BAGO pa ako makarating sa classroom ay nagmadali ng pumasok ang mga estudyante.
Tahimik ang lahat at tila ba ay hinihintay nila akong magsalita.
"Good morning everyone. I'm Ms. Narie Garcia, your teacher in MAPEH." Pakilala ko sa aking mga estudyante.
Dahil first day of school kaya pinagpakilala ko muna silang lahat.
PITONG TAON na ang nakalipas ng mangyari ang insidente. Akala ko iyon na ang magiging dahilan ng pagkamatay ko. Ngunit sadyang napakabuti ng Panginoon dahil nalampasan ko ang pagsubok.
Nagising na lamang ako na nasa hospital na. Si Mama agad ang nakita ko nung araw na iyon kasabay ang doctor na labis ang tuwa at tinapatan ako ng ilaw sa mata.
Hinanap agad ng aking paningin si Ramile ngunit, wala siya.
Lumipas ang ilang araw may bumisita sa akin na isang opisyal, ang papa at mama ni Ramile.
Agad nahinawakan ng Mama ni Ramile ang kamay ko at hindi napigilang hindi mapaluha.
"Mabuti naman at nagising kana." Bulong ng Mama ni Ramile sa akin habang tinatapik-tapik ang aking kamay.
"Ipagpaumanhin mo hija, nadamay ka pa sa gulong ito." Dugtong ng Papa ni Ramile.
"Wag niyo na pong isipin iyon, wag na po kayong umiyak." Tugon ko rito.
May maikli akong pagkakataon para magdesisyon ngunit sa maikling panahong iyon ay hindi ko nag-alangan.
"Sisiguraduhin ko ang seguridad mo, hija." Sabi ng Papa ni Ramile.
Halata namang sinusiguro nila ang kaligtasan ko, dahil sa tuwing lumalabas ako ng aking silid ay limang pulis pa ang nakabantay sa akin.
"Magpalakas ka agad." Bilin ng Mama ni Ramile. Ngumiti ako at tumango ako rito.
"Ganon na lamang ba ang pagpapahalaga mo sa aming anak kaya halos ibuwis mo, ang 'yong buhay?" Umiiyak na tanong ng Mama ni Ramile.
Hindi ko alam kung paano ko sa sagutin ang tanong na iyon basta tumango na lamang ako. Dahil mahalaga talaga si Ramile sa akin.
"Nanganib ang buhay mo dahil sa amin, Narie. Sorry." Dagdag pa nito.
"Okay na po ako. Huwag niyo na pong sisihin pa ang sarili niyo." Tugon ko.
"Gusto ko lang po sanang malaman kung bakit po hindi po nakakadalaw si Ramile?" Tanong ko.
Sa pagbukas ng pinto ng kuwarto ay umaasa akong si Ramile ang dadating ngunit wala ni anino niya.
"Nasa Canada siya, Narie anak." Sabi ng Papa ni Ramile.
"Minabuti na muna naming papuntahin siya ng Canada kasama ang mga kapatid niya para wala ng madamay pang malalapit sa kanila." Sabi ni Lieutenant General Ramir.
May kung anong kirot sa puso ko ng malaman kong ang layo na sa akin ni Ramile.
"Huwag ka ng malungkot, uuwi pa rin ng pilipinas si Ramile." Sabi ng Mama ni Ramile. Ngumiti na lamang ako rito.
Pagkaalis ng magulang ni Ramile ay nagring ang cellphone ko at ang weird ng number pero sinagot ko.
"Narie?" Sabi sa kabilang linya. Nang marinig ko ang boses sa kabilang linya ay agad akong napaluha, sigurado ako sa boses na iyon, si Ramile.
"Bakit ka umiiyak? May masakit pa rin sayo? Kamusta kana?" Sunod-sunod niyang tanong.
"Okay lang ako Ramile. Ikaw kamusta kana riyan?" Pagbabalik tanong ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Right Decisions
FantasyMeet Narie Garcia an archery player but an introvert person. Who made a wrong decision that changed her life and ended up in a dangerous situation. But because she is a good person her fairygodmother gave her another chance. To decide again and whe...