Part 5

20 3 0
                                    

NATAPOS ang laro at wala akong nakuhang medalya. Kaagad naman kasi yung kabracket ko yung rank 1 na taga South State University hindi naman ako ang pinaka kolelat sa ranking pero kaagad siya ang nakatapat ko.

Pagabi na narito kami ni Rachelle sa labas nagpasama siya sa akin na bumili ng mga t-shirt pampasalubong tapos may mga nakakita sa kanyang lalaking na taga ibang school at nagpa-picture sa kaniya. Hindi kasi maitatanggi ang kagandahan ni Rachelle kahit dumaan siya sa harap ng mga babae mapapatingin kaya paano pa ang mga lalaki.

Sa wakas na tapos na silang magpapicture kaya naglakad na kami pabalik sa quarters bago pa lumalim ang gabi. Natanaw namin si Allia at kuya Francis sa may bench na di kalayuan sa room namin nag-uusap sila ngunit ng makita nila kaming padaan sa direksyon nila ay tila huminto sila sa kanilang pinag-uusapan.

Humiga na muna ako sa puwesto ko. Kinuha ko muli ang cellphone ko at gaya ng dati wala pa ring text message si Oliver.

"M-may sa sabihin a-ako sa inyo!" Sabi ni Ervin hingal na hingal siya at halatang seryoso ang sa sabihin niya.

"Ano ang sa sabihin mo?" Tanong ni Rachelle at umupo sa kanyang higaan. Dumating si Lawrence at inakbayan si Ervin.

"Ervin parang napagod ka yata saan kaba galing?" Tanong ni Lawrence.

Tinanggal ni Ervin ang pagkakaakbay ni Lawrence at tuluyang pumasok sa room. Umupo rin siya sa higaan ni Rachelle at si Lawrence ay tumabi sa akin.

"Dalian mo ano na ang sa sabihin mo?" Tanong ni Rachelle.

"Narinig ko ang pag-uusap ni Allia at Francis."

Inilahad ni Ervin lahat ng narinig niya mula sa dalawa na pinlano nilang siraan kaming apat kay sir Lito at palabasin na kapag wala sila sir Lito ay hindi kami nagtetraining. Nagmula rin kay Allia na kaya niya ginawa iyon ay para hindi ako asikasuhin at para pag-initan ako ni sir Lito.

"Aminado akong minsan kaya hindi ako nakakapagtraining kasi limang case study ang ginagawa ko." Sabi ni Ervin.

"Tapos si Rachelle na ospital kaya kinailangan muna niyang magpagaling bago ipagpatuloy ang training, alam naman nila ang tungkol doon at ikaw naman," sabay tingin ni Ervin kay Lawrence.

"Bago ka pa lang sa team kaya kailangan may dumating munang isa sa amin para makapag shoot ka dahil kailangan alalayan ka pa." Tuloy tuloy na sabi ni Ervin. Nakita kong naging malungkot ang emosyon ng dalawa at si Ervin naman ay galit na galit.

"Alam kong may maganda kang ilalaro Narie, at alam kong kahit mag-isa ka lang nagtetraining ka, kapag wala kang pamasahe papunta sa school nakikitraining ka pa rin sa high school. Tapos siniraan ka rin na wala ka raw training." Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Galit na galit si Ervin.

"Hindi tayo inasikaso ni sir Lito kasi naniwala sila kay Allia at Francis ng ganon ganon lang hindi man lang siya nag-isip kung totoo ba iyong mga pinagsasabi ng dalawa sa kaniya."

Alam ni sir Lito na hindi ko pinababayaan ang training kahit sabihin man na naniwala nga siya pero hindi tamang iwanan na lang niya kami sa ere kahit pa paano player pa rin niya kami. Si kuya Francis hindi ako makapaniwalang magagawa niya ito sa akin. Noong grade 7 palang ako siya na ang kuya ko sa archery na palagi akong tinuturuan at kapag inaapi ako ni Allia parati niya akong pinagtatanggol. Palagi niya ring pinapalakas ang loob ko.

Parang nag ibang tao na si kuya Francis, kilala ko siya kapag mali ang isang bagay kahit makinabang siya hindi niya tinatanggap iyon.

Tumayo ako. "Lalabas na muna ako." Sabi ko sa kanila at lumabas ng kuwarto. Narinig kong tinawag pa ako ni Rachelle. Pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Nakita kong nasa bench pa rin si Allia at kuya Francis.

Right DecisionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon