HINDI ko maintindihan pero bakit sobrang saya ko tuwing nakakasama ko si Ramile.
"Narie okay ka lang ba?" Tanong muli ni Ramile.
"Ahhh-- oo nahilo lang ako bigla." Sabi ko sa kaniya. Tinulungan akong makatayo ni Ramile.
"Kumain kana ba ng hapunan?" Tanong ni Ramile.
"Hindi pa." Matipid kong sagot.
"Kaya naman pala, ako rin hindi pa kumakain ng hapunan." Napakamot ito sa kanyang batok at tumingin sa akin. Nagmadali akong umiwas ng tingin sa kaniya.
"Ano? Tara sa cafeteria?" Tanong nito.
Tumango ako bilang pagtugon.
Habang papunta kami sa cafeteria bigla kong naalalang wala akong dalang pera.
"Ramile, babalik na muna ako ng dorm." Sabi ko sa kaniya. Napatingin siya sa akin na may halong pagtataka.
"Wala kasi akong dalang pera." Dugtong ko pa.
"Libre na lang kita." Alok ni Ramile.
"Naku hindi na, mabilis lang 'to. Hintayin mo ako." Sabi ko at kumaripas na ako ng takbo. Kailangan kong magmadali baka mainip si Ramile.
Pagkarating ko sa dorm pumunta agad ako ng room 304 wala akong paki kung ano ng itsura ko. Binuksan ko agad ang kuwarto, wala roon si Lyn at Jazmin. Kinuha ko agad ang wallet ko. Palabas na sana ako ng kuwarto ng maalala i-check ang wallet ko. Mukhang nagluluksa na ang wallet ko. 100 pesos na lang ang laman nito. Tatlong araw pa bago magpadala si Ate. Kailangan ko itong tipirin.
Pumasok muli ako ng kuwarto at binuksan ang bag ko. Kinuha ko ang isang delata ng sardinas at nagmadali na akong bumalik sa kinaroroonan ni Ramile. Natanaw ko siya hindi pa rin siya umaalis. Hindi ko mapigilang hindi ngumiti.
"Rami---" Hindi ko na ituloy ang pagtawag ko sa kaniya ng may biglang babaeng lumapit sa kay Ramile. Mahaba ang buhok nito at halatang kulang sa bilad sa araw ang balat dahil sa sobrang puti nito, naka-white t-shirt at nakashort na pink. Ang ganda niya.
"Hi, Ramile. Puwede ko bang makuha ang phone number mo?" Halatang nagulat si Ramile sa sinabi ng babae at inabot nito ang cellphone niya kay Ramile. Walang kibong tinanggap iyon ni Ramile at nagtype.
Sinauli ni Ramile ang cellphone ng babae. Hindi mapagkaila ang ang kilig ng babae sa mga ngiti niya. Hindi ko siya masisisi, bukod sa magandang lalaki si Ramile may mabuti pangkalooban. May kung anong kurot sa puso ko ang aking nadama. Mas malaki ang tiyansa ng babaeng iyon kay Ramile kaysa sa akin.
Napatingin ako sa suot ko. Jogging pants, over size t-shirt na white. Napahawak ako sa buhok ko nakalimutan ko nga palang suklayin 'to ulit bago ako magyaya kay Ramile na magpractice ng ballroom. Ano kayang gusto ni Ramile sa isang babae? Gusto ba niya maganda at sexy? Kung ganon ang gusto niya sa babae malabong magustuhan ako nito.
"Thank you, Ramile." Pagpapasalamat ng babae kay Ramile. Nginitian lang siya ni Ramile at umalis na ito.
Balak ko na sanang mag-iba ng daan pero nakita ako ni Ramile.
"Narie, dalian mo." Natatawang sabi nito.
"Sorry pinaghintay kita. Pero nakita ko iyon nilapitan ka ng chix. Ayieee." Pangtutukso ko sa kaniya.
"Wala iyon. Tara ng kumain." Aya nito. Nagmadali na kaming pumunta sa cafeteria. Pinauna ako sa pila ni Ramile.
"Ate isang kanin lang po." Sabi ko sa tindera.
"Iyon lang ba pate?" Tanong nito tumango ako at nginitian ito. Sinenyasan ko si Ramile na maghahanap na ako ng bakanteng lamesa. Pinili ko nalang ang pinakamalapit para mabilis akong makita ni Ramile. Nagulat ako ng biglang tumabi sakin si Ramile at nagulat din ako sa binili niyang pagkain. Tatlong putahe ng ulam na puro gulay at tatlong cup ng kanin.
BINABASA MO ANG
Right Decisions
FantasyMeet Narie Garcia an archery player but an introvert person. Who made a wrong decision that changed her life and ended up in a dangerous situation. But because she is a good person her fairygodmother gave her another chance. To decide again and whe...