Part 16

15 3 0
                                    

ISANG linggong paghahanda para sa regional competition. Excuse na kami sa klase ng isang linggo.

Narito kami sa shooting range kompleto na sana ang team kaso wala si Ramile. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit hindi siya makakarating ng unang araw ng whole training. Tama na nga. Kinuha ko na ang aking bow na si black at pumwesto na sa shooting line na nakatapat sa 50meters. Nag 50 meters na muna ako kasi lahat sila nagsushoot sa 30 meters baka magkasiraan pa ng bala.

Binabantayan ko lagi ang aking bow arm at release para maging maayos ang tirada ko. Narelease ko ang anim na bala at ang limang bala ay nasa yelow at ang isa ay nasa red ng 8. Kahit pa paano ay maayos ang tirada ko kapag lagi kong binabantayan ang bow arm at release ko.

Nagretrieve na kami wala akong makausap dahil nakabukod ako ng target batt. Pagkarating sa shooting line tumabi sa'kin si Troy. Kung kaya't umabante ako para magkaroon ng espasyo sa pagitan namin. Nagsimula na akong mag release ng bala at ganoon rin siya.





Narito kami sa oval at nag-aayos ng mga tent dito kami matutulog. Ewan ko ba naman ang lakas ng trip ni sir Nico may mga boarding naman kami. Ang pinagtataka ko lang tag-isa kaming tent pa. Gusto ba niyang magmunimuni kami? Sabagay ang archery ay individual game kaya panigurado may magandang dahilan si sir Nico.

"Jazmin, ayokong mag-isa sa tent." Natatakot na sabi ni Lyn kay Jazmin habang inaayos nito ang tent niya.

"Bakit naman?" Tanong ni Jazmin.

"Natatakot kasi ako." Sagot ni Lyn.

"Sabihin mo sa lola mo samahan ka mamaya." Sabi ni Jazmin.

"Nako naman bakit mo pinaalala si lola? Payapa na siya wag mo na siyang abalahin!" Naiinis na sabi ni Lyn.

Tumingin sa akin si Lyn.

"Narie puwede bang tabi na lang tayo?" Tanong ni Lyn sa akin.

Tumango ako. "Oo, pero hindi kaya tayo pagalitan ni sir Nico?" Pagbabalik tanong ko sa kaniya habang inaayos ang tent nagagamitin ko.

"Alam mo walang lugar dito ang mga duwag. Kaya lumayas ka na lang para hindi ka puro reklamo, maliwanag?" Pagsali sa usapan ni Irine.

Napakamot ito sa pagkainis sa sitwasyon niya. "Ahh--- basta mamaya pupunta ko sa tent mo pagkatulog na si sir Nico." Sabi ni Lyn.

"Sige lang Lyn para sabay tayong dadalawin ng lola mo." Pang-aasar ko rito.

"Narie naman! Akala ko pa naman kakampi kita." Sabi ni Lyn at dumukdok sa kaniyang tuhod. Bahagya kaming napangisi ni Jazmin.

Dumating si kuya Carlo, Darien at Troy. May dalawang tent na hindi pa naa-assemble ang dala-dala nila kuya Carlo at Troy isa naman ang dala ni Darien. Malamang kay sir Nico ang isang tent pero paano yung tent pang isa?

"Ang dami niyo namang dalang tent." Sabi ni Irine kila Troy.

"Oo kasi mamaya pa dadating si Ramile kaya ako na ang mag-aayos ng tent niya at ang isa ay sir Nico." Sagot ni Troy.

Dito rin matutulog si Ramile?! Bigla na lang akong nakaramdam ng saya.


10PM na wala pa rin si Ramile. Lahat sila nasa loob na ng kaniya kaniyang tent sinabi sa'kin ni Lyn pupunta siya sa tent ko mamayang 11pm. Nakakaramdam na ako ng antok. Gusto ko pa naman makita si Ramile bago sana ako matulog. Pumasok na ako sa tent. Kailangan ko ng matulog, kapag kinukulang kasi ako ng tulog parang nanginginig ang kamay ko kapag humahawak ng pana. Pumasok na ako sa tent at sinara ito.








NASA madalim akong lugar may papalapit sa akin ang duguang babae na nakasuot ng damit na itim. Alam kong nasa panaginip ako pero gustuhin ko man magising hindi ko magawa. Hindi ko maigalaw ang katawan ko nakatalukbong ako ng kumot hindi ko tuloy alam kung katabi ko na si Lyn. Kailangan kong magising. Nagsisisigaw ako sa pagbabaka sakaling marinig ako ng mga kateam ko pero hindi nila ako naririnig dahil wala pang anumang responde na nanggagaling sa kanila. Kailangan magising na ako. Nanalangin ako para makatakas na ako nakakatakot na...





Right DecisionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon