Chapter 20

471 13 2
                                    


Chapter 20

Scared

Two weeks had past at buti na lang talaga hindi nagkukrus ang landas namin ng Calix na yun. Dalawang linggo na din akong kinukulit ni Austin kung ano nga daw ba ang nangyari sa'kin that time pero sinusungitan ko lang siya. 

I also deleted that message hindi ko lang alam sa mg sumunod pa dahil sigurado akong may pinagsasabi pa yun kay Casper kaya ilang beses ding wala sa mood si Austin. 

"Seryoso Eya? Wala lang? Kaya parang galit na galit ka nun?" Pangungulit na naman ni Casper habang nagluluto ako. Pinapunta niya ako dito sa condo niya at lutuan ko daw siya. 

Akala mo cook niya ako kung makautos e pero hindi ko din naman siya matiis lalo na at mukhang sawang sawa na siya sa fastfood at noodles na kinakain niya. Akala mo naman hindi madalas sa bahay namin at nakikain. 

"Bakit ba gusto mo pang malaman? Ilang linggo na Austin jusko naman! Buwan na nga 'e." sabi ko sa kanya. Nagpipigil na lang ako dahil baka mahampas ko siya ng sandok. 

Yan yung nakakainis kay Austin e. Hindi siya titigil kakakulit sayo hanggang sa makuha o marinig niya yung gusto niyang marinig. 

Kaya nga naging magkaibigan kami e'. Dahil sa kakulitan na meron siya. 

"Yun nga 'e, but in those past weeks you are weird!" sabi niya kaya napatingin naman ako sa kanya. 

Totoo naman kasi ang sinasabi niya. In those times sinasaktan ko na si Calix sa utak ko. Sa ganito kasi ang ugali ko e. I'm protective pagdating sa mga mahahalagang tao sa'kin. And those words coming from Calix talagang kumulo ang dugo ko. 

Akala mo kung sino na siyang magaling. Sa kanilang dalawa si Casper ang mas dapat ipagmalaki. Because at a young age natutunan niya ng tumayo sa sarili niyang paa without asking for money sa mga magulang nila. At hindi umaasa sa negosyo ng pamilya niya. 

"Casper, talaga bang magkadugo kayo ni Calix?" tanong ko sa kanya at binitawan yung sandok na hawak ko at humarap sa kanya. 

"Sabi na nga ba 'e. Anong nakita mo?" tanong niya sa'kin pero iniwas ko lang yung tingin ko sa kanya. 

"Wala, nakakadilim lang talaga ng piningin si Calix." sabi ko at haharap na lang sana ulit sa linuluto ko ng hawakan niya yung balikat ko. 

"Eya, sanay na ako sa mga sinasabi ni Calix, dahil paulit-ulit lang lahat ng yun. Kabisado ko na yun at hindi na ako naapektuhan doon." sabi niya kaya mabilis kong inalis yung kamay niya sa balikat ko at hinampas siya ng sandok. 

"Aray ko!" daing niya habang hawak yung ulo niya na hinampas ko. 

"Porket sanay ka na, hahayaan mo na lang? What the freak, Austin! That bullshit is too much! Anong akala niya siya na ang pinakamagaling at pinakamabait na anak sa mundo? You are better than him Austin, remember that! Dahil diyan sa sinabi mo pati sayo nagdidilim paningin ko!" Inis na sabi ko sa kanya. 

Ganun na lang yun? pag sanay na hahayaan na lang. Hindi naman ako makakapayag ng ganun. Walang tao ang dapat sabihan ng mga masasakit na salita. Dahil kahit pa na sanay ka na sa mga naririnig at nararanasan mo hahayaan mo na lang dapat may ginagawa ka. 

"He's the oldest pero yung utak niya pang 5 years old! Ang childish niya ah!" sabi ko at si Casper naman nakatitig lang sa'kin habang hawak pa din yung ulo niya. 

"Ano? Kaya sinasabi ko sayo Austin, wag mo hahayaang magkrus ang landas namin ni Calix dahil hindi mo talaga alam magagawa ko. Hindi mo talaga alam!" sabi ko and I suddenly remember everything I learn from Ate Chloe. 

"You are scary." sabi ni Casper at parang nagpapacute pa sa'kin kaya inirapan ko na lang siya at tinuloy na yung ginagawa ko. 

Dinadamihan ko na kasi yung luto ko para yung tira ilalagay niya na lang sa ref at siya na ang bahala na mag microwave. Hindi na ako kinulit pa ni Casper hanggang sa makakain kami. Hindi muna ako umuwi  at naisip na manghiram ng laptop kay Casper dahil may panonoodin ako. Nasa kanya kasi yung TV e nanonood ng basketball. Gusto ko movie pero hindi ko naman makausap dahil yung mata nakadikit na ata sa pinapanood niya. 

Stay With Me Then (Then Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon