parents ni Casper because of that. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain ko kahit na ang sama ng tingin sa'kin ni Austin.

"Are you just really friends? You look like a couple in my eyes." Muntik na akong mabulunan sa sinabi ni Tita Andria at ganun din si Casper. Mabilis naman akong umiling.

"Friends lang po talaga, hindi ko po type anak niyo." I said and that makes Calix laugh.

"Seems like you are fuck up now, brother." Calix said while looking at Casper and as usual sinamaan niya lang ng tingin yung kapatid niya.

Stay With Me Then (Then Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon