Part 6

12 3 0
                                    

"MEME HINTO KA MUNA." Napahinto ako ng may nagsalita. Tumingin ako sa aking likod, wala na ang mga humahabol sa akin at ang buong paligid ay tila nagliwanag unti-unti ay naging puti na lamang ito.

"Sino po ba kayo? At nasaan po ako?" Ang tanging mga tanong na gumugulo sa akin.

"Ipagpalagay mo na lang na ligtas kana mula sa mga humahabol sayo." Ang sagot nito at ang tono sa pagsasalita niya ay isa siyang lalaki na babae ang puso.

"Sino po ba kasi kayo?" Tanong ko muli.

Bigla siyang nagpakita ng hindi ko namamalayan ang paglapit niya sa akin. Naka bistida siyang pink at mukha itong babae? Na lalaki?

"Diwata po ba kayo?" Ano ba namang tanong iyan Narie sa tingin mo ba may diwata pa sa panahon ito?

"Enebe genen be ke kegende?" Ano raw? Ano ang sinasabi niya.

"Sige tawagin mo nalang akong 'diwata' dahil bagay iyon sa kagandahan ko." Natatawang sabi nito.

"Pero may bigote po kayo kaya paano po kayo naging maganda? Sa tingin ko po isa kayong lalaki." Tuloy-tuloy kong sabi rito.

Bigla siyang napakunot ng noo at sinamaan ako ng tingin.

"Dahil sa sinabi mo iyan ibabalik na kita sa sitwasyong tinatakasan mo kanina." Seryosong sabi nito.

"Wag po! Sorry po sa mga nasabi ko. Salamat po sa pagligtas niyo sa akin." Sabi ko rito at tila ba ay napalitan ang galit niya ng ngiti.

"Hindi naman talaga ako ang nagligtas sayo. Ang siyang tinawag mo ang nagligtas sayo." Sabi nito tumalikod sa akin.

"Ang totoo niyan na rito ako kasi mayroon kang kabutihang loob. Pero parating takot ang pinapairal mo sa iyong puso." Huminga ito ng malalim at humarap mula sa akin.

"Alam mong marami pang posibilidad na wala sa West State University ang kapalaran mo. Pero dahil sa takot mong mapalayo sa pamilya mo pinili mo nalang ang kung ano ang malapit na paaralan." Sabi nito. May kinuha siya sa kanyang bag at laking gulat ko kasi ang kinuha niya roon ay liptint?

"At kung nasaan ka man ngayon ay dahil sa maling tao na minahal mo at itinulak ka sa panganip." Nagpahid siya ng liptint sa kanyang labi. Maling tao? Si Oliver ba ang tinutukoy niya?

"Simula ng araw na malaman mong may kasama siyang babae noong nasa competition ka, bakit hindi mo pa siya nagawang hiwalayan? Dahil na naman sa takot." Sabi nito. Bigla akong napayuko sa sinabi niyang iyon pwede ko naman talagang gawin iyon pero hindi ko ginawa.

"Dahil sa takot nagkamali kana sa bawat desisyon mo at ito ang naging bunga." Nagulat ako ng biglang may kuha ng mga pangyayari kanina na akala ko ay hindi ko na matatakasan. Hindi ko namalayang napaluha na ako. Hindi ako naniniwalang mabuti ako kasi hindi ko nagawang sundin si Mama at Ate.

"Pero dahil mabuti ang iyong puso, bibigyan kita ng pagkakataon. Pero dapat harapin mo na ito ng buong tapang. At sa kabila nang pagharap sa mga pagsubok na buong tapang mong kakaharapin ay siya namang paglapit sa iyong mga pangarap at sa tamang tao na karapat-dapat sa iyong pag-ibig."

Bigla muling nagliwanag at may narinig akong pamilyar na tunog. Iyon ang ringtone ng alarm ko sa cellphone unti-unti ay napagtanto kong nakahiga ako sa higaan namin ni Ate. Natanaw ko ang kalendaryo namin. 2021 palang? Hindi ba 2022 na? Tiningnan ko ang suot kong panjama. Ito ang nasira kong panjama noong sinalubong namin ang bagong taon. Pero ngayon buo pa ito.

Naalala ko ang sabi ng beks na fairy na bibigyan niya ako ng pagkakataon para makapagdesisyon ng buong tapang.

Bigla akong napahawak sa braso ko ng kurutin ako ni ate. Ang sakit.

Right DecisionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon