MAAGA akong gumising para hindi pumila o makisabay pa sa mga kateam ko sa paggamit ng comfort room dahil uubos pa iyon ng oras.
Kinuha ko ang cellphone ko. Wala pa rin ni isang text mula kay Oliver. Nagtext ako sa kaniya bilang pagbati ng good morning. Palagi ko siyang tine-text kung ano ang nangyayari sa akin at kung paano ako tratuhin ni sir Lito pero wala siyang reply. Alam niyang laro ko ngayon pero wala siyang paramdam talagang galit nga siya o baka naman busy lang siya sa pag-aaral tatawagan niya rin ako.
---
NATAPOS ang warm up. Kahit pa paano maayos naman pero kahit 30meters pa lang kita ang wagwag ng bala ko pagkarelease. Umupo kami saglit sa waiting area tinanaw ko si Rachelle inaayos hinihigpitan niya ang kanyang sight si Allia naman nakatayo at nakahalukipkip halata sa mga mata nito na handa na siya. Tumingin ako sa langit walang anumang ulap. Bahagya akong yumuko at pinikit ang aking mata.Lahat naman ng bagay na nagaganap ay may rason bahala na ang Panginoon tatapusin ko ang laban na walang magiging halong anumanag pangamba. Dumilat ako at tumingin sa target.
"Get ready archers in 1 minute we will start."
Tumayo na ang lahat ng kasali sa paligsahan. Masyadong maikli lang iyon kung kaya't nagsuot na ako ng bow sling at hinigpitan ang fingertab.
Maayos naman ang unang set ko ang perfect score per set ay 60 kapag anim na bala ang gagamitin. Nakakuha ako ng 55 sa unang set. Pero yung mga sumunod hindi na maganda kasi nahihirap na akong hanapin ang timing sa bawat bala dahil hindi naman ito magkakasukat.
Natapos ang 30meters at lumabas ang resulta nakuha ni Allia ang gold tapos mula naman sa South State University yung silver at si Rachelle ang bronze. Napangiti ako ng malaman kong nakakuha ng medal ang team namin mas lalo na sa parte ni Rachelle kasi given na nakakakuha ng medal si Allia. Magaling si Rachelle kaya nga lang nawawalan siya ng tiwala sa sarili. Tanaw ko ang ngiti ni Rachelle. Sinenyasan ko siya bilang pagbati.
Kahit anong mangyari tatapusin ko ang laro ng buong tapang kahit ano pa man ang maging resulta. Natapos ang 50meters medyo malayo na kaya mas lalong lumikod ang lipad ng bala ko kaya hindi naging maganda ang resulta. Nakuha ni Allia ang silver tapos yung nakakuha naman ng gold ay yung 4rth year college na taga South State University. Si Rachelle wala siyang nakuha pero tanaw ko ang ngiti niya alam kong hirap siyang hanapin ang saktong sight niya kapag malayo na kasi sobrang bumababa na ang sight niya. At ang resulta naman ng sa akin ay hindi pa rin naging maganda. Nag-ayos na kami ng gamit at sumilong na.
Dumating na ang coach namin na dala -dala ang aming lunch. Bumulong sa akin si Rachelle.
"Na pansin mo ba?" Bulong nito.
"Ang alin?" Pagtataka ko rito.
"Hindi man lang tayo tinitingnan ni sir Lito hindi ko tuloy alam puro miss na tira ko." Sabi nito.
Sa totoo lang pansin ko iyon malayo na ang kahit pa paano ang 50meters pero hindi man lang sinilip ni sir Lito ang bala ko kanina sa scope sa target ko. Kapag lumilingon ako sa likod ko walang sinuman ang nagsasabi kung saan ang pinupuntahan ng bala ko nakita kong hindi umalis si sir Lito sa likod ni Allia.
Sa totoo lang okay lang naman sa akin iyon. Sanay na ako. Mula noong high school kami ni Allia ganon naman na talaga ang kilos ni sir Lito hindi man niya sabihin kita na may pinapaburan o may paborito siya.
Kumain na kami ng lunch dahil isang oras nalang magsisimula na ang laban ng mga lalaki.
Kahit pa paano matutulungan namin tingnan ang mga tirada ng mga kateam namin na lalaki iyon nga lang gamit lang namin mata lamang kasi isa lang ang scope ng team namin. Hindi katulad ng ibang university na tag-isa may taga spot. Nakuha ni kuya Francis ang silver at yung taga East State University naman ang gold siya yung lalaking nakakita sa akin ng pagsalitaan ako ni sir Lito after practice shooting. Kahit paano kilala ko siya, Ramile Ocampo ang pangalan niya lumalaban na rin siya noon sa regional pero hindi nag qualified sa national tapos ngayon siya ang kumuha ng gold at taga East pa rin ang kumuha ng bronze si Troy Zafra naging crush ko siya noong unang beses kong lumaro sa regional meet. At ang iba naman naming kateam na lalaki walang nakuhang medal pero halata namang hindi mabigat sa loob nila ang nakikita kong kinasasama ng loob nila nakatuon lang din si sir Lito sa isang player kay kuya Francis lang.
BINABASA MO ANG
Right Decisions
FantasyMeet Narie Garcia an archery player but an introvert person. Who made a wrong decision that changed her life and ended up in a dangerous situation. But because she is a good person her fairygodmother gave her another chance. To decide again and whe...