Part 10

14 3 0
                                    

PUMITO na si Carlo bilang hudyat na magsisimula na kaming magpaunahang lumangoy.

Tinuruan ako ni Jazmin kung paano lumangoy pero hindi ko pa rin kaya. Pero kahit gawin ko man ang lahat ng style ng paglangoy hindi pa rin talaga ako umuusad.

Nagtatawanan silang lahat puwera si Ramile ng mahalata nilang hindi ako nakaalis sa puwesto ko. Tumawa na rin ako para hindi naman masyadong nakakahiya.

"May vacant kaba bukas Narie?" Tanong ni Captain. Napaisip ako sandali. Umaga lang ang klase ko bukas kaya may mahaba akong vacant.

"Mayron po, vacant ko po ng buong afternoon." Sabi ko rito. Tumango-tango lamang siya.

"One o'clock in the afternoon pumunta ka rito tuturuan kita." Sabi nito.

"Sige po." Nakakahiya naman bibigyan pa niya ako ng oras para turuan bukas. Bakit kasi hindi ako natutong lumangoy nung bata pa lang ako?




MAAGA akong nagising dahil 7:30am ang una kong klase. Kumuha muna ako ng isang delatang sardinas sa bag ko bago lisanin ang silid. Mahimbing pa rin ang tulog ni Lyn at Jazmin. Sana may maganda rin akong schedule na 9am ang klase every weekdays.

Pumunta na ako sa cafeteria. Kaagad akong pumila para bumili ng one cup rice.

"Ano hija ang sayo?" Tanong sa akin ng tindera.

"Isang kanin lang po." Sabi ko rito bakas ang pagtataka niya ngunit nawala ito ng makita niyang may hawak akong easy can sardines.

Umupo na ako sa isang bakanteng lamesa. Binuksan ko na ang sardinas. Kumuha ako ng sarsa ng sardinas at sinama sa kanin. Para sa iba hindi ito masarap pero sa akin, hindi ako masasawa. Bakit? Kasi wala naman akong pambili ng masarap na ulam.

"Ano yun?! Yuck! Ang baho ng ulam mo!" Nagulat ako sa babaeng sumigaw at sinamaan ako ng tingin. Alam ko na ang ibig sabihin noon. Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumipat ng ibang lamesa.

Itinuloy ko na ang pagkain. Ngunit bigla muli akong natigilan ng may lumapit sa akin na tindera dala ang sa adobong sitaw.

"Ate hindi po ako um-order. Baka po sa iba iyan." Sabi ko rito ngunit ngumiti ito sa akin bigla tuloy akong kinabahan kasi may pagka-creepy ang ngiti niya na iyon.

"May nagpapabigay niyan sayo." Sabi ng ale may inabot itong kapirasong papel kaya tinanggap ko ito. Pero sino?

"Ate sino po---" hindi pa ako tapos magsalita bigla na lamang na wala yung ale. May sapi ba iyon. Binasa ko ang sulat sa papel.

Kumain ka ng gulay, mabuti iyan para lumakas ang pangangatawan mo.

Ang sabi sa sulat. Wala man lang pasabi kung sino ito. Lumingon-lingon ako sa paligid baka nasa tabi-tabi lamang ito ngunit wala namang kasuspe-suspetsang tao. Inamoy ko muna ang ulam. Wala namang kakaibang amoy, wala naman sigurong lason. Kung sino ka mang nagbigay ng adobong sitaw, salamat. Habang kumakain ako hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil may mga tao pa rin talagang may mabuting puso.


Hindi na ako humiram pa ng rush guard at swimming trunks. Kasi masyadong fit sa akin at hindi ako komportable sa ganoon. Kaya nagsuot nalang ako ng itim na t-shirt at short kalati ng hita ko ang ikli.

Pagpasok ko sa swimming pool area natanaw ko ang isang lalaking naka rush guard na pula at swimming trunks na itim si Carlo ang captain namin.

Wala man lang ba kaming kasabay nagagamit ng pool ngayon? Kasi naman hindi ako sanay ng ganitong bibigyan ako ng atensyon. Nakakatuwang isipin kasi concern siya at gusto niyang makasabay ako sa mga kasama namin, pero hindi ko pa rin maialis sa isip ko na mababagot lang siya.

Right DecisionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon