"OO baka hindi kami destiny--- teka may gusto ka siguro sa'kin?" Tanong ni Ramile. Nakinagulat ko.
"Huh? Hindi 'no." Pagkakaila ko. Tumango tango lang siya.
"Magpalit kana muna kaya ng damit o gusto mo ganyan kang magtraining?" Sabi ni Ramile at napangisi.
Oo nga pala hindi pa ako nakakapagpalit naka-red dress pa rin ako at jogging pants. Kailangan kong makakita ng comfort room para makapagpalit. May nakita kong malapit na c.r.
"Wait lang magpapalit muna ko Ramile." Sabi ko at nagmadali ng tumakbo sa c.r.
Nakakainis matagal tagal din akong nagmukhang tanga sa harap niya. Narito na ako sa c.r. at nagpapalit. Paano ba naman nakalimutan ko na ang lahat nung makita ko ang ex ni Ramile.
Lumabas ako agad ng cubicle at saglit na inayos ang buhok ng makita kong gulo-gulo na ang buhok ko. Itinali ko agad ito ng maayos. Lumabas na ako ng c.r. natanaw kong naghihintay pa rin sa akin si Ramile.
Nang biglang may humarang sa dadaanan ko. Napatingin ako rito. Si Wencel, ano na naman ang problema nito?
"Kanina pa kita hinahanap buti na lang natagpuan na kita." Sabi nito.
"Anong kailangan mo?" Tanong ko sa kaniya.
"Nakalimutan mo na ba? Pumayag na akong maging boyfriend mo." Mayabang na wika nito.
Pumayag siyang maging boyfriend ko? Ni hindi nga ako nagpropose sa kaniya na maging boyfriend siya.
"Wencel alam mo hindi naman kita gustong maging boyfriend. Doon ka na lang sa babaeng sasakay sa trip mo ha'no?" Nginitian ko siya at napawi rin ito agad ko siyang tinitigan ng seryoso at nilampasan.
"Ramile tara na, dali." Aya ko kay Ramile at tumakbo. Tumakbo rin siya dahil sa pagmamadali ko.
"Mabuti naman at kumpleto tayo ngayon." Wika ni sir Nico ang coach namin.
"One month na lang at competition na. Kailangan magseryoso kayo sa pagsasanay dahil ito ang maghuhusga kung ano ang magiging kapalaran niyo sa laro, maliwanag?"
"Yes coach!" Sabay na sabi namin.
"Pero ngayon hindi muna tayo magtetraining dahil aayusin natin ang mga pana niyo." Ngumiti ito.
"At dahil halos lahat ay freshmen gusto kong malaman kung anong poundage ng limbs ang kaya niyo. Kasi kung ipipilit ko yung gusto kong ipahila sa inyo baka hindi niyo makaya. Isa pa mas kilala niyo ang mga katawan ninyo kung ano ang kaya nito o kung ano ang dati niyong poundage." Inayos ni coach ang buhok niya at kinula ang ballpen at notebook nito sa upuan.
"Isulat ang pangalan at sa tapat ng pangalan poundage ng limbs na dating ginagamit niyo sa laro." Sabi ni sir Nico at sa akin inabot.
Kaya nagsimula na akong magsulat. 40 pounds na limbs ang ginamit ko noong huling laro ko sa palarong pambansa nung senior high school kaya hindi muna ako magbabawas at magdadagdag. Agad ko itong ipinasa kay Jazmin.
Ito na ang simula. Hindi ako puwedeng magpabaya!
Mayroong kaba sa aking dibdib pero malinaw sa akin na ibibigay ko ang buong makakaya ko. Ang isang pagkabigo ay paraan para tumapang tayo at ang tagumpay ay biyaya sa atin ng Panginoon.
Noong una akala ko isang panaginip lang ang lahat ang pagkakaroon ng isang pagkakataon pero ang imposibleng mangyari ay kayang maging posible basta maniwala ka lang.
NARITO kami sa stock room at sa tatlong oras na pagtutulungan namin nakapag ayos kami ng 8 na set na pana. Halos lahat ng parts ng pana ay bago pa. Masasabi kong masaya ako anuman ang gagamitin ko. Hindi pa kasi ako nakakagamit ng mga riser na win&win at hoyt na mga kilalang brand na equipment ng bow. Ang dati ko kasing riser ay ang pinaka lumang model ng sf. Pero masasabi kong kahit ganon ay palaging pinapatunayan ng pagkakataon na wala sa mamahaling gamit ang magsasabi ng tagumpay, kundi sa pagsusumikap.
BINABASA MO ANG
Right Decisions
FantasyMeet Narie Garcia an archery player but an introvert person. Who made a wrong decision that changed her life and ended up in a dangerous situation. But because she is a good person her fairygodmother gave her another chance. To decide again and whe...