EPILOGUE

16 2 0
                                    

NILAMPASAN lang ako ni Ramile kaya't hindi na ako lumingon dito, nang biglang may isuot itong kwintas sa akin mula sa aking likuran.

"B-bakit? Ano i-ito?" Nauutal kong tanong at tiningnan ko ang sinuot niyang kwintas sa akin, ito ang kwintas ng lola niya na binigay pa ng lolo niya rito.

"Bakit mo ito binigay sa akin? Diba dapat sa mapapangasawa mo?" Tanong ko rito.

Niyakap niya ako na aking kinagulat.

"Sayo na lang." Bulong nito.

"Hindi puwede dapat sa fianceè mo ito ibigay." Sabi ko at tinangkang hubarin ang kwintas ngunit pinigilan ako ni Ramile.

"Ano ba 'yong mga pinagsasasabi mong dapat kong malaman?" Tanong niya rito.

"Sinabi ko na kanina hindi ka nakinig?" Pagbabalik tanong ko sa kaniya. Ang dami kong sinabi sa kaniya, bakit parang wala siyang narinig?

"Ano nga ang dapat kong malaman?" Seryoso niyang tanong.

"Na... na gusto kita. Ay, hindi. Na... na mahal kita." Naiilang na tuloy ako kasi pinaulit pa niya.

"Iyon lang? Alam ko na iyan." Napangising sabi nito.

"Paanong alam mo? May nagsabi sayo?"

Tumango lang siya at tumingin ng diretso sa akin kaya na paiwas ako ng tingin.

"Sinong nagsabi? Si Irine ba? Si Troy? Oo si Troy hano?" Panghuhula ko.

"Ikaw ang nagsabi." Matipid nitong sagot.

"Ako? Malamang kasi sinabi ko na sayo ngayon."

"Nung nasa bus tayo papunta ng Albay sinabi mo. Gising ako no'n." Sabi ni Ramile.

Hindi ako nakaimik. Edi matagal na pala niyang alam? Nakakahiya. Hinubad ko ang kwintas ay sapilitang binigay sa kaniya at naglakad ng palayo.


Na sabi ko na ang gusto kong sabihin sapat na iyon. Sana maging masaya siya.

Hindi pa ako nakakalayo ng bigla niya akong yakapin mula sa likod.

"Baliw kaba? Sasabihin mong mahal mo ako tapos lalayo ka?" Tanong niya sa akin.

"Kasi hindi pwede, ikakasal kana Ramile." Sagot ko rito.

"Anong ikakasal? Ikakasal ako ng hindi ko alam?" Nagtatakang tanong niya sa akin.

"Paanong hindi mo alam? May invitation pa nga si Troy." Sabi ko rito.

"Invitation? Naggu-good time lang iyon naniwala ka naman." Sabi ni Ramile.

"Edi hindi ka ikakasal?" Tanong ko kay Ramile. Umiling lang siya.

"Pero may girlfriend ako." Sagot niya.

"Edi okay lang din pala yung pag-amin ko, papunta pa rin naman kayo sa kasalan." Sabi ko sa kaniya. Sinuot niya muli ang kwintas sa akin.

"Oo papunta tayo sa kasalan at hindi aabot kay tulfo." Hindi naman ako nag-aassume pero ako ba ang tinutukoy niya?

"Ako ba ang tinutukoy mong 'girlfriend' mo?" Paglilinaw ko sa kaniya. Huminga siya ng malalim na tila ba ay nakaramdam siya ng buryong.

"Manhid kaba? Pinag-aawayan ka namin ni Wencel kasi parehas kaming may gusto sayo." Sagot nito. Iyon ba ang dahilan kaya sinaktan ni Wencel si Ramile? Paano?

Niyakap ako ni Ramile.

"Namiss kita, Narie. Salamat at buhay ka." Umalis siya sa pagkakayakap sa akin at tumingin ng diretso sa akin.

"Sinong may sabi sayong harangin mo ang bala? Hayaan mong ako ang mabaril." Galit niyang sabi sa akin. Bigla akong naiyak. Kaya't niyakap niya ako.

"Ako ang dapat na promotekta sayo, hindi ikaw." Bulong nito sa akin.

"I love you, Narie." Bulong pa ni Ramile.

"Pasensya kana kung natagalan bago tayo magkita. Hindi na kita iiwan pa." Akala ko talaga hindi na mangyayari ang araw na ito.

"Hoy! This time lagyan niyo na ng label!" Sigaw sa amin ni Troy at inihagis ang invitation. Pinulot ko ito at binuksan dahil hindi ko man lang sinilip ito kanina.


Ramile & Narie

Ang nakalagay na pangalan. Natawa si Ramile ng makita ang pangalan.

"Invitation pala natin iyan." Sabi ni Ramile.

"Mahal natin ang isa't-isa, edi tayo na?" Tanong ni Ramile.

"Ang bilis naman." Sabi ko.

"7 years ang lumipas at hindi nagbago ang feelings natin edi talagang meant to be talaga tayo, ang daming na sayang na panahon."

"Pero binigyan pa rin tayo ng pagkakataon." Dagdag ko.

"Kaya nga wag na nating sayangin yung pagkakataon." Hinawakan niya ang kamay ko at lumapit sa akin. He kiss me.

"Tayo na, wag ka ng aangal." Sabi niya. I laughed and suddenly he kissed me again.

Dapat malaman mo

Ang puso kong ito

Maghihintay sa'yo

Hindi na magbabago

Iyong iyo.

THE  END.

***
Featured song
'Iyong-iyo' by Tj Monterde

Right DecisionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon