TUMAYO agad ako. Ngayon ko lang na pansin na wala pala siyang suot na damit at tanging tuwalya lang ang kaniyang pang-ibaba. Kaagad akong tumalikod sa kaniya at hinanap ang chest guard ni Troy.
Ramdam ko ang pag-init ng aking pisngi. Nakakahiya.
"Ramile ma-may pin-napakuha lang s-sa akin si Troy." Nauutal ko sabi sa kaniya.
"Sige kunin mo na." Sabi ni Ramile at rinig kong pumasok siya sa c.r.
Nakahinga ako ng malalim hindi ko alam kung paano ko siya haharapin dahil sa nangyari.
Kanina pa ako naghahanap sa study table ni Troy pero wala naman dito ang chest guard niya.
Lumabas na si Ramile ng c.r. nakajogging pants ito at black t-shirt basa pa rin ang kaniyang buhok.
"Hindi mo pa rin nahahanap?" Tanong ni Ramile.
Bakit nagagawa niya akong kausapin na parang walang nangyari? Ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko. Hindi ko akalain na sa ganong paraan ang magiging first kiss ko. Siguro hindi iyon ang first kiss ni Ramile kaya parang wala lang sa kaniya.
Umiling-iling lang ako bilang pagtugon.
"Ano ba ang pinapakuha ni Troy?" Tanong muli ni Ramile.
"Yu-yung chest guard niya." Sagot ko rito.
"Chest guard? Kanina bago siya umalis dito nakita kong nailagay niya sa bag niya yung chest guard niya." Sabi ni Ramile.
Dala niya yung chest guard niya?! Tapos para kong tanga na narito at naghahanap? Kinalma ko ang sarili ko.
Pasaway na Troy na iyon!
"Ganon ba? Sige babalik na ako ng range." Sabi ko kay Ramile at nagmadaling tumakbo palabas ng silid.
Ang layo ko na kay Ramile pero ayaw pa rin kumalma ng puso ko.
Pagkarating sa range.
"Ano Narie nakita mo?" Tanong ni Troy. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Wala naman doon ang chest guard mo." Madiin kong sabi rito.
"Oo nga. Nakalimutan ko nasa bag ko pala." Kinuha niya ang kaniyang chest guard sa kaniyang bag at pinakita pa ito sa akin ng malapitan.
"Bakit namumula ang pisngi mo, Narie?" Tanong ni Troy. Napatingin naman si kuya Carlo at Irine sa akin.
"Anong namumula ang pisngi? Anemic nga ako kaya maputla ako." Sabi ko kay Troy.
"Mapula talaga ang mukha mo." Sabi ni Irine.
"Tama na nga iyan. Magtraining kana Narie." Sabi ni kuya Carlo.
"Hello everybody!" Hindi ko na kailangan panglingunin kung sino ang nagsalita dahil alam kong si Ramile ito.
Kinuha ko na agad ang pana ko at pumunta sa shooting line nang biglang hawakan ni Irine ang limbs ng pana ko.
"Tulog ka ba? Gusto mo sampalin kita para magising ka?" Sabi ni Irine. Ano bang sinasabi nito.
"Pupunta ka sa shooting line na pana lang ang dala mo?" Tanong ni kuya Carlo.
"Hindi mo nga suot ang quiver mo." Sabi ni kuya Carlo napakamot ito sa kaniyang batok.
"Wala ka ring suot na chest guard, fingertab at bow sling." Dagdag pa ni kuya Carlo. Oo nga.
Yung mga accessories ko naiwan ko sa kuwarto nila Ramile. Paano ito? Babalik pa ako roon?
"Narie!" Pagtawag ni Ramile sa akin. Hindi ko siya nilingon kaya lumapit siya sa akin.
"Ito yung gamit mo. Naiwan mo kanina." Sabi ni Ramile at inabot ang mga gamit ko. Tinanggap ko ito ng hindi tumitingin sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Right Decisions
FantasyMeet Narie Garcia an archery player but an introvert person. Who made a wrong decision that changed her life and ended up in a dangerous situation. But because she is a good person her fairygodmother gave her another chance. To decide again and whe...