Chapter 21
Family
"Kaya ka umiiyak?" tanong ko sa kanya at tumango naman siya.
This is the first time that I saw him crying at nakakatawa lang talaga yung dahilan niya. Ganun siya kaaffected sa nangyari sa'min kagabi. Hindi naman ako nagalit kasi nainis lang magkaiba yun.
Ayoko lang talaga na pinapamukha niya sa'kin na mahina ako dahil hindi ako mahina. Kung kikilalanin mo kami ni Zaira sobrang magkaiba ang ugali na meron kami.
Zaira is a soft inside but in the outside she is good at being brave na katatakutan talaga ng lahat pero inside her she is a woman who easily cries and whines.
While me I'm brave inside and out. Hindi ko lang kayang humarap ng buong tapang dahil pati sa loob ko matapang ako. I don't easily cry depende na lang kung talagang napuno na ako o kaya inis na inis na ako.
"Sino ba naman kasi hindi ka tatakbuhan pag nainis sayo, sige nga!" sabi ko sa kanya at inilayo na siya sa'kin dahil baka masampal ko pa siya.
"Natakot lang naman kasi ako nun 'e, na baka dahil sa tapang mo at sa bunganga mo mapahamak ka pa!" sabi niya at nawala na sa mukha niya yung maamong tuta na nakita ko kanina at umiyak lang sa harap ko.
He is good at that changing his expression in a snap. At ang pinaka ayoko yung makikita ko siyang nakangiti at tumatawa then later on I will see his cold expression na kahit sino hindi siya kayang malapitan sa sobrang tahimik.
"Kung ayaw mong magkaganun ako wag mo ipapakita sa'kin mukha ng kapatid mo dahil sa kanya lang talaga nagdidilim paningin ko! Casper always remember that I am your friend here and siguro naman kilala mo na ako di'ba? If some of you are in pain then I will too. I will share the pain. Pag ginagago kayo parang pati ako ginagago na din. Sana maisip mo yan." sabi ko at tinalikuran na siya para bumalik ng table ko.
Hindi nakapagsalita si kupal.
"Eya..." he called me kaya tumingin ako sa kanya pero hindi naman siya sa'kin nakatingin kung hindi sa sahig dahil nakayuko lang siya.
"What? Mukha ka na namang inaway diyan hindi naman kita inaaway." sabi ko sa kanya at sumandal sa swivel chair ko.
"Hearing those words from you is slowly becoming different now." he said with low voice na narinig ko pa din naman.
"Huh?" umiling lang siya sa'kin at mabilis na nagpaalam. Ganun lang yun? Maaga siyang gumising para puntahan ako dito sa hotel at umiyak tapos biglang alis.
I tried calling him after my work pero hindi niya sinasagot yung tawag ko. Naisip ko na lang na nasa bar yun pero usually naman nasasagot niya tawag ko kahit nasa bar pa siya.
"Uuwi na po kayo, Ma'am?" tanong ng isang staff ng hotel at tumango naman ako sa kanya.
"Wala po ata si Sir Casper ngayon?" Ngumiti na lang ako sa kanya. Usually kasi nakikita niya si Casper pag uuwi ako dahil siya nga yung naka assign na maglinis ng office ko kaya nakikita niyang sinusundo ako ni Casper.
Nakarating na ako ng parking at naisipan kong puntahan ang magaling kong pinsan at sana wala silang lakad ni Gray ngayong gabi. Lagi na lang kasi buti nga hindi nagsasawa sa isa't-isa yung dalawang yun.
"Raffy, you're here!" Bati sa'kin nila Tita Gab ng makapasok ako ng bahay nila.
"Si Zaira, Tita?" tanong ko at sakto namang bumaba si Zaira na bihis na bihis.
"My bescouz, you're here! I thought you are with Casper." she said and kiss my cheeks.
"Kakaalis ko lang ng hotel." I said at tumango naman siya.
BINABASA MO ANG
Stay With Me Then (Then Series #4)
Teen FictionRaffy Eya Rheinford is a woman who is not easy to be with. A girl with a barrier on herself. She like pushing people away because she is scared to be attach. For her the people around her is enough, her cousin and her friends. But what if he came...