NGAYON ang simula ng two weeks training namin para sa nationals. Excuse muli kami sa klase. Pero dahil mas marami kaming exercise na ginawa ng mga nakaraang linggo ay ang pagtutuunan naman namin ay ang shooting.
Sa dalawang linggo na iyon ang lagi namin hawak ay ang bow at arrows namin.
6:30 na ng umaga. Naglalakad na ako papunta sa range nang may makita akong dalawang lalaki. Sinusuntok ng isang lalaki ang kasama niyang lalaki. Medyo madilim pa kaya lumapit ako sa kanila.
Namukhaan ko ang isang lalaki si Wencel ang sumusuntok sa lalaki. Napayuko ang lalaki dahil sa pagkakasuntok sa kaniya ni Wencel at kaagad din namang tumingin dito. Ang lalaking sinuntok ni Wencel ay si Ramile. Paamba na muli nang pagsuntok nang tumakbo ako palapit sa kanila.
"Tama na iyan!" Sigaw ko. Natigilan si Wencel at hindi tinuloy ang paamba nitong pagsuntok. Agad kong inalalayan si Ramile na makatayo, agad namang umalis si Wencel.
Dumudugo ang ilong ni Ramile at labi nito. Agad kong kinuha ang panyo sa aking bulsa at pinunasan ito. Hindi ko mapigilan hindi mapaluha, bakit siya sinaktan ni Wencel? Dumudugo pa ang labi niya. Kung hindi ako dumating baka mas malala pa ang inabot niya.
"Bakit ba umiiyak ka? Ikaw ba ang nasuntok?" Tanong ni Ramile.
"Kasi nasaktan ka." Sagot ko rito.
"Nag-aalala kaba?" Tanong ni Ramile.
"Puwede ba wag ka munang magsalita mas lalo pang dumudugo ang labi mo." Sabi ko rito.
Natigilan ako ng hawakan ni Ramile ang aking kamay.
"Maliit na galos lang ito. Kaya wag kanang umiyak punasan mo nga ang sipon mo." Agad kong tinakpan ang ilong ko.
"Wala naman. Malapit pa lang." Sabi ko rito.
Tumayo si Ramile at agad akong inalalayan.
"Ngayon ang simula ng whole day training natin. Dapat galingan pa natin ng husto." Sabi nito.
"Bago tayo pumunta sa range pumunta muna tayo ng clinic." Sabi ko sa kaniya. Kailangang malinis ang sugat niya. Hinawakan ko ang braso niya at hinila siya patungo sa clinic.
Narito na kami sa clinic at nililinis na ng lalaking nurse ang sugat niya sa labi. Mabuti na lang at 24 hours na bukas ang clinic sa university.
"Nakipag-away ka siguro." Sabi nung nurse.
"Hindi po." Tugon ni Ramile.
Tumingin sa akin ang nurse.
"Babantayan mo ang boyfriend mo ng hindi nakikipag-away." Sabi nito sa akin.
"Ahh-- hindi ko po siya boyfriend." Sabi ko. Hindi ako pinansin ng nurse.
"Okay na ang sugat mo." Sabi ng nurse.
"Salamat po." Sabi ni Ramile. Tumayo na ako sa aking kinauupuan at lumabas na kami ng clinic ni Ramile.
Papunta na kami ngayon sa range.
"Ramile, ano bang pinag-awayan niyo ni Wencel." Tanong ko rito.
"Ikaw." Sagot niya.
"Ako?! Bakit naman?" Tanong ko kay Ramile.
"Sinasabi ni Wencel inagaw daw kita sa kaniya."
Sinuklay ni Ramile ang kaniyang buhok gamit ang kaniyang kamay."Boyfriend mo ba si Wencel para sabihin niya iyon sa akin?" Tanong ni Ramile.
"Wala akong boyfriend." Sagot ko kay Ramile.
Nababaliw na ba si Wencel? Sapat bang rason iyon para saktan niya si Ramile?
BINABASA MO ANG
Right Decisions
FantasyMeet Narie Garcia an archery player but an introvert person. Who made a wrong decision that changed her life and ended up in a dangerous situation. But because she is a good person her fairygodmother gave her another chance. To decide again and whe...