Chapter 12

486 13 0
                                    

Chapter 12 

Protective 

"Sure ka okay ka lang dito? Anong oras na kaya!" I look at Zaira and nod. Nandito kasi kami sa school and Gray is already in front of us pero si Zaira ayaw akong iwan. 

"Casper will pick me up, Zai. Ano ka ba!" sabi ko sa kanya. 

"Panigurado nakalimutan na naman nun na susunduin niya ako. And I'm sure that as of the moment pinapalipad na nun sasakyan niya." sabi ko at tumawa pa sa naisip kong itsura ni Casper sa pagmamadali. 

It's been weeks since Casper and I become friends and he always picks me up kaya hindi na ako nagdadala ng sasakyan. Pero may time talaga na nakakalimutan niya na susunduin niya ako dahil sa sobrang busy niya sa bar. 

I remember one time talagang nakalimutan niya na susunduin niya ako at nagising na lang ako na nasa condo na siya at walang tigil sa kakasorry sa'kin. Sinabi niya pa nga na halos paliparin niya na daw yung kotse niya and when he arrived wala na daw ako. Aba syempre dalawang oras akong nag antay sa kanya ano expect niya dagdagan ko pa. 

"Are you sure Raffy? The fucker is not answering." Gray said at pinakita pa yung phone niya. Tumango naman ako doon. 

"Okay fine, just call me pag hindi pa talaga dumating yun, ako na susundo sayo." sabi niya at inirapan ko lang naman siya. Susundo baka nga ako pa ang maunang umuwi sa kanya dahil panigurado na may biglaang lakad na naman silang dalawa. 

Umalis na yung dalawa at ako nandito sa may waiting shed sa tapat ng university nag-aantay. Kahit gusto kong tumambay sa office ni Mommy dahil may aircon doon mas  pero pinili ko na lang na hindi dahil sobrang layo pa nun at nakakatamad. At baka sarado din yun because Mom and Dad is in a trip. Lagi nilang ginagawa yun a month. Minsan kasama kami pero dahil nga malapit na ang graduation mas dumadami ginagawa namin ni Renzo kahit na magkaiba kami ng course. 

I was about to call Casper ng may biglang tumigil na sasakyan sa harap ko and alam ko na agad kung sino ang may-ari niyan. Napairap na lang ako at tumayo. 

"Eya!" sigaw ng kupal ng makababa siya ng sasakyan niya. 

"What?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya at halos lumuhod na siya sa harap ko. 

"Sorry, may nag-away na naman kasi sa bar yung isa naospital pa inayos ko pa. Sorry na please," sabi niya while holding my hand too tight. 

"Sinabi ko bang mag explain ka?" tanong ko sa kanya at umiling naman siya sa'kin while pouting his lips. Napailing na lang ako ag sinenyasan siya na buksan yung kotse niya. 

"Hindi pa ako kumakain, Eya." he said habang yung mata nasa daan. 

"So? Ano gagawin ko?" tanong ko kahit na alam ko naman na kung ano ang pinapahiwatig niya sa ganyan niya. 

For a weeks being Casper Austin Villanueva's friend halos lahat nalalaman ko na tungkol sa kanya. Halos mabasa ko na kung anong klaseng ugali ang meron siya at kung paano umiikot ang utak niya. 

"Cook for me, please! sabi naman ni Gray may date daw sila ni Zai e kaya wala kang kasabay kumain sa condo niyo." Huminga na lang ako ng malalim habang nakapikit at tumingin sa kanya. 

"Ikaw ba sumasagot ng grocery namin sa condo?" tanong ko sa kanya kaya napanguso na naman siya. 

Lagi na lang kasi si Casper bigla na lang susulpot sa condo namin ni Zai at makikikain. Kung hindi naman magpapaluto sa'kin dahil gutom na gutom na daw talaga siya. 

"Edi ako na sasagot, basta ba lulutuan mo ko lagi e." Napangiwi na lang ako doon at hahampasin na sana siya ng bigla siyang umiwas kahit hindi pa naman tumatama yung kamay ko sa kanya. 

Stay With Me Then (Then Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon