NAALIMPUNGATAN ako unti-unti kong idinilat ang aking mata. Nakita ko ang kisame ng kuwarto namin. Paano akong na punta rito?
Nakaramdam ako ng takot ng mayroon palang taong nakadukdok sa tabi ko. Nakalma ang isipan ko ng makita ko si Ramile na tulog na nakaupo at nakadukdok sa higaan ko. Walang pinagbago kahit gising man o tulog para talaga siyang anghel. Dahan-dahan kong hinawakan ang ulo niya at inayos ng konti ang buhok niyang tumatakip sa kaniyang noo. Ngayon ko lang siya natitigan ng ng ganito katagal kasi lagi na lang akong natataranta kapag may pagkakataon na matingnan ko siya ng malapit. Medyo kulot pala ang buhok niya ngayon ko lang napansin iyon. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti.
Kasi naman nawawala ako sa sarili ko kapag gising ka. Mabilis pa rin ang pagtibok ng puso ko marahan akong bumangon sa pagkakahiga at kumuha ng bangko at tumabi kay Ramile at inihiga rin ang ulo sa aking higaan para mas lalo ko pa siyang matitigan.
Ang puso ko ay nagagalak
Sapagkat ito'y handa nang tumibok muli
Para sa iyo, aking sinta
Kaya sabik nang ikaw ay akin nang makilala
Umaasa makakapiling din kita
Ikaw sana sa'kin ay itinadhana
Ako'y maghihintay sa tamang panahon
Kahit ilang oras, araw, linggo, buwan o taon
Kahit ga'no katagal matiyagang hihintayin
Ang 'yong pagdating
Sana'y laan kana ng Diyos sa akin.
"Narie, sigurado kana bang siya na?" Napabaligtuwas ako at nahulog sa kinauupuan ng biglang lumitaw si fairy beks. Dahilan kung bakit nagising si Ramile.
Tinulungan ako sa pag tayo ni Ramile at biglang nawala si fairy beks. Sinilip ko sa ilalimg ng higaan nagbabakasakali na naroon si fairy beks pero wala tiningnan ko rin ang bag ko kasi baka roon siya pumunta.
"Ano ang hinahanap mo Narie?" Tanong ni Ramile kung kaya't naalala kong narito pala siya. Mukha akong tanga sa harap niya.
"Ahh-- Ehh yung sapatos ko hinahanap ko lang." Pagdadahilan ko. Gusto ko mang sabihin sa kaniya na si fairy beks ang hinahanap ko pero hindi puwede.
Tumango-tango na lamang siya na may halong pagtataka.
"Mabuti naman nagising kana." Sabi ni Ramile.
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kaliwa at kanan kong braso at iniatras ako nito hanggang sa mapaupo ako sa kama. Anong gagawin niya sa'kin?
Tumingin siya sa akin at ngumiti.
"Magpahinga ka, kailangan mo iyon." Sabi nito binitawan na niya ang braso ko at lumapit na sa pinto.
"Pupunta na ako sa kuwarto namin. Matulog kana." Bilin ni Ramile bago lisanin ang silid. Humiga na ako, gaya ng bilin ni Ramile matutulog na 'ko ipinikit ko na ang aking mga mata.
"Wag ka munang matulog sagutin mo na muna ang tanong ko Narie." Bigla akong napamulat. Si fairy beks! Nakaupo siya sa gilid ng kama ko.
Hindi ko mapigilang hindi mapangiti, matagal na nung huling beses ko siyang nakita akala ko nga hindi na siya magpapakita muli. Napahawak ako sa kaniyang kamay na puno ng galak.
"Akala ko po hindi na ulit kayo magpapakita. Fairy, sigurado po ako sa nararamdaman ko para kay Ramile pero hindi ko naman po alam kung siya na ang nakatakda para sa akin." Sagot ko tanong nito.
BINABASA MO ANG
Right Decisions
FantasyMeet Narie Garcia an archery player but an introvert person. Who made a wrong decision that changed her life and ended up in a dangerous situation. But because she is a good person her fairygodmother gave her another chance. To decide again and whe...