ISANG buwan na lang at makakapag tapos na ako sa senior high school at lilipas ang ilang buwan papasok na ako sa University. Marami sa mga kabatch ko naghahanap na rin ng university nilang papasukan.
"Miss Narie Garcia." Tumayo na ako sa kinauupuan ng tawagin na ang pangalan ko.
"Narito po ang schedule ng entrance exam at ang iba pa pong requirements before taking examination." Sabi ng babaeng natumatanggap ng papel ng mga aplikante. Tumango-tango na lamang ako bilang pagtungon.
"Salamat po." Wika ko rito at lumabas na ng university na iyon. Nagmadali na akong umuwi kasi sinaglit ko lang talaga ang pagpapasa ng requirements. Bawal akong mahuli ngayon pa naman ang unang beses na magpapractice ng pagmartsa para sa graduation.
Sa totoo niyan nagtataka ako bakit kaya halos isang buwan ang pag-eensayo sa graduation tapos last two minutes ang dami naming babaguhin na ilang linggong pinag-ensayuhan?
Natanaw ako agad ng adviser ko at agad niya akong sinenyasan na magmadali pero syempre dapat chill lang para hindi mabasa ang kili-kili. Pagkarating ko ay agad akong inabutan ng tissue ni Ma'am Dalia pamunas ng pawis.
Hinanap ko na agad ang kasunod ko sa alphabetical. Ayoko talaga ng alphabetical arrange sa upuan kasi madalas kung sino pa ang hindi natin kasundo sila pa ang katabi ng pangalan natin.
Napatanaw ako sa STEM-12A kumpleto na sila at nakaayos na rin. Hindi ko mapigilang mapangiti ng makita ko ang crush ko na napatingin sa direksyon ko.
Naalala ko yung thesis pala namin ipapa-book bind ko. Napatingin na lang ako sa itaas ng gym. Bakit kaya ang daling mapalitan ng saya ng lungkot magkakambal kaya sila?
"Bukas dapat complete uniform kayo kasi bukas yung graduation pictorial niyo at saka maligo at magsuklay." Biglang napatingin sa akin si Ma'am Dalia ng banggitin niya ang salitang 'magsuklay.' Nagsusuklay naman ako bago umalis ng bahay sa umaga tapos kinabukasan na ang susunod masama ba iyon? Napahawak na lang ako sa buhok ko at sinuklay ito gamit ang aking daliri. Pero itinigil ko na rin agad iyon kasi puro lang naman may sabit kapag sinusuklay ko.
ABALA sa pagliligay ng kolorete ang mga kaklase ko sa kanilang mga mukha. Habang tinitingnan ko sila dahan-dahan kong kinapa sa bulsa ko ang baon kong lipstick magpapahid ako noon sa labi ko bago kapag ka yari ng kasunod naming section.
"HUMSS 12A kayo na ang susunod pinapasabi ni Ma'am Bonifacio." Sabi ng isang estudyante na ang pagkakaalam ko at kabatch namin. Pumunta na kami sa kuwarto kung saan kukuhanan kami ng picture. Isa sa mga classroom ang inihanda para sa pictorial, public school kami ganon ang sistema.
Bago ko pa makalimutan nagpahid na ako naglipstick sa labi ko para hindi naman ako magmukhang maputla sa picture. Nang biglang may dumaan kaya lumampas ang lipstick ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa para gawing salamin at tama nga ako ng pakiramdam umabot sa tenga ko ang lipstick. May narinig akong tumawa mula sa likod ko kaya lumingon ako rito. Tama ako si Jeffrey iyon ang bully kong kaklase. Sinamaan ko siya ng tingin pero tuloy pa rin ang pagtawa niya. Bago pa man din siya mag-invite ng ilan sa mga kaklase naming lalaki umalis muna ako sa pila.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Ma'am Dalia. Hindi pa man din ako nakakapagsalita biglang nanlaki ang mata niya sa akin.
"Halika nga aayusan kita." Hinila ako ni Ma'am sa walang estudyante na classroom.
"Wag na po Ma'am baka makapal gawin mo." Kahit ano pa mang sabihin ko desidido na talaga siyang ayusan ako.
"Simple lang ang gagawin ko hindi naman kita gagawing coloring book diyan." Sabi nito. Wala akong nagawa kundi ang magtiwala na lang.
"O iyan kahit pa paano maayos ang itsura mo kaysa kanina." Kinuha ko ang salamin ni Ma'am na nakalapag lamang sa lamesa. Tinotoo nga ni nito ang sinabing hindi siya gagawing coloring book. Simple lang ang ginawang pag-ayos nito at kahit simple presentable naman.
Pumunta na agad kami ni Ma'am kung saan naroon ang mga kaklase ko.
"Gamboa, Rose S." Sabi ng photographer na lalaking may malaking tiyan. Inayos ni Ma'am Dalia ang pagkakasuot ng toga kay Rose at kinuhanan na ito ng picture. Ako na ang susunod nagsuot na ako ng toga ng biglang lumapit sa akin si Ma'am Dalia para ayusin ang pagkakasuot ko ng togo.
"Malapit ng mag-college ang archer gold medalist ko." Bulong nito sa akin. Ano bang problema ni Ma'am? Gusto ba niyang magkaiyakan pa kami?
"Garcia, Narie C." Narinig kong pagtawag ng photographer.
"Ikaw na." Sabi ni Ma'am Dalia sa akin. Tumango lang ako rito at nagpakuha na ng larawan.
Minsan mayayari ang isang yugto ng buhay mo dahil pupunta kana sa panibagong yugto kung saan mas mapapalapit kana sa pangarap mo. At habang tumatanda tayo mas madalas na tayo na ang mamimili ng gusto nating tahakin sa buhay. Magdedesisyon na tayo hindi katulad noong bata na palaging magulang ang masusunod.
Kinakabahan ako sa panibagong environment pero sabik din akong makapagtapos at makatulong sa magulang at mga kapatid ko. Pero bago pa mangyari iyon sa akin dadaanan ko pa rin ang pag-aaral at paniguradong mas mahirap ang college kumpara sa high school at ang pagiging athlete.
Gusto kong makapagtapos ako sa pag-aral na kasabay ang pagiging archery player ko. Boring para sa iba ang larong iyon pero sa akin hindi, kasi dahil dito nagkaroon ako ng lakas ng loob at iniligtas din ang sa pagkakalunod ko sa lungkot. Minsan ang Diyos magpapadala siya ng tulong para mailigtas ka. Kalimitan tao ang pinapadala niya pero gets ko naman na ang pinadala niya para sakin ay ang Archery.
Sa totoo lang hindi ako gifted katulad ng kateam kong si Allia na konting turo lang gets na, kaya na niyang i-apply at kahit hindi ganon kadalas magtraining kayang makalusot sa Regional meet kasi ako puro lang talaga pagtatiyaga at sipag. Dahil sa sipag at tiyaga si Allia na akala ko hindi ko matatapatan sa huli, kahit magkateam kami, kami rin ang nagpapalitan sa puwesto ng Gold. Pakiramdam ko kaibigan ko siya kapag siya ang nakakuha sa isang distance ng gold, pero ramdam ko naman ang kumukulong dugo niya kapag ako na ang nag-gold.
Tanggap ko ang realidad na kahit gumawa ka ng paraan para mapalapit sa isang tao, kapag ayaw talaga sayo ng taong iyon magkakaroon at magkakaroon pa rin talaga ng awing sa pagitan niyo.
Sa kabila noon masaya ako kasi magiging kateam ko ulit siya dahil parehas kami ng university na pinili sa college. Baka sa pagkakataong iyon maging kaibigan ko na siya maging kahit ano pa man ang resulta ng laro.
"GARCIA, NARIE C. with high honors and athlete of the year." umakyat na kami ni Nanay ng stage ng tawagin ang pangalan ko. Tinanggap ko ang diploma at kumamay kami ni Nanay sa mga head teachers, principal and staff.
Mukhang matatagalan pa ulit akong makapunta sa gym na ito na isa sa mga saksi ng pagpatak ng pawis at luha ko para makapasok noon sa Nationals. Mamimiss ko yung taong walang sawa ang pag suporta sa akin at paniniwalang kaya ko ang kong coach si Airon, siya ang hindi nang iwan kahit may pagkakataong bumababa ang score ko sa laro palagi lang siyang nasa likod ko nakangiti at sinasabing bawi lang. Sana kung saan masaya kong tinapos ang pamamana ko sa lugar na ito sana masaya rin ang susunod.
--
RAMDAM ko ang malakas na pagkabog ng dibdib ko habang tumitingin ako sa mga result ng entance exam. Huli na kasi para marealize kong isang university lang pala ang kinuhanan ko ng entance exam. Kapag hindi ako nakapasa dito wag ng mag-aral ayoko sa private school may tuition doon. Isa pa ayokong problemahin ni Nanay ang mataas na tuition. Bakit ba kasi nag-enjoy lang ako kaka-scroll sa facebook tapos ngayon ko lang naisip na puwede namang mag-apply pa sa iba pang university.
Napatalon ako ng makita ko ang pangalan ko sa mga pumasa sa post sa page ng West State University. Pumunta agad ako sa kuwarto ni Ate para sabihin ang resulta.
"Ate nakapasa ako." Sabi ko at inilapit sa mukha niya ang cellphone.
"Sa dami ng nagte-take ng entrance exam sa WSU malay mo kapangalan mo lang iyang umasa tapos hindi pala ikaw iyan." Kinabahan ako sa sinabi ni Ate. Marami nga naman talagang nag-aapply sa university na iyon. Naalala ko tuloy nung nagsearch ako sa facebook ng mga kapangalan ko ang dami.
"Hala." Bulong ko.
"Ate paano nga kung hindi ako ito dapat kasi with picture kapag ipopost nila yung mga pumasa." Sabi ko pa rito.
"Pero malay mo ikaw iyan." Sabi ni Ate. Lumakas bigla ang loob ko.
"Pero puwede rin na kapangalan mo lang." sabi ni Ate. Dahilan para mapasibangot ako. Pinagtawanan lang ako nito. Minsan nagtataka rin ako kung paano ko ito naging kapatid.
BINABASA MO ANG
Right Decisions
FantasyMeet Narie Garcia an archery player but an introvert person. Who made a wrong decision that changed her life and ended up in a dangerous situation. But because she is a good person her fairygodmother gave her another chance. To decide again and whe...