KASABAY kong maglakad ang paborito kong tao. Sa madilim na gabi na may maraming bituin sa kalangitan, kasama ko siya. Napawi ang sana'y malungkot na gabi dahil kasama ko si Ramile.
Pabalik na kami ng quarters ng makita namin si Lyn at Jazmin na tumatakbo palapit sa amin.
Huminto sila sa pagtakbo at kinalma ang sarili ng makalapit na sila sa amin.
"Anong nangyayari?" Tanong ni Ramile.
"S-si Irine sinuntok yung muse natin." Sabi ni Lyn na naghahabol ng hininga.
Nagmadali kaming pumunta sa kinaroroonan nila. Nasa loob ng office sina Irine, Fericiana, at sir Nico. Kinakausap sila ng sport director ng East State University. Nasa labas lang kami ng office at hinihintay ang paglabas nila.
Ano kaya ang nangyari? Bakit sinuntok ni Irine si Fericiana?
Nagulat na lang kami ng lumabas si Irine at lumapit sa akin.
"Hoy Narie. Sa susunod wag kang nagpapaapi nakakairita ka!" Sigaw niya sa akin at umalis na.
Napatingin sa akin si Ramile. Lumabas ng office si Fericiana na may panyong nakatakip sa ilong nito, namumula ang pisngi at gulo-gulo ang buhok. Tiningnan niya ako ng masama at napatingin kay Ramile.
Naglakad ito sa aming harapan at ilang sandali lang ay nawalan siya ng malay. Kaya napaalalay kami ni Ramile rito. Binuhat agad ito ni Ramile at dinala namin sa clinic.
Kita sa mata ni Ramile ang pag-aalala kay Fericiana. Masama ang ugali ni Fericiana ngunit ayoko namang mangyari ito sa kaniya. At aaminin ko may kurot sa aking puso ng makita ko ang pag-aalala ni Ramile sa kaniya.
"Okay lang naman siya. Siguro mamaya magkakamalay din siya." Sabi ng nurse.
"Puwede na kayong bumalik sa quarters niyo mamaya lang darating na ang trainor niya. Natawagan na namin." Dagdag pa ng nurse.
Lumabas na kami ng clinic. Tama nga ba ang sinabi ni Fericiana? Na siya pa rin ang mahal ni Ramile? Nagmadali akong maglakad pabalik sa quarters at kaagad na humiga't nagtalukbong ng kumot.
Masaya sa pakiramdam ang magmahal. Pero kakambal pa rin nito ang sakit at katotohanan na puwede tayong magmahal, puwede tayong mahalin at puwede rin tayo nitong hindi mahalin.
Tinakpan ko ang aking bibig ng sagayon ay walang makarinig ng aking paghikbi.
Uuwi na kami kaya nagliligpit na kami nang aming mga gamit. Naayos ko na ang mga gamit ko kaya dinala ko na agad ito sa bus. Umupo na rin ako sa bus at hindi na sila hinintay. Mag-isa pa lang ako sa bus. Napahinga ako ng malalim at dumukdok sa aking bagpack.
Nagulat na lamang ako ng may tumabi sa akin. Napalingon ako rito. Si Wencel.
"Qualified for national ka raw. Congrats." Sabi nito.
Tumingin ako sa labas ng bus.
"Salamat." Tugon ko.
"Mali ang pamamaraan mo ng pagpapasalamat, dapat tumingin ka sa mata ko." Pagrereklamo nito.
"Sa'kin ba wala kang sasabihin?" Tanong nito. Nagpanggap akong walang narinig.
"Qualified din ako sa nationals." Dagdag nito.
"Congratulation." Sabi ko at huminga ng malalim.
"Puwede bang lumipat ka ng ibang upuan?" Sabi ko rito na hindi siya binibigyan ng tingin.
"Bakit ayaw mo'kong katabi? Narie, hindi ikaw ang nagmamay-ari ng bus na ito." Galit na sabi niya. Tumayo ako sa aking kinauupuan.
"Paraanin mo ako." Utos ko rito at tumayo siya para makadaan ako at saka ako lumipat ng upuan.
BINABASA MO ANG
Right Decisions
FantasyMeet Narie Garcia an archery player but an introvert person. Who made a wrong decision that changed her life and ended up in a dangerous situation. But because she is a good person her fairygodmother gave her another chance. To decide again and whe...