"NARIE kunin mo yung pana mo." Utos ni sir Lito. Ito na ang huli naming training dahil bukas aalis na kami papunta sa Regional meet tapos hindi pa niya na tune ang pana ko. Pero ayos lang sa akin yun. Kasi ako nalang nagpihit sa pana ko para kahit pa paano gumanda ang lipad nito.
Pagkaabot ko ng pana ko kay sir Lito pinihitan niya ito.
"Magshoot ka." Utos nito.
"Sir ipapaayos ko po muna kila Ervin yung target batt na ilipat sa 30 meters." Sabi ko rito. Kasi kapag nagtotono ng pana kailangan nasa short range lang.
"Hindi dyan kana magshoot." Sabi nito. Gusto ko sanang magreklamo pero sumunod na lang ako. Nasa 70 meters ang target batt tapos pinihitan niya yung pana ko? Puwedeng hindi tumama ang bala ko masyadong malayo ang 70 meters kaya sobrang laking apekto nito sa tirada. Ano bang balak niya sa'kin.
Nagshoot ako ng isang bala. At gaya ng inaasahan hindi tumama. Hinayaan ko na lang tinulungan ako ni Rachelle, Ervin at Lawrence sa bala ko buti naman agad naman itong nakita ni Ervin.
"Nagtataka na talaga ako kay sir Lito bakit niya itotono ang pana mo sa long range? Balak ba niyang masira mo ang mga bala mo? Wala naman siyang ipapalit nagagamitin mo kapag nasira." Sabi ni Rachelle habang pabalik kami sa shooting range.
"Ngayon lang ako nakakita ng ganito. Mas mainam pang wag na lang rin niyang itono ang pana ko." Dagdag pa ni Ervin.
Ang daming tanong sa utak ko. Pero mas pinili ko nalang manahimik. Tinono nga ni sir Lito yung pana ko sa 70 meters pero parang pumangit pa ang lipad ng bala ko nung pinihit niya. Tapos paano sa short range? Kung sa 70 meters niya tinono ang pana? Sisirain ba niya ang laro ko? Pinag-eeksperementuhan ba niya ako?
"Kailangan putulin pa ang bala mo." Sabi ni sir.
"Allia, Francis putulin niyo yung bala ni Narie mga hanggang dito." sabay turo nito.
"Okay na yung pana mo tapos sila Francis na yung magpuputol kunin mo nalang sa kanila bago maglaro. Yung dati mo nga palang mga bala kinuha ko na muna para bawas na sa sikip ng arrow tube." Tumango na lang ako rito.
Natapos ang araw. Okay naman na yung lipad ng bala ko nung hindi niya pinihit pero gumulo hindi ko mapaggroup yung mga bala ko parang hindi naman niya inayos parang ginulo lang. Bahala na nga. Idadaan ko nalang sa bawat pagrelease ko ng bala at tatatagan ko na lang ang bow arm ko.
NAGISING ako ng tumunong ang cellphone ko may nagtext galing kay Oliver it's 11:45 in the evening when he text me.
'Lalaban ka? Isang linggo. Hahayaan mo akong kumain mag-isa sa lunch? Kapag umalis ka ibang Oliver na ang babalikan mo.
Ano ba ang isinabi niya? Anong trip ni Oliver? Alam kong isang linggo yung competition pero bakit niya sinasabi niya ito? Ilang oras na lang ay pupunta na kami sa competition.
'Akala ko naiinitindihan mo na? Isang linggo lang iyon Oliver. Babalik din naman ako tapos makakasabay mo na ulit akong maglunch. :)
Wala pang limang segundo ay nagreply na siya.
'Iiwan mo lang din pala ako.
'Kapag umalis ka...
His replied.
Hinihintay niya ako kapag may training kami totoong pagsuporta ba ang naramdaman ko sa kaniya?
'O ano gagawin mo kapag pumunta ako sa competition?
Pabitin pa kasi puwede namang sabihin na lang niya agad. Siguro pinagtitripan ako nito.
'Kapag umalis ka wala ka ng babalikang Oliver.
BINABASA MO ANG
Right Decisions
FantasyMeet Narie Garcia an archery player but an introvert person. Who made a wrong decision that changed her life and ended up in a dangerous situation. But because she is a good person her fairygodmother gave her another chance. To decide again and whe...