FIRST DAY.
Hindi na ako nagpahatid pa kay Ate Nica at Mama kasi dagdag gastos pa sa pamasahe, kailangang magtipid. Isa pa hindi naman sa ibang bansa ang punta ko, Pilipinas pa rin naman.
Nasa bus ako ngayon at nakatanaw sa kalangitan ngunit na basag ang kapayapaang iyon ng mapansin kong malapit na akong bumaba, kaya umabante na ako papunta sa driver para hindi mahirapang pumara isa pa para hindi ko rin madaliin ang sarili ko may dala-dala pa naman akong tatlong bag. Sabi ni Ate halos dinala ko na raw ang buong bahay, pero wala akong magagawa mas gusto ko kasing maging komportable kaya dinala ko lahat ng kailangan ko.
"Para po! Sa East State University lang po." Sabi ko sa driver at nakita naman ako ng kundoktor na hirap na hirap kaya tinulungan na niya ako sa pagbitbit ng gamit ko hanggang sa makababa.
Ibinaba ko na muna ang bitbit ko para kunin sa bagpack ko ang I.D. Napansin ko kasi na tinitingnan isa isa ng guard ang mga estudyante kung may suot na I.D.
Sa wakas nakarating na ako sa dorm. Malawak ang unibersidad kaya malayo layo rin ang nilakad ko bago ako makarating dito. Isang malaking gusali at mayroong apat na palapag kita mula sa labas na nahahati ang building na ito sa dalawa dahil sa pintura nito, ang nasa kanan ay red ang pagkapintura at sa kaliwa naman ay blue. Nasa ayos dahil magkabukod ang babae at lalaki. Ito ang dorm ng mga athletes sa university na ito.
Kinuha ko na muna ang susi ng kuwarto sa aking bagpack kasi na roon ang room number. 304 sa third floor ako nakaroom tapos ang dami kong dala kung sinusuwerte naman talaga. Magsisimula na sana akong umakyat ngunit biglang may kumuha ng dalawang travelling luggage bag nabitbit ko.
"Papunta naman ako sa taas, tutulungan na kita. Ano ba ang room number mo?" Tanong ni Troy.
"Sa room 304 ako." Tipid kong sagot dito nahihiya ako kasi alam kong mabibigat ang gamit ko. Tumango lang siya at nauna nang umakyat. Sinundan ko na lamang siya.
Nakatingin lang ako mula sa likuran ni Troy hanggang sa makarating ako sa room 304. Huminto siya at ibinaba ang mga gamit ko sa tapat ng pinto at tiningnan ang nakasulat sa puntuan, kung hindi ako nagkakamali pangalan iyon ng mga makakasama ko sa kuwarto at pangalan ko.
"Puro freshmen din pala ang kasama mo. Sana wala pa sila para makapili ka ng gusto mong puwesto ng higaan." Sabi ni Troy at ngumiti sa akin.
"Salamat sa pagtulong magbuhat ng mga gamit ko." Pagpapasalamat ko rito.
"Walang anuman iyon." Sabi nito.
"Troy saan ka na naman ba galing---" Natigilan sa pagsasalita si Ramile ng mapatingin sa akin. Hindi na ako nagulat doon dahil kung tutuusin para akong ligaw na pusa, na dati ay kalaban ng mga kateam niya noong high school at ngayon narito sa harap niya at magiging kateam na niya.
"Hi, Narie." Bati ni Ramile sa akin at ngumiti ito.
"Sige papasok na ako para makapag ayos pa ng gamit." Sabi ko sa mga ito at kinuha ko na ang mga travelling bag ko, parehas may bitbit ang kamay ko kaya hindi ko tuloy mabubuksan ang door knob. Napansin naman iyon ni Ramile kaya pinagbuksan niya ako ng pinto.
"Salamat." Sabi ko rito at sinarado na ang pinto.
Wala pang tao sa kuwarto ibig sabihin ako ang na una. At makakapamili ako ng gusto kong puwesto ng higaan.
May isang double deck bed at isang single bed. May tatlong study table rin, pero nalalayo ang isang study table na malapit sa single bed kumpara sa dalawang study table. Inilapag ko na ang bag ko sa single bed at humiga. Nagset ako ng alarm dahil mayroon akong isang subject na klase ngayong 2:30pm at ngayon ay 12:00pm palang kaya siguro matutulog muna ako.
BINABASA MO ANG
Right Decisions
FantasyMeet Narie Garcia an archery player but an introvert person. Who made a wrong decision that changed her life and ended up in a dangerous situation. But because she is a good person her fairygodmother gave her another chance. To decide again and whe...