BAGO pa ako mawala sa ulirat umiwas ako ng tingin sa kaniya.
At tinuon ko ang pansin sa pagkain ice cream na malapit ng malusaw.
Tumayo si Ramile sa harap ko hindi ako tumingin sa kaniya.
"Ubos mo na ang ice cream?" Tanong ko ng hindi ito binibigyan ng tingin.
"Oo naman." Sagot nito.
Nagsimula na siyang maglakad kaya sumunod ako sa kaniya kahit hindi pa ako yaring kumain ng ice cream.
"Nako, kayong dalawa gumawa pa kayo ng eksena para makapag-date." Boses ng isang babae. Napalingon si Ramile samantalang ako walang balak lingunin ito.
"Pinalabas kami kaya lumabas na lang kami. Teka maaga bang nag-dismiss si Professor?"
Lumingon ako. Tanda ko ito isa siya sa mga kaklase namin.
"Ganon na nga kaya bumalik na kayong dalawa sa classroom." Sabi nito. Habang tinitingnan niya si Ramile umaamo ang mukha nito at kapag bumabaling ng tingin sa akin ay halos maduling ito sa pag irap sa akin.
Ano ba ang problema niya? May gusto ba siya kay Ramile? Halata kasing nagseselos siya.
"Narie, tara ng bumalik." Sabi ni Ramile at nagsimula ng maglakad kaagad naman siyang sinundan nung babae, hindi ko tanda ang panagalan niya. Maganda ito, may mahabang buhok, may mga singkit na mata maganda rin ang paraan niya ng pagngiti.
Nasa likod nila ako habang naglalakad sila. Ayokong sumabay pa sa paglalakad nila kasi baka magalit pa sa akin yung babae.
Nakarating na kami ng classroom at balik na naman ako sa normal kong buhay walang kausap at nakatingin lang sa labas ng bintana.
Na tapos ang klase at matamlay akong lumabas ng classroom ng bigla kong matanaw sa di kalayuan si Lyn at Jazmin na nakalilim sa ilalim ng puno. Kumaway-kaway sila sa akin kaya lumapit ako sa kanila.
"May swimming trunks at rush guard kaba?" Tanong agad ni Jazmin ng makalapit na ako sa kaniya.
Hindi ako makasagot dahil sa tanong sa aking isipan. Ano ang gagawin namin sa swimming trunks at rush guard?
"Para saan ba natin gagamitin iyon?" Tanong ko.
"May training tayo." Tipid na sagot ni Jazmin at si Lyn ay tumatango lang bilang pag sang-ayon.
Swimmer ba kami? Ay hindi, hindi. Archers kami kaya bakit namin kailangan ang swimming trunks at rush guard?
"Lalangoy ba tayo?" Tanong ko sa kanila at tumango naman sila.
"Wala ba kayong ganoong exercise? Kasi bago magsimula ang pinaka training namin nagsi-swimming kami kasi bukod sa jogging whole body exercise ang paglangoy maganda rin iyon para sa lungs natin at para makontrol din natin ang paghinga natin. Sa laro kasi diba kinakabahan tayo?" Paliwanag ni Lyn.
tumango-tango na lamang ako. Pero teka nga pala wala naman akong dalang pang-swimming.
"Siguro naman kahit anong short at t-shirt naman puwede?" Tanong ko sa kanila.
"Hindi puwede, tatlo ang rush guard ko at may dalawa akong swimming trunks papahiramin na lang kita." Sabi ni Lyn.
At hinila na nila ako pabalik ng dormitory para makapagpalit at makapunta na sa pool.
Binalot ko ng tuwalya ang baywang ko at pababa kasi masyadong hapit at maikli ang swimming trunks na nahiram ko. Pagkadating sa pool wala pang tao kaya binabad muna nila Lyn at Jasmin ang mga paa nila sa tubig sa pool kinuha ko ang hindi kaikliang short sa bagpack na dala ko at ipinatong ko sa swimming trunks.
BINABASA MO ANG
Right Decisions
FantasyMeet Narie Garcia an archery player but an introvert person. Who made a wrong decision that changed her life and ended up in a dangerous situation. But because she is a good person her fairygodmother gave her another chance. To decide again and whe...