THE COMPETITION
Nasa loob na ako ng bus at nakatanaw sa labas ng bintana. Katabi ko si Irine at magkatabi naman si Jazmin at Lyn. Wala pa rin si Ramile at Troy. Sila na lang ang hinihintay.
"Ayon sa imbestigasyon ng mga tagapagpatupad ng batas ang tina-target na dakpin ng CCP o NPA ay ang mga anak ng mga matataas na opisyal sa Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines dahil matagumpay ang naging resulta ng operasyon nito at maraming napatay na rebelde ang militar. Kamakailan nga lamang na dakip ang anak ng PNP Chief na si Alvin Cruz at natagpuan ang kaniyang katawan sa Manila bay----"
Hindi pa natatapos ang balita ay pinatay na ng driver ng bus ang t.v.
Dumating na si Ramile at Troy.
"Dali umupo na kayo sa mga bakanteng upuan diyan." Bilin ni sir Nico.
Kaagad umupo si Troy sa tabi ni Darien. Kung kaya't gumawi pa sa likod si Ramile. Napatingin sa akin si Ramile at binigyan ako ng ngiti. Ngumiti ako bilang pagtugon.
Puwesto si Ramile sa bakanteng upuan na nasa likod namin ni Irine.
"Sana naiwan na lang kayo ng bus." Sabi ng pamilyar na boses napalingon ako sa nagsalita. Si Wencel ang katabi ni Ramile at katapat ko.
Hindi siya pinansin ni Ramile. Bakit naman kasi sa dinami-dami ng mamakatabi ni Ramile si Wencel pa. Tumingin na lamang ako sa labas ng bintana at kinalma ang sarili.
Ilang oras ang lumipas at nakarating na kami sa isang elementary school kung saan kami ay mamamalagi. Bumaba na kami at dinala na namin ang mga kaniya kaniyang gamit namin. Lahat kami may dala-dalang bow bag at bukod pa ang mga bag na para sa mga personal naming gamit. Nangunguna si Ramile sa paghahanap ng kuwarto ng archery club hanggang sa hindi ko na siya naabot ng paningin ko kasi ang bilis niya.
Kaagad kaming sinalubong ni Ramile.
"Nakita ko na yung room natin." Sabi nito sa amin at lumapit sa akin kinuha niya ang bag ko nalalagyan ng aking mga personal na gamit at sinalo ang ilalim ng bow bag ko kaya halos hindi ko na maramdaman ang bigat nito."Kayo na ba?" Mataray na tanong ni Irine.
Umiling ako. "Hindi." Matipid kong sagot. Hindi naman talaga kami para tuloy akong nakaramdam ng lungkot.
Nakarating na kami sa room at nag-ayos na kami ng higaan isang kuwarto lang sa isang team kaya ang mga beddings ng mga lalaki ay pinuwesto sa gawing pinto at ang sa aming mga babae naman ay katapat ng mga ito.
"Magsuot na kayo ng uniform may parade pa tayo." Utos ni kuya Carlo sa amin.
Kaya kinuha ko na agad ang uniform ko at naunang magbihis sa c.r.
Natapos na ang lahat magpalit ng jogging pants at jacket. Dumating na ang bus na sasakyan namin. Nauna akong makasakay sa bus at bigla akong natigilan ng makita ko si Ferciana na nakaupo sa likod na upuan ng driver. Nakamake-up siya kung kaya't mas lalo itong gumanda. Umupo na ako sa pinakamalapit na upuang bakante nagulat ako ng tumabi sa akin si Ramile. Napalingon si Fercy sa amin, tiningnan niya ako ng malamig at ng bumaling naman ang tingin niya kay Ramile ay binigyan niya ito ng matamis na ngiti.
Attitude 'to. Ang ganda pa naman.
Tumingin si Ramile ng sa cellphone niyang may tumatawag. Natanaw ko ang pangalan ng tumatawag sa kaniya. 'Mama'
Kaagad niya itong sinagot.
"Ma, nakasakay na po kami ng bus papunta sa parade." Inayos ni Ramile ang kaniyang sumbrero.
"Opo, Ma. Mag-iingat din po kayo." Sabi ni Ramile bago niya putulin ang linya.
Biglang tumingin sa akin si Ramile.
BINABASA MO ANG
Right Decisions
FantasyMeet Narie Garcia an archery player but an introvert person. Who made a wrong decision that changed her life and ended up in a dangerous situation. But because she is a good person her fairygodmother gave her another chance. To decide again and whe...